Imposible

12 2 5
                                    

Unang kita ko palang sa iyong litrato na hawak ng kaibigan ko, agad na akong napahanga sa kagwapuhan mo.

Hiningi ko ito at sa kasamaang palad siya'y tumanggi. Sinabi ko na lang sa sarili ko na 'Okay lang yan. Makakahanap din ako ng litrato mo'.

Pagkauwi ko palang sa aming bahay agad na akong tumakbo at hinagilap ang aming laptop upang maghalungkat sa mga social media sites ng mga litrato mo. Tuwang tuwa ako dahil may nakita akong isa. Napakagwapo mo doon. Halatang mas matanda ka sa akin ng anim na taon ngunit napaka bata pa rin ng iyong mukha.

Marami akong nakitang litrato mo noon at lahat ng makita ko ay isinave ko. Oo, ganyan ako kaadik sayo.

Naglagay ako ng isang malaking litrato mo sa kisame ng aking kwarto. Nasigawan pa ako ni mama dahil doon at sinabi nya na 'Ano ba yan Hannah?! Para kang baliw'. Sinabi ko na lang sa kanya na 'Oo ma. Baliw na ako sa kanya'. Kinikilig pa ako nun noong sinabi ko yun. Kaya ko naman dinikit iyon doon para tuwing paggising ko ikaw agad ang nakikita ko. Makita ko lang yun para na akong uminom ng isang dosenang enervon.

Nalaman ko rin na isa kang artista. Nanlumo ako nung nalaman ko yun. Nanlumo ako dahil marami akong kaagaw. Isa na yung mga kaibigan kong bruha. Letse. S'ya daw nauna kaya sa kanya ka daw pero ang sabi ko 'mas maganda ako sayo kaya sa akin sya'. Nag away kami noon sa classroom at ang sabunutan.

Sobrang bata ko pa noon at nauwi kami sa principal's office. Pinagtawanan kami ng mga officers doon. Napakababaw daw ng dahilan upang mag away kami. Kung sa kanila mababaw lang iyon, pwes sa akin hindi.

Naging motivation kita sa pag aaral ko. Naging top ako noong grade school at yung mga mababa kong scores ay bigla nalang tumaas ng halos sampung puntos. Ganun ang ipekto mo sa akin.

Nalaman ko rin na nag concert kayo dito. Iyon ang unang beses na nakapunta kayo dito sa pinas. Ang saya ko nun ngunit napalitan din ng lungkot. Gusto kita makita noon pero ni piso wala akong pera pambili ng ticket. Umiyak ako ng umiyak. Di ako kumain at di rin lumalabas ng kwarto. Ang sama ng loob ko nun sa aking mga magulang dahil di nila ako pinayagan pumunta sa concert n'yo.

Kinabukas sinabi nung kaibigan kong bruha na nakaalis na kayo sa bansa at babalik kayo sa susunod. Tumili ako nang marinig iyon sa kaibigan kong bruha at sinabi na 'Putcha! Magiipon na ako'.

Araw-araw kong tinitipid ang pera ko para sa concert n'yo at nagbabaka sakali na bumalik kayo dito ngunit umabot na nung graduation sa elementary wala parin.

Noong nag highschool ako, naging busy na ang lahat. Pati ikaw ay nalimutan ko na. Nagkaroon ako ng ka MU. Mas lalo akong nawalan ng oras sa pag tingin kung ano nang nangyayari sa iyo.

Tumagal kami ng isang bwan. Ako ang nagtigil dahil ang mga grades ko ay bumababa na. Di ko rin alam kung ano ba talagang naramdaman ko sa kanya siguro dahil bata pa nga ako. Wala pa akong alam d'yan. Namimiss ko na rin yung pagtingin ko sa mga social media sites. Yung makikita ko yung mga balita tungkol sayo.

Pagkatapos nun nag focus na ako sa studies. Naging hobby ko na rin ang pagsayaw ng mga sayaw nyo at pagkanta ng mga kanta nyo. Kahit mali mali ang lyrics, okay lang. Isang beses nga sinita ako ng guro ko nung tapos na ako mag exam sa isang subject. Sabi nya ang pangit daw ng boses ko. Sa isip isip ko 'bakit ma'am? Kung pangit boses ko paano pa yung sa iyo?'

Kapag may contest sa school minsan ako ang nag ch-choreograph at halos lahat ng steps ay galing sa sayaw nyo. Sinasabihan nga nila ako na 'adik na adik ka na talaga sa kanya Hannah.' Hindi ko na lang sila pinansin dahil kinikilig ako. Baka anytime na ibuka ko ang aking bibig ay tumili ako bigla at di na matigil.

Natapos ko ang grade 7 nang kasama ka, kaso sa isip at puso ko lang. Nagsimula na ang bakasyon at sobrang lungkot ko. Wala kasi kaming wifi. Di umabot sa lugar namin si PLDT, Globe at napaka talinong SMART. Hay grabe, mga taga bundok nga naman.

Hindi ko nun nasubaybayan ang mga pinanggagawa mong kalokohan kasama ang iyong mga kagrupo. Nung nagpunta kami sa bahay ng tita ko nakakita ako ng wifi doon. Tumakbo agad ako sa pinto ng bahay nila tita at dalu daling sinigaw 'TITA ANO PASSWORD NG MAHIWAGANG WIFI NYO?'. Nabatukan ako ni mama nun buti na lang at mabait si tita at sinabi kay mama na 'Nano ba yun Precila? Nahago ka. Pabay eh yun kay okay man la. Makusogman ang wifi dini.' Halos magdugo ang ilong ko sa sinabi ni Tita. Alam kong waray yun kaya isinulat ko yun sa isang papel at tinanong ko sa lolo ko. Sabi nya 'ano ba yan Precila? Peste ka. Pabayaan mo na kasi okay lang. Malakas naman wifi dito'.

After ko magtanong ay agad na akong pumunta kay tita at tinanong kung totoo ba na malakas ang wifi sa kanila at sinabi naman nyang oo. Nakaconnect ako nun at halos sumabog ang cellphone ko sa sobrang daming notification mula sa iba't ibang web sites. Tumili ako nung may nabasa ako na magcocomeback daw kayo. Hinampas hampas ko yung pinsan ko sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Nalaman ko rin na kakarelease palang ng music video mga nine hours ago. Pinanood ko yun at nabasabay sa kanta nyo. Puro 'bow wow wow' lang ang naalala ko pagkatapos nun. Hindi rin ako sumama kila mama sa pag uwi sa aming bahay. Wala kasing wifi dun.

Pagkagising ko bungad agad sa aking mga notification ang concert nyo dito sa July. Naiyak ako sobra. Naalala ko kasi yung inipon kong pera kaso naubos yun sa mga ka eklavu eklavu ko. Natitira na lang sa akin nun ay isang libo, buti na lang may tig 1500 na nilabas na presyo ng ticket kaya nagsimula na akong magbalat ng patatas sa bahay ni mudra.

Ipinaalam ko yun na sa kanya na mag sisipag ako basta may kapalit. Di nya ako pinayagan at sinabi pa nya na 'Aba! Kung bibigyan pa kita ng kapalit eh mas mabuti pang ako na lang ang gagawa.' Iniyakan ko nun si mama at napilit. Sabi nya ililibre nya na lang ako. Kaya ang saya ko nun sama mo pa na may tig 1k na ticket.

Alam ko naman na sure na kaming pupunta ng concert nila kaya nag hanap ako ng makakasama pero lahat sila sinasabi na 'magiipon pa ako' hanggang sa 'di na ako makakasama kasi walang pera'. Sabi pa naman sa akin ni mama na pag wala ako makakasama di kami pupunta eh yun nga, wala.

Yung tita ko pinilit kong sumama sa akin kaso sabi nya 'sige ba! Basta libre mo lahat.' Sinabi ko nun kay tita na sakto kang pang concert yung pera ko tapos bibili pa ako ng mga merch edi boom boom keributasbels.

Dumating ang pasukan at todo na ang pagtipid ko. Pati mga pang projects ko ay sobrang tipid.

Nang nag June 18, kinabukasan bentahan na ng ticket nyo. Sabi ni mama sa akin na walang padala si papa kaya walang pera. Ipinakita ko sa kanya yung naipon kong 1600 at nagmakaawa kay mama. Kinabukasan alas otcho ng umaga, kinatok ako ni mama at sinabi na kailan daw ang bentahan ng ticket at sinagot ko naman sya nun ng 'ngayon'. Hanggang sa di na ako nakabili ng ticket. Umiyak ako nun gabi gabi habang papalapit ang D-Day ng concert nyo. Saklap no? Tapos ang sakit pa.

Di ako nag bukas ng kahit anong social media sites kasi makikita ko lang naman kung gaano kayo ka saya sa concert na naganap.

Nabalitaan ko sa kaklase ko na nagtatagalog ka. Sabi mo nga daw na 'Kilala nyo ba ako?' Kung ako man ang nan dun ay isigaw ko ng sobrang lakas na 'oo!'. O baka 'SHETLAK BUNTISIN MO AKO MAYGAHD!', 'AKO NA LANG BEYB ALIEN!', 'ALAM KONG WALANG POREBER PERO TAYO MAY PYUTUR', ' YOU ,PLUS I WERE MEANT TO BEEEEEEEEE!' Kaso wala eh. Team bahay. Saklap men.

Lumipas ang ilang linggo pagkatapos ng concert nyo, sobrang sakit yung naramdaman ko. Ngayon ko palang na laman na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman ko sayo.

Napaiyak ako ng sobra.

Hindi ko maisip kung paano nangyari. Paano nga ba? Isa lang naman akong taga hanga mo.

Puro katanungan sa aking isip. Kailan ito mauubos? Bat kasi nangyari pa to.

Sa daming tao na pwede. Bat sayo pa? Sayo pa na ang hirap abutin.

Kilala kita. Kilala mo ba ako? Malamang hindi. Sa dami mong fans slash mga karibal ko makikilala mo pa ako?

Mahal kita. Mahal mo ba ako? Syempre hindi. Baliw ka Hannah! Di ka nga nya kilala eh.

Walang imposible. Posible ba 'to?

Imposible (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon