HANGGANG IMAHINASYON NALANG BA?

175 24 15
                                    

Hanggang Imahinasyon na nga lang ba?

Hanggang doon lang ba?

Ano nga ba ang purpose niyo sa mundo kung hindi ko rin kayo mahahawakan?

Kilala namin kayo pero kayo hindi niyo kami kilala.. unfair ba?

'Onti lang kayo pero ang dami namin tingin niyo mapapansin niyo kami?

Isa lang naman ang hiling ko ang makita kayo at mahawakan kahit sa dulo man lang ng damit niyo.

NANANAWAGAN PO AKO SA NANAY AT TATAY KO NA NAWAWALA CHOSS. Hahaha!

Andaya ng buhay ko! 'Yung iba nakakapunta ako hindi!

Gano'n ba talaga kayo kayaman? Kayo meron ako wala?

Kahit mahawakan ko lang 'yung mga asawa ko? Hindi pa kayang ibigay..

Hindi ko naman masisisi 'yung buhay namin eh kahit mahirap kami gagawa at gagawa parin ako ng paraan..

Mag-iipon ako para sainyo ganyan ko kayo kamahal!

Heto ako ngayon nanonood ng previous concerts ng Bangtan Boys habang umiiyak.

Ang daming fangirls huhu. Sila ang sasaya nila pero ako nganga!

Pag nakikita 'kong hinahawakan ng idol ko 'yung mga kamay ng mga bitch sa concert kumukulo dugo mo eh. Yung tipong gusto mong sabunutan 'yung buhok nila sa harap nang bangtan.

Ang sabihin mo naiingit ka lang! Kyla.

"Hindi ako naiingit ha!" Sigaw ko sa kwarto ko. Alam kong parang baliw na ako, pero hindi talaga ako naiingit. I swear!

Totoo naman eh, hindi talaga. Maniwala po kayo. Hindi po ako maiingit este naiingit.

"Eh bakit ka umiiyak kung hindi ka naiingit ha? Kylatot!"

Napatingin naman ako sa gawi ni kuya na nakangisi. Aasarin na naman ba niya 'ko?

Kasalukuyang naka crossed arm siya habang nakasandal sa pintuan. Pasosyal si tanga oh, 'kala mo gwapo mukha namang prinito.

"Hindi naman ako umiiyak ah!" Protesta ko, sabay punas sa mata.

Umiyak nga 'ko.

Inis kong pinatay 'yung cellphone ko at ibinato sa unan. Nakita kong lumapit si kuya sa'kin at umupo sa tabi ko.

Niyakap niya 'ko at hinahaplos-haplos ang buhok ko. Ramdam ko ang tubig na umaagos sa mata ko. Naalala ko kung paano ako pakiligin nang mga idolo ko. Naalala ko kung paano ako umiyak dahil nabawasan sila nang tatlo. Naalala ko kung paano nabuwag ang gusto kong boygroup at girlgroup. Pero habang nandito pa ang bangtan na minahal ko nang sobra hindi ako titigil, mamahalin ko sila magpahanggang wakas.

Sa susunod makikita ko na rin kayo.

Huminto si kuya sa paghahaplos ng buhok ko at niyakap niya ako ng mahigpit. Thankful ako dahil may kuya akong laging nasa tabi ko, kahit na lagi niya akong inaasar-asar, kahit na lagi niya akong sinusumbong kay Mama na para daw akong tanga dahil sigaw ako nang sigaw sa kwarto ko.

"Tangina mo," bulong sa'kin ni kuya sabay bitaw sa pagkakayakap sa'kin.

Aba, okay na sana eh. Mabuting kapatid na sana si kuya eh. Minura pa ako, babawiin ko na lahat ulit nang sinabi ko.

"Tangina mo din!" Sigaw ko rin sa kanya with matching pakyu pa. Gan'to kami magbangayan ni kuya, nagmumurahan pero nagmamahalan.

Tumakbo paalis si kuya sa kwarto ko. Buti nalang at andiyan ang kapatid ko para asarin o 'di kaya'y patawanin ako.

Hanggang Imahinasyon Nalang Ba?xxBTS FANFICxx [ONE-SHOT COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon