"Aray aray aray!!" Sigaw ko dahil pinipilipit nanaman ng tiyahin ko ang tenga ko.
"Aba talagang masasaktan ka kung hindi ka kikilos sa bahay na to. Kung ayaw mong kumilos aba e lumayas ka nalang!"
"Opo opo kikilos na," naglakad nako papuntang kusina
"Kanina pa ko kumikilos dito tsk.""Aba may sinasabi ka?"
"Wala po tita."Ganito naman lagi eh pag ayaw mag sikilos ang mga anak niya nag dadrama para sa akin mapunta lahat ng gawain, minsan pag hindi ako sumunod dahil may gumagawa ako ng homework susumbatan ako na sya daw ang nag papakain sa akin at nag papa aral, duh pag ako yumaman babayaran kita.
So sumunod nalang ako nang matahimik na ang bunganga ng tiyahin ko. Parang machine gun eh.
"AYYY TIYAHIN KONG BRUHA." "*Bruooggs*" Gulat na sigaw ko dahil may tumalon sa harap ko habang nag huhugas ako ng mga plato, si choco yung aso ko. Maharot to mahilig akong talunan, at dahil nga maganda kong amo nakikisabay ako sa trip ng aso ko. Tinatalunan ko din siya, naalala ko nung araw na nakikipag harutan siya sakin, sa sobrang lungkot ko ayoko makisabay sa trip ng aso ko, so binali ko nalang paa niya ng hindi na nsya makatalon. Pero ang walangyang aso two days lang magaling na paa. At nakakatalon na. Buti nga hindi ako kinagat non eh, love daw niya ko. Oo sabi niya yon.
Nagyon ko lang napansin na may nabasag pa kong pinggan. Nanlaki ang mata ko nung makita kong iyun yung platong paborito ni tita. Nako lagot!
Pinulot ko ang mga piraso nito at dali daling itinapon sa basurahan sa likod yung hindi makikita. Pero sana tlga huwag makita to ng tiyahin ko nako lagot tlga ko, sinabi sakin ng tiyahin ko na mahal daw yong platong yon. Jusko lurd.
"Ikaw naman ksi choco eh! Bat mo ba kse ko ginulat? Nako, pag tlga nadali kita mapipilyan ka!"
"Aww aww!"
"Hoy ulol!" Sigaw ko saka tinalikudan siya, nag tuloy na din ako sa paghuhugas ng plato dahil kanina pa ko nakatanga dito. Mag iisang oras na nga yata kong nag huhugas eh.
Pakilala muna pala ko mga bhe.
Ako si 'Pidesma Juat. Pwede rin Pides, 17 yrs old. Ulila nako kaya sa tiyahin ko ako nakatira, pangalawang taon ko na dito sa maynila. 4th yr high school na ko. Nag aaral ako sa *tutut University. Taray noh syempre gastos yan ng tiyahin ko.
Ewan ko ba sabi ko naman kahit dyan lang sa malapit eh. Ayaw daw niya dahil walang tagabitbit yung mga anak nya ng gamit. Kaloka bhe iyon pla yung dahilan akala ko special ako. PweMag dadalawang linggo na din simula nang nag pasukan, wala namang naging problema, walang namang nambubully at lalong walang pumapansin. Snob lang sa kanila yung pretty kong pes. So snob nalang din ako.
Wala rin akong kaibigan dito. Oo simula nung dumating ako wala tlga. Kahit mga pinsan ko ayaw ako kausapin. Ganda naman nya kung ganon.Nakahiga ako ngayon dahil Kakatapos ko lang gumawa ng assignment ko nang dalawin ako ng antok. Gabi na rin kaya naisipan kong matulog na. Hanggang sa naramdaman kong pumipikit na yung dalawang mata ko.
zZZzz...