Chapter 2

31 1 1
                                    

Alasais na nag magising ako dahil wala namang masyadong pinapagawa ang tiyahin ko. Minsan kasi sa ganitong oras naglalaba pa ko kaya minsan late nako kung pumasok, so eto ko nakaligo na. Hihihi ganda ko sa uniform na to. Hehehe.

Hello goodmorning! :)
Pasok na me. Pmm

Gm.
#prettymuch;*

Yes nag gigiem muna ko bago pumasok.
Kahit wala naman ako masyadong katext. Yung mga pinsan ko lang tlga sa probinsya. Ang jejeje pa. Hays

Nung pag kakain ko sumakay nako sa trycicle. Mabuti nalang hindi papasok yung dalawang bruha ng buhay ko kaya wala akong masyadong dala. Pag kain ko lang.
Sarap araw ko ngayon hehe.

Nang makababa nako sa trycicle pumunta muna ko sa may bench pahinga muna ko syempre kahit wala kong ginagawa napapagod din ako.

"Boooooooom!" May bolang tumama sa ulo ko. Hinimas ko pa iyon dahil napuruhan ata.
"Hoy! Akala nyo ba hindi masakit yon?!" Sigaw ko sa mga lalaking naglalaro ng basketball dahil umalis nalang sila nang makuha yung bola di manlang nag sorry ang mga loko.

"Hindi." Matipid na sagot nung isa nabwisit ako kaya sinipa ko sya.

"Anong hindi? Masakit kaya! Wala manlang sorry sorry mga bhe?!!"

"Alam ko, at wala akong balak magsorry." Mahinahong sagot nanaman nya. Letche to ah.

"Mag sorry kayo! Baka magkabukol ako nito huhuhu!" Pabebeng sabi ko at bigla nalang silang nag sialisan. Luh snob lang ang beauty ko? Okay keri na yan!

Naglakad nako papuntang room ko. Dahil nga pang 3rd floor ako matagal bago makapunta sa room. Sakto namang nakita ko si Bebe Zy ko. Lumapit ako sa kanya at kinalabit sya. Gugulatin ko sana kaso naunahan nya ko. "Kung si Pides ka, umalis ka na." Mahinang sabi nya mula sa likod nya.

"Ah hehe, may sasabihin lang ako."

"Ano?"

"Pwede mag date tayo bukas, libre ko yun. May naipon kase ko eh. Pwede ba?"

"Psh" walang ganang sabi nya saka nya ko tinalikuran.

"Please sige na. Doon sa plaza magdadala na tuloy ako ng carbonara, diba favorite mo yon?"

"Hindi na ngayon, hindi ako pupunta. At hindi ko kailangan ng libre mo. Tabi." Tinulak nya ko pero mahina lang naman. Ang gwapo nya habang naglalakad piling ko ang laki ng pinagbago nya mula ng nag hiwalay kami. Nadagdagan ang kagwapuhan nya at tumangkad sya. Ewan ko ba araw araw naman kami nag kikita dito at sa araw araw na yon palagi nalang ganito ang pakikitungo nya sa akin.

"Basta sa plaza, 6pm hihintayin kita don. Asahan ko yan babe loveyou!!!."
Sigaw ko habang hindi pa sya nakakalayo.
Narinig naman nya siguro yon dahil lumingon pa sya pagkatapos ko sabihin. Ang gwapo nya talaga shet. Lalo ako naiinlove hays.
Napangiti nalang tuloy ako. Ano kaya mangyayari bukas? Waahh! Can't wait mga bhe!!

Napapa "Laalalalaalalala" tuloy ako habang naglalakad. Ganto ko pag masaya napapakanta ko ng lalalalalala lang ang lyrics. Hehehe

"LALALALALALALALALAAAAAAAAA~."
Tinaasan ko na talaga yung boses ko dahil gusto kong mafeel yung kanta, ang sarap pakinggan lalo na sa bunganga mo nanggaling.

Pag tingin ko sa relo ko alas 8 na! Shet late nanaman ako.
Nagmadali nako sa paglalakad at ng hindi ako nakuntento sa lakad ko tumakbo nlang ako.
Muntikan nakong madapa sa dulas nang floor. Nakafroor wax siguro. Shushal ang floor pwe

"Goodmorning sir, sorry im late." Nakatungong sabi ko.

"Okay come in. Next time na malate ka ipapatawag ko na magulang mo Pides!"

"Opo sir Jr."
Umupo na ako at nag simula nang mag sulat ng lecture, buti nlang nag lecture lang. So tinapos ko na nang makapag basa muna ko ng story sa wattpad. Walang teacher kaya pwedeng mag cp.

So inopen ko yung wifi and nag update ng story ni owwsic. Yung 'That Promdi girl ni Kuya Sic ang binabasa ko. Nasa chapter 10 palang ako. Tawangtawa na ko. Mygosh. Bobo tlaga ni althea dito. Shetness.

Sa kalagitnaan ng binabasa ko ay may biglang sumigaw nang malakas sa loob ng class room namin. Mukhang may nag aaway mga bes. So wapakels lang ako dahil busy mode ako.

Hanggang sa... "ANO? ANG YABANG MO! WALA KA PALA PWE! WEAK!"

"HOY! Lalake bago ka mag sisigaw dyan siguraduhin mong mabango yang bunganga mo!" Sigaw ko habang nag babasa pa din. Shet nasan na ba ko? (Nasa room malamang bobomuch?)

"What the?!!!" Sigaw nung lalaki sakin. Ewan ko kung sino sya pero sa tingin ko Senior high sya.

"What the pak ganern!"

"Nakakabastos ka na ah!" Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko kaya ang lapit na ng mukha namin syempre. Common sense mga bhe.

"Hindi ako interesado sa gwapo mong mukha kung totoo man, at ilayo mo yang bunganga mo sa mukha ko please." Nilagay ko pa kunyare yung kamay ko sa mukha nya para sakto talaga yung speech ko.

"Kung may mabaho mang bunganga dito, hindi ako. Ikaw siguro!"

"Mamatay na nag sabing mabaho hininga mo, ang sabi ko ilayo mo yung bunganga mo. Clear?"

"Argggh!!! Anong sinasabi mo sakin? Kilala mo ba ko ha?!"

"Hindi."

"What the hell are you talking?!"

"Ako kilala mo ba ko?" Mataray na sagot ko.

"Hindi, bakit naman kita kikilalanin ha!"

"So quits lang."
Piling ko ang pretty ko habang sinasabi ko yon. Ramdam ko na din na dumadami na yung mga tao sa loob ng room namin kahit yung ibang section nandito narin. Piling ko artistahin ako. Nagandahan ba sila sa speech ko? Siguro nga.

Pero wait... Parang namumukaan ko tong lalaking to. Hmmmmm wait iisipin ko...

Shet bat di ko maisip? Wahh. Bahala nanga!

Pero ang gwapo nya. *~°
Ang tangkad, mas matangkad pa kay bebe Zy ko. Mas pogi pa kay bebe Zy ko. Mas pa! Basta MAS!

Pero kahit na! Para sakin si Zy parin ang Gwapo sa paningin ko
JOHN ZYRONE BLAKE NG BUHAY KO. :***

Mayamaya pa ay napansin kong nag lalakad na palayo yung lalaking kaaway ng classmate ko. Yung classmate ko naman halatang nasuntok. May pasa eh malamang.
Nangonti nari yung mga estudyande sa loob. Chismosa pwe

"Psh wag mong isiping nanalo ka, dahil gagantihan kita sa pagpapahiya mo sakin. Just watch." Nagulat nalang ako nang may biglang bumulong mula sa may batok ko. Hindi ko lang pinahalata dahil tiyak ang pangit kong magulat. Nahahalata ko yon ang pangit tlga.

"Hoy ang init ng hininga mo may pabulong bulobg kapa!" Sigaw ko at nag basa nalang ulit. Umalis narin sya dahil wala syang mapapala sakin. Lol
Shet nasaan naba tlga ko? Anong chapter na ba? Natouch ko kasi yung ibang chapter eh. Hayy nako!! Masasampal ko tlga sa tagiliran yang ichin na yan! (Ichi- abnormal, specialchild, iyu kase pangalan nung kapit bahay namin sa probinsya. Specialchild sya. Tapos Ichi pangalan nya.)

Okay walang may pake
Inoff ko na yung cellphone ko tutal nawala na ko sa mood mag basa. Epal tlaga yang Ichi na yan!

Napangiti nalang ako dahil bukas nga pala mag dedate kami ni Zy sa plaza. Hihihi di ko maiwasang hindi kiligin pag naiisip ko pangalan nya. Hihihihi.
Makapag recess na nga.

Desperate WomanWhere stories live. Discover now