F.L.A.M.E.S and H.O.P.E

259 30 32
                                    

Ano nga ba ang Flames at Hope? Sabi ng mga kaibigan ko na ang Flames at Hope daw ay isang laro.

Minsan ko na ring nasubukan iyon ngunit hindi ko nasubukang ilagay ang pangalan ng crush ko hayy!

Kapag naglalaro ako ng flames at hope ay nilalagay ko ang unang pangalan ko na 'Krystal' at ang pangalawang pangalan ko na 'Johanna' kaya never ko pang nasubukan ang ilagay ang pangalan ng crush ko.

Natatakot kasi ako na baka kung ano ang lumabas doon. Ayokong umasa eh.

Ayoko namang umasa sa resulta sa flames kasi kapag lumabas ung Married-Love tapos oo, aasa na naman ako. Tapos kapag lumabas ung enemy nanlulumo agad ako.

'Hayy wala talagang forever'

"Ms.Castillo?"

Napabuntong-hininga nalang ako bago tumingin kay Miss na kasalukuyang nagtuturo ngayon.

"Yes miss?" pilit na ngiting tanong ko.

"Please stand up," utos ni Miss sakin.

Kinakabahang tumayo ako at tumungo kay Miss.

'Uh-oh'

"Na open ni Mr.Caballero ang topic na about love, what can you say about love? for you Ms.Castillo?" seryosong tanong ni Miss sa'kin habang ako naman ay nanlalambot ang mga tuhod.

Si Miss nag-aantay ng sagot ko kaya lalo tuloy akong kinabahan. Lalo na 'yung binanggit niya ang surname 'non.

Luminga-linga muna ako sa mga kaklase ko na malawak ang ngiti at nag-aabang ng sagot ko.

Ano nga ba ang masasabi ko sa Love? Bakit kasi 'yan pa ang naisipang topic ni ano! Kainis, nag-eemot na ako kanina sa kanya tapos..tapos.. 'Grr!'

Tumingin pa muna ako Caballerong Unggoy na malawak ang ngiti sa'kin kaya naman, lahat ng dugo ko napunta sa siopao 'kong pisngi.

'Bakit ka ba nakangiti sa'kin? Ha!'

"About love Miss? love is just a word, and love doesn't exist. But you can feel the love in the person you love. Sorry for my non-sense english Miss hehe." pilit na ngiting sagot ko sabay kamot ng ulo.

Napa 'ohh' naman 'yung mga kaklase ko at 'yung iba naman ay sinasabing 'may pinaghuhugutan!' At 'yung iilan naman ay nagtatawanan dahil siguro sa pag e-english ko. Bakit kasi english pa 'yung subject ni Miss hayy!

"Okay, sit down," seryosong utos ni Miss sa'kin.

Ba't ang seryoso kasi ni Miss? Kinakabahan tuloy ako eh. Last subject nalang at recess na. Gusto ko na mag-recess gusto ko na maka-alis dito! Naiilang na ako, alam niya ba na gusto ko siya?


Hindi pwede! Isang taon na akong may gusto sa kanya. Halos magdikit na kami palagi dahil lagi ko siyang sinusundan.

Never niya pa ako napapansin hanggang sa maging kaklase kami ngayong grade 10.

Lalo akong na-turnon 'nong nakita ko ang tunay na ugali niya. Sobrang bait niya sa'kin..samin, kaya halos lahat ng babae, dumidikit sa kanya. Idagdag mo pa ang katalinuhan niya at pagiging aktibo sa lahat ng subjects mapa-activities man.

F.L.A.M.E.S and H.O.P.E [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon