Minsan naisip ko, bakit hindi ako nagsasawa kasama siya? Siguro, nasanay na kong kasama siya? Kasi sabay kaming pinanganak. Sabay magbirthday. Sabay kumain. Sabay maligo. Sabay magtoothbrush. Sabay magbihis. Sabay pumasok ng skwelahan. Sabay umuwi. Sabay gumawa ng assignment. Parang higit pa sa kapatid ang role namin sa isa't isa. At ngayon sabay kami nagtapos ng pagaaral sa highschool.
"Maal. Congrats! Graduate na tayo. Kasalan naaa!! haha" Sabi niya habang yakap-yakap namin ang isa't isa.
"Maal? Ba't ayaw mo magsalita diyan?" Nilayo niya ko sa katawan niya at nakitang maluha-luha ako.
"Hala! Maya ka na umiyak. May ibibigay pa ko. At siguradong.. hahahaha. Sayang make-up! Ang ganda ganda pa namn ng maal ko." Kiniss niya ko sa noo. Ramdam ko talaga kung gaano niya ko kamahal.
Shocks! Ayoko na! Konti na lang bibigay na ko!
"Maal, uwi na tayo." Sabi ko. At umuwi na kami. Sa bahay nila kami magcelebrate, hindi kasi umuwi sila mama at papa. Busy daw sa trabaho. Okay lang, lagi namn ganun. Nasanay na ko. Nasanay na kong si Gelo palagi ang kasama ko. Sa lahat. Kaya di ko ata kakayanin kapag napahiwalay ako sakanya..
Habang nasa sakyan.. Kinukwento niya ang future kasama ako. Ang saya niya. Sobra. Kita sa mga mata niya, at kung pano siya magkwento. Detalyado.
"Gelo." Sabi ko. Kapag tinawag ko sha sa pangalan niya, may hindi magandang mangyayari. Alam niya yun. 15 years kaming magkasama.
"Bakit, Zhy? Sasagutin mo na ba ako?" Sabi niya. Wag na lang nga muna. Kinakabahan ako eh.
"Ah. maya nalang maal sa bahay." Hindi na sha nagsalita. At nagpatuloy sa pagdrive. Natulog na lang muna ako sa biyahe.
Nang nasa bahay, sinalubong ako ng kiss at yakap nila itay at nanay. Mga magulang ni Gelo.
"Mga anak, baba na kayo diyan. Kakain na tayo." Si inay. Nagsibabaan agad ang Ate at Kuya ni Gelo. Diretso sa table.
"Zhy, san ka nga pala magcollege. Dun ka na lang kaya sa La Salle? Para schoolmate tayo." Sabi ni Ate Pam.
"La Salle mo mukha mo!" Sabi ni kuya at nagbelat pa sha kay Ate.
"Ateneo ka na lang. Malapit! At ayaw na ayaw kong nahihirapan ang mahal na maal ng aking kapatid." Sabay tingin kay Gelo na katabi ko na pala at sabay kindat. Napangiti namn ako dun.
"San ka nga magcollege maal?" Sabi ni Gelo. Nikibit-balikat lang ako.
"Nay, Tay hindi po ako magaral ng kolehiyo kapag hindi ko kasama si Zhyra sa university na papasukan ko. At kapag hindi ko pa po sha girlfriend." Laking gulat ko sa sinabi ni Gelo.Nahampas ko sha sa balikat. Nagulat ako, ang lakas ng pagkahampas ko. Kaya natahimik tuloy ako. Nakakahiya kila inay at itay.
"Sige, payag ako. Basta magaral ng mabuti." Itay.
"Payag din ako, basta uubusin natin ang lahat ng pagkain na 'to." Sabay turo sa pagkaing nasa harapan namin.
At nang matapos magsikain, hinila talaga ko nii Gelo papunta sa kwarto niya. Okay lng, madaming beses na ko nakapasok sa kwarto niya.
"Bkit mo ko hinampas? Ang lakas nun uh! Kailangan kong bumawi. Akala mo huh. Hahahaha!" Palapit na sha ng palapit. Alam ko na 'to eh, hahalikan niya ko kaya tinulak ko na sha agad. Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Maal, ano bang problema? Okay namn tayo. Okay namn diba? May ginawa ba kong mali? Ano? Sabihin mo naman. kasi kung hindi, tuluyan na kong mababaliw.."
"Magsalita ka na maal!" Mangiyak ngiyak na siya.
"Gelo. I'm sorry." Sinasabi ko habng nakayuko. Hindi ko ata kakayanin kapag nakita ko siyang nagkakaganyan dahil sakin.
"Sorry saan? Bakit?" Hawak niya magkabilang braso ko..
"Hindi ako dito magaaral ng college. Kukunin na ko nila mama at papa sa susunod na linggo. I'm very sorry kung pinaasa kita. Na hindi ko agad sinabi. Ayaw kong nasasaktan kita. At ayaw kong makitang nasaktan kita dahil lang sakin.."
"Sabay tayong nangarap at sumumpa. Na walang iwanan. Tayong dalawa lang. Nangako ka zhy ehh."
"Sorry. Sorry." Hindi ko na kaya. Napaupo ako habng umiiyak sa sobrang pagkahina ng mga tuhod ko. Tinulungan niya kong tumayo. Nakahawak ako sa mga braso niya.
"Sige, umalis ka na. Galingan mo sa pagaaral. At bumalik. Kasi hiling ko lang namn ay maikasal sayo maal."