Alice's POV"Sir I'll be the one to take care of this. "
Dali-daling umalis si Alice sakay nang patrol car papuntang Pasay City para pigilan ang dalawang nahuling nagnanakaw sa isang bahay.
"Tingin niyo makakatakas pa kayo? Ha?!..."
Sabay hablot ng damit ng dalawang lalaking naka sumbrero habang nakatakip ang kani-kanilang mga mukha.
"Sasama kayo sa presinto,ngayon na!"
Sapilitan niyang pinasakay ang dalawang lalaki sa patrol car papuntang presinto.
"Humanda kayong makulong mamaya.", sabi nito habang nakangisi.
Alice's POV
"Alam niyo bang pwede kayong makulong ng 10-30 taon dahil sa pagnanakaw na yan?!.."
Nandito ako ngayon sa Police Station dito sa Pasay, Manila.
Nandito ako ngayon para sermonan ang dalawang nahuli ng mga tao na nagnakaw sa isang bahay......."
Well, isa ako ditong high ranked officer. Ako nga pala si Inspector Alice Yani Lennen, 20 years old. Oo, siguro ay sinasabi niyong masyado pa akong bata para maging isang Inspector sa loob ng bente anyos pa lang; nag excel kasi ako dahil na rin sa katalinuhan ko. SIGURO.
Ang dad ko ay ang former police chief ng Philippine Special Forces, kaya ay nagustuhan ko rin maging miyembro ng pulisya.
May kapatid din naman akong lalake, pero pinagpilitan niya talagang maging accountant kaya ayun, nagalit si dad sakanya at ayun walang katapusang sermon ang natanggap niya. At natatanggap niya hanggang ngayon kada uwi niya sa bahay.
Mabuti nalang at nandito ako para sumalo ng responsibilidad niya eh. Mabuti nalang talaga at gustong - gusto maging pulis, kung hindi, naku! Malaking problema yun para sakanya.
"Inspector Lennen tinatawag ka ni Chief sa meeting room!"
"Oo! Pupunta na! Ikaw na bahala sa dalawang tao na yan"
" Yes, inspector."
~~~~~~
"So Inspector Lennen, ikaw ang
hahawak ng kaso na ito. .....
Siya si Vernon Jace Estridge, 20 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa UP Diliman, taking up Business management.
Siya ang anak ni Leonardo Estridge, ang may ari ng Est Confeirer Hotel branches dito sa Pilipinas at iba pang mga bansa. According to research team, siya ang magmamana ng kumpanya nila as soon as he reach 25.
Nakikinig lamang si Alice kay Chief Asuncion, ang kanilang pinuno sa Philippine Special Forces habang nagsasalita ito sa harapan.
" So he will be your mission , Inspector Lennen...."
Maya-maya'y itutok nito ang tingin sa projector at kinikilatis ang mga larawan at mga detalye na naka- flash rito.
"We traced something about sa isang armadong grupo na "Chromium ". Ginagamit nila ang mga kamag-anak ng may ari ng isang malaking kompanya para makakuha ng pera mula rito......."
"Masasabi nating hindi basta-basta ang grupo na ito dahil sa malinis at polido ang kanilang mga galaw. Hindi sila nag-iiwan ng kahit na anong ebidensya....."
"Mabuti nalang at nakakuha tayo ng trace mula sa kaso ng anak nang isang negosyanteng namatay dahil sa tama ng bala nito sa ulo. Napag-alamang ang grupo na ito ang dahilan ng pamamaril......"
"Now, we know about their next target and it is Vernon Estridge....."
--------------------
BINABASA MO ANG
Seek For Love
General FictionVernon Estridge, tagapagmana ng isang elite and a billion worth company. Masasabi mong, mayaman, gwapo, popular, perpekto. Ika nga nila, masasabi mong prince charming o kaya'y your ideal boyfriend, but you can say an arrogant, unrespectful, rebel s...