1

6 0 0
                                    

Nakaharap ako sa salamin habang sinusuklay buhaghag kong buhok.

Panibagong araw na naman , panibagong pagsubok para sa akin  dahil hindi ako nakakaligtas sa mata ng mga bully na tao.

"Kaycel!!." Sigaw ng pinsan ko sa baba.

Kay Tita Wendy ako nakatira dahil matagal ng patay mga parent ko dahil sa car accident.

Simula ng maulila ako si Tita Kumupkop sa akin.Maayos naman pakikitungo nila sa akin puwera lang kay Macy , ang my devil cousin.

"Panget bilisan mo late na." Sigaw na naman niya.

Lagi naman niya akong tinatawag na ganyan , sanay na ako.

Dali kong sinukbit bag ko na nakapatong sa higaan ko na malapit sa salamin kung saan ako nakaharap.

Lumabas ako sa kuwarto ko at sumalubong sa akin ang magkasalubong na kilay ni Macy.

"Ang panget panget mo na madiwara kapa." Sigaw niya sa akin parang nasa kabilang baryo ang kausap.

Inayos ko ang salamin ko sa mata at nilagpasan siya, lumabas ako ng bahay.

"Bye tita" Paalam ko kay Tita na nakatayo sa pintuan habang nakangiti.

Sumakay ako sa tricycle na kanina pa nag-aabang sa amin dalawa ni Macy.

__

School...

Pumasok kami sa gate ng school at tinulak ako ni Macy palayo sa kanya.

"Puwede ka nang lumayo sa akin bilis." Mataray na sabi niya.

Dumating yung dalawang kasama ni Macy.At nagbeso pa , ang a-arte!

"Sis!Maid mo?." Tanong ng isa niyang kasama na dinaig pa bampira sa pula ng labi.

"No kahit maid hindi ko pipiliin yan." Sabi ni Macy.

Padabog ako humakbang palayo sa kanila, alam ko na kung saan tutungo ang pag-uusap nila.

"Kala mo ang gaganda mukha namang espasol mukha, hayy!" Lintik! Aga kong stress.

Isang matigas na bagay ang nabunggo ko kaya napaupo ako sa lupa , timingin ako pataas para tignan siya

Ehh! Guwapo niya.

Nilahad niya kamay niya at tinulungan akong tumayo, 2in1 Guwapo na, Gentleman pa.

Tumayo ako at pinagpag palda ko.

"Sorry."

"Sorry."

Sabay namin sabi.

"I'm Carlo, You?." Sabay lahad niya ng kamay niya sa akin.

"Kaycel, nice to meet you." Tinanggap ko kamay niya.

Kinindatan niya ako bago magpatuloy sa paglalakad , makalaglag panga ngiti , So sweet.

"Huyy!."

"Ayy! Palaka." Lintik sino ba itong hinayupak na nanggulat na ito.

"Tutulo na laway mo." Lintik si Trisha lang pala.

Kaibigan ko kahit paano may kaibigan din naman din ako, maganda siya at mayaman.

Minsan sagot niya lahat pagkain ko maghapon ,Hindi sa umaabuso ako trip lang daw niya ilibre ako.

"Hilig mo manggulat." Puna ko sa kanya.

"Kasi ikaw si SUWERTE na nakahawak sa kamay ni Carlo." Sabi niya habang kinikilig parang kinikiliti ng sampung adik.

" Oo nalang manahimik ka lang." Ang harsh ko , sanay naman lokaloka nayan.

Pumasok kami sa Classroom at biglang naglingunan mga kaklase ko sa amin, Ay! Sakin lang pala.

"Kapal naman ng mukha niya para landiin si Carlo."

Sabi ng isa kong kaklase , kalat na pala sobrang bilis naman.

Napayuko lang ako sa sinabi niya hindi ko naman nilalandi si Carlo kasalanan ko ba kung mabait yung tao.

"Ang panget mo malandi."
Sigaw ng isa ko pang kaklse.

"Huwag mo na lang pansinin." Bulong ni Trisha sa akin at naupo sa upuan namin.Magkatabi kami.

Ang kaninang bulungan napalitan ng hiyawan ng makikire kong kaklase.

May tatlong lalaki ang pumasok at pamilyar sa akin yung isa.

"Papa Tristan  I love you." Hiyaw ng binabae kong kaklase.

Dumaan sila sa puwesto ko at nginitian ulit ako ng napagkatamis ni Carlo.

Ang guwapo niya talaga.

Tatlo silang magkasama sa totoo lang hindi ko sila kilala puwera kay Carlo na kanina ko lang na kilala.

Guwapo din yung isa nilang kasama kaya mukhang masama ugali na pangalan yata ay Tristan, yun kasi pagkakarinig ko kanina

Yung isa naman walang kibo parang walang pakialam sa mundo.

Okay tama na nga landi.

Kanina pa pala may eksena hindi pa ako nagpapakilala ng maayos.

Ako nga pala si Kaycel Torres ,4th years student , pangarap ko ay maging magaling na teacher.

Ok enough na!!.

__


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd Meets PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon