-1-

16 1 0
                                    



-1-

***

"Park Chanhyun!" umalingawngaw sa buong kalawakan—chos! Sa buong mansion ng pamilyang Park, ang sigaw ng dakilang si Park Chanyeol. Napabuntong hininga naman ang mga magulang ni Chanyeol na ngayon ay nasa hapag kainan at kumakain ng almusal. Tumingin si Mrs. Park sa katabi nyang bata, na ngayo'y abala sa pagkain ng pancakes.

"Chanhyun..." tawag ni Mrs. Park. Inangat naman ni Chanhyun ang kanyang ulo, at ngumiti ng sobrang tamis at inosente sa kanyang pinakamamahal na ina, umiling-iling si Chanhyun at nagsimulang kumain muli. Napahawak naman sa magkabilang pisngi si Mrs. Park, at di nya mapigilan ang sarili na kurutin ang marorosas na matatabang pisngi ng bunsong anak dahil sa sobrang kakyutan nito.

Humagusgos naman na nilapitan ni Chanyeol ang nakakabata nitong kapatid. Bitbit nya ang basag na screen ng PSP na kakabili lang nya nung isang linggo. Binigyan nya ito ng sobrang inis na tingin.

"Ikaw ba ang sumira ng PSP ko?!" inis na sigaw ni Chanyeol. Mahinang hinampas ni Mrs. Park ang balikat ng anak.

"Channie dear, please calm down. Tinatakot mo na naman si baby Channie ko."

"But ma!" Pag-aangal ni Chanyeol. Tiningnan sya ng masama ng ina at agad rin nanahimik si Chanyeol. Mahinang tinapik ni Mrs. Park ang pisngi ng bunsong anak. Tumingin si Chanhyun ng saglit sa ina at dumako ang mga mata nya sa kanyang nagbabaga sa galit na kuya.

"All I did was, playing your game kuya. And I accidentally drop it in the stairs... then now, it's broken." Paliwanag ni Chanhyun, habang nilalaro ang mga daliri.

"The heck!? Who gave you the permission to play my game huh?! You brat!"

"Chanyeol! Language!" sigaw ni Mrs. Park. "Hindi naman sinasadya ng kapatid mo na masira ang PSP mo. Like he told you, he accidentally drop it."

Napasabunot naman ng sariling buhok si Chanyeol. Maraming oras ang ginugol ni Chanyeol sa paglalaro ng kanyang game, nasa last stage na sana sya kung hindi lang sana aksidenteng nasira ni Chanhyun ang PSP.

"Accident?! Seriously mom?! Kung alam mo lang ang ginagawa ng bansot—" hindi natapos ni Chanyeol ang sasabihin ng may isang lumilipad na kutsara ang tumama sa ulo nya. Hinanap nya ang saralin, at yun ay walang iba kundi si Mr. Park.

"Don't be such a kid Chanyeol. It's just a game! For Pete's sake! And look what you did to your little brother!" sabi ni Mr. Park sabay turo kay Chanhyun, na nakatitig ngayon kay Chanyeol at papaiyak na.

"You made your brother cry! Such a childish act! Be matured Park Chanyeol!"

"And you Chanhyun, you better should ask for your brother's permission. Hindi yung kukunin mo na lang ng basta-basta ang mga gamit nya!" Panenermon ng ama sa pasaway nyang mga anak. Chanyeol rolled his eyes at bumulong-bulong ng kung ano-ano, habang si Chanhyun naman ay nakayuko at pasimpleng binibigyan ng masamang tingin ang nakakatandang kapatid. Huminga ng malalim si Mr.Park at nagsalita muli.

"Say sorry to each other or the both of you will be grounded for 3 months." Sabi nito. Binigyan ni Chanyeol ng masamang tingin ang kapatid and in return ay nilabas ni Chanhyun ang kanyang dila at nagmake face. Kumulo ang dugo ni Chanyeol sa inaasal ng kapatid, babatukan na sana nya ito ng may biglang pumasok na bisita.

"Chanyeol?" bungad ng kakarating na si Byun Baekhyun. Ang first and last love ni Chanyeol. Naiwan sa ere ang kamay ni Chanyeol, na babatok sana kay Chanhyun. Pasimpleng ngumiti ng nakaloloko si Chanhyun at agad tumayo sa kinauupuan para salubungin si Baekhyun.

"Hyungie~!" tawag ni Chanhyun habang nakayakap sa mga binti ni Baekhyun. Tumawa ng mahina si Baekhyun saka ginulo ang buhok ng bata. Binuhat nya rin ito at naglakad papalapit sa pamilyang Park.

"Good Morning Baekhyun!" masiglang bati ni Mrs. Park. Ngumiti si Baekhyun at bumati rin sa mag-asawa. Si Chanyeol naman ay nakaestatwa pa rin, nakaangat pa ang kamay. Natawa naman si Mrs. Park sa inaasal ng anak. Lumunok ng maraming beses si Chanyeol, hindi makapaniwala na naabutan sya ni Baekhyun sa ganoong posisyon. Iisipin ngayon ni Baekhyun na isa syang masamang nakakatandang kapatid.

"Okay ka lang ba Chanyeol?" nag-aalalang tanong ni Baekhyun. Ramdam na ramdam ni Chanyeol ang pamumula ng kanyang mga tenga. Naparolyo naman ng mata si Chanhyun sa inaasal ng kuya. Kinurot nya ang pisngi nito at nagsalita.

"He's okay, Hyungie! Look oh! He's smiling!" mas lalong nilakasan at diniin ni Chanhyun ang pangungurot. Ngumiti ng pilit si Chanyeol at sa kanyang isipan ay minumura at tinototure na nya ang munting bata.

"Oo, okay lang ako!" sabi nya at kinurot na rin ang pisngi ng nakakabatang kapatid. Natawa si Baekhyun sa kalokohan ng magkapatid. Hinalikan nya ang pisngi ni Chanhyun, agad na bumitaw si Chanhyun sa pangungurot sa kuya nya at hinalikan pabalik si Baekhyun sa pisngi habang nakatingin ng nang-aasar kay Chanyeol.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Chanyeol, nilalamon na sya ng matinding selos. Gustong-gusto nyang ibato si Chanhyun sa planetang mars para di na makabalik at masolo na nya ng tuluyan si Baekhyun. Dapat sya daw yung hinahalikan ni Baekhyun, dapat sya daw yun eh! Hindi si Chanhyun.

Umubo si Mrs. Park na syang kumuha sa atensyon ng tatlo. "Baekhyun, join us in our meal."pag-aayaya nya. Ngumiti si Baekhyun at tumango. Halos tumalon sa saya si Chanyeol sa sagot ng binata, kasi ang tanging bakanteng upuan, ay nasa tabi lamang nya. Pero ang saya na nararamdaman nya ay biglang nawala ng parang bula dahil sa pag-eeksena na naman ni Chanhyun.

"Hyungie~ sit with me please~~~?" pagmamakaawa ni Chanhyun, suot-suot nya ang kanyang puppy eyes at pout. Ginulo ni Baekhyun ang buhok ng bata at umupo sa upuan ni Chanhyun. Masayang-masya na kumandong si Chanhyun kay Baekhyun habang binibigyan ulit ng nakakalokong tingin ang kuya nya. At sa ikalawang pagkakataon ay nabato na naman si Chanyeol. Galit na galit na si Chanyeol sa ginagawa ng kapatid. Alam nyang sinasadya ni Chanhyun ang lahat, para di sya makascore sa love of his life nya. Gustong-gusto na talaga nyang tirisin ang bata, pero pinipigilan lang nya ang kanyang sarili, dahil nasa harapan nya ngayon si Bekhyun. Iniisip ni Chanyeol, na pag may ginawa sya kay Chanhyun na di kanais-nais sa mga mata ni Baekhyun ay baka maturn off ito at di na sya pansinin.

Napansin ni Baekhyun ang pagkabato ng binata. Hinawakan nya sa braso si Chanyeol, na syang nagpagising sa lalake. "Chanyeol, umupo ka na at kumain na tayo." Ngiting sabi ni Baekhyun. Nahihiyang tumango si Chanyeol at umupo. At hanggang ngayo'y hawak hawak pa rin ni Baekhyun ang braso nya.

Samantalang si Chanhyun naman ay nakasimangot sa nakikita nya. Ayaw na ayaw nyang naaagaw ang atensyon ni Baekhyun, gusto nya ay sa kanya lamang ito nakatuon, hindi sa kuya nya na wagas kung ngumiti ngayon.

Pasimpleng tumingin si Chanyeol kay Chanhyun, at ngumisi sya ng pagkalaki-laki. Ngumuso si Chanyeol, at tinuturo nya ang kamay ni Baekhyun na nasa braso pa rin nya hanggang ngayon. Naparolyo ang mga mata ni Chanhyun. Bigla syang napangiti ng, may isang planong pumasok sa kanyang isipan.

"Hyungie?" tawag nya. Naghum si Baekhyun bilang sumagot. Tumayo si Chanhyun sa mga hita ni Baekhyun at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Tharanghae!" sigaw ni Chanhyun sabay...

.

.

.

.

.

.

...TBC

A/N: kekeke pabitin epek si Author hahahaha XD. Emeged! Tagalog na tagalog ang pagnanarrate! Sana magustuhan nyo! Labyu pips! 

Baby Chanhyun at the media!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChanBaek ff; Baby Channie!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon