Yes, eto na ang first day ng aking High School Life!
Pero bakit ganito? Parang ndi ata ako excited pumasok sa first day? kakaiba. Isang beses palang ito nangyari!
...
"Carlo. Carlo, gising ka na!" sabi ng pinsan ko. "Bilis! may pasok na!"
"Oo. alam ko."
Tumayo na ako ng higaan at gising na gising na agad ako kahit anong oras na ako natulog. Pagkadating ko sa living room, umupo agad ako sa upuan. Pero bakit parang gusto maligo agad? kahit ganun... hindi ko parin maramdaman ang excitement.
Edi kumain agad ako at naligo na. Nung pagkatingin ko sa orasan... "SHET! ang aga pa! mukhang napabilisan ko ata pagkaligo ko." at nagtoothbrush na.
eto na! papasok na kami sa eskwelahan. kabado ako kung magiging star section pa ako.
(Sa mga di alam ang star section sa school namin, Ang star section ay ang 1st section na ang mga students ay nasa top 40 o pwede pa sila magdagdag.)
Nung nakita ko pangalan ko... "YES! Star section uli akoo! 7 years straight naaa!"
Kasama ko uli ang mga dati kong kaklase. andaming lumipat! kasama na din ang crush ko T^T
Pumunta na ako sa room nmin. Ang section ay 7- Ark of the Covenant. Nakita ko ang mga dati kong kaklase at tuwang tuwa ako. "Geraldine! yes! kaklase uli kita. wala ka kasi last year."
Si Geraldine nga pala ang kaibagan ko simula Grade 2. Actually, Tanga tanga pa ako nun kaya nalaman ko nalang ngayon na nahurt ko pala feelings niya dati. Buti nalang mabait siya :)
Tapos kinausap ko pa ang iba kong dati pang kaklase. At nagmura ako ng nagmura kasi 3 months na ako ndi nagmumura. haha.
(Recess na!)
Pumili na ako ng table at katable ko sila Geraldine. Buti nalang nagkasya pa kami kundi mapupunta ako sa table ng hatest ng classroom namin. YEHEY. Hatest namin siya dahil sipsip, papansin at FC o Feeling Close. Nagusap-usapan na kami ng aking mga kaibigan tungkol sa bakasyon namin.
Balik na ng classroom.
Wala kaming ginawa buong araw kundi nagintroduce at naglaro. WOO!
And that's all for the First Day!
Subaybayan niyo ang Chapter 2!
BINABASA MO ANG
Life of a High School Boy!
HumorAko si John Carlo. Nasa pinaka importante at pinaka masayang parte ng buhay ng tao... Ang HIGH SCHOOL! Pano ko kaya gagamitin ang high school years ko? Subaybayan sa nakakatawa, nakakalungkot at nakakapagpasira ng ulong adventures ko sa "Life of a H...