Ang BUHAY ng tao ay parang ALON sa dagat, minsan malakas at minsan naman ay hindi. Katulad din ng bulaklak na kung minsan maganda ang pagpamulaklak nito at minsan naman hindi at may pagkakataon pang mamamatay.
Ganyan talaga ang buhay, kailangan tahakin ang iba't-ibang klaseng pagsubok upang makamiy ang rurok ng tagumpay. Hindi na alintana sa'tin lahat, na ang PROBLEMA ay siyang kakambal natin simula pa ng tayo'y namulat, nabuhay, na bigyan ng pagkakataon makita ang mundo na tinatahak natin ngayon. Problema din ang dahilan kung paano tayo naging matibay sa bawat pasakit, pagkabigo na naranasan natin sa buhay. Sa pag-ikot ng mundong ito marami mang problema ang naranasan natin, minsan may sumusuko sa kadahilanan at sa katunayang wala silang salitang "PAG-ASA" sa kanilang buhay at higit sa lahat wala silang DIYOS sa kanilang buhay at pagkatao.
Minsan naman kinakaya kahit anong hirap pa ang dumating sa buhay. Dahil naniniwala na palagi nandyan ang DIYOS at hindi nagkulang sa pagpapaala sa atin na dapat wag sumuko sa anumang hamon sa buhay. Kailangan natin pagdaanan ang lahat dahil hindi lahat ng bagay ay madali. Madaling SABIHIN pero ang katotohanan mahirap GAWIN. Hinid natin ginusto kung ano man ang mga nangyari ngayon, sadyang pagsubok lamang ng DIYOS sa'tin kung hanggang kailan at kung gaano kahaba ang ating pasensya at kung kaya ta nga ba ika nga "PATIENT IS VIRTUE". Sa buhay ng tao hindi palagi maganda lamang, hindi pweding masaya lamang,dahil sa totoo sa likod ng mga maaamong mukha ang masasayang mukha kabaliktaran ang kahulugan niyan at sa likod niyan ay may mga mabibigat na problema na kinakamkam na hindi natin alam. Wala tayong karapatan para magtanong, mangusisa at pilitin na alamin dahil mismo sarili natin hindi natin inuuna mas inuuna pa natin ang iba, yan ang katotohanan. Sa oras-oras na tayo'y nag-iisa at walang mapagsabihan ng mga problema. Iniisip natin at tinatanong sa'tin sarili na " Bakit ba ganito?" "Bakit namulat ako na puro problema ang nararasanan ko?" "Bakit ako pa?". Yan lamang ang aking naririnig sa mga taong nakakasalamuha ko. Masakit isipin, masakit marinig, masakit dahil ako mismo tinatanong ko yan sa sarili ko pero ang mga salitang yun ang nagpatibay sakin dahil lahat may kabayaran, kung naghihirap ka ngayon magpasalamat kana lamang dahil malay mo bukas, makalawa ang tagumpay na kamit muna. Wag mawalan ng PAG-ASA, itatak sa isip at puso mo na "PUT ALWAYS GOD-AND a SAVIOR ALSO".
Minsan sadyang masakit talaga, dahil hindi mawala ang hirap dahil nakaukit na ito sa isip at puso natin. Pero wag mong hayaang mamayani ang hirap dapat tumingin ka sa BRIGHT SIDE nito. Sacrifices without PAIN and SUCCESS without SACRIFICES is a BIG USELESS. Walang halaga dahil nakamit mo ang tagumpay na walang hirap. Wala parin yan kabuluhan dahil hindi ikaw mismo ang nagpakahirap,dapat lahat tayo makaranas ng hirap, sakit, pagkabigo para masasabi natin na tapos na ako dyan, naranasan ko na yan.. Pero wag nating isipin na tapos na. Kung baga nagsisimula pa lamang ang mga karanasan na dapat natin na tahakin. Ang mga salitang yun ang nagpapatunay kung ano man ako ngayon. Ang salitang SACRIFICE ang siya lamang ang nagpatibay sakin pati na rin sa kapatid ko na walang inuna kundi yung kapakanan ko. Ang salitang SACRIFICES ang siyang pumukaw at nagpamulat sakin. Sacripisyo din ang nagdugtong sakin pag-asa na makapag-aral ulit. Sa lahat ng mga paghihirap ko, hindi lang sakin pati nadin sa aking kapatid naging matibay at matatag kaming hinarap ang hamon ng BUHAY na binigay samin ng panginoon, hindi kami sumuko kahit anong hirap dahil alam namin na ang DIYOS palaging nandyan na gumagabay samin, ako mismo ang magpapatunay na palagi siyang nandyan sa puso at isipan at tabi ko na siyang nagbabantay upang tahakin ang mabuting daan patungo sa tagumpay. Palagi kong sinasabi sa'kin sarili na kaya ko 'to, kahit na dumating sa point na parang susuko na ako dahil; sa sobrang hirap at di na makaya, pero iniisip ko rin na "LABAN" at wag susuko nandyan palagi ang DIYOS, walang impossible lahat possible basta nasa puso ang DIYOS.
Sa panahon na nawalan ako ng salitang pag-asa sa sarili, humingi ako ng kapatawaran at bumalik sa kanya. Sa panahon na akoy nanalangin sa kanya, naramdaman ko nandyan at nakikinig lamang sya. Sa oras na akoy nag-iba ng landas, hindi siya sumuko para ipaalala sa'kin na mali ang ginagawa ko. "BUMALIK KANA SA DIYOS". Ang salitang yun ang pumukaw sakin para manumbalik para sa kanya. Kaya nga lahat may dahilan, lahat may solusyon at higit sa lahat, lahat may KAPATAWARAN. Masasabi ko lamang na kung hindi sa kanya at sa mga taong ginamit niya, hindi ko marating ang ika-apat na taon sa kolehiyo. At kung hindi dahil sa kanya at sa mga taong sumusuporta hindi ako nakatungtong ng kolehiyo, kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya at sa mga taong nagbigay sakin ng pag-asa na kung ikaw ay makakaranas ng sakit at paghihirap may kapalit itong isang maganda at masayang karanasan..
Ngayon, magtatapos na ako sa susunod na taon, marami mang problema, pagsubok, pasakit, pagkabigo, nawalan ng pag-asa, nawalan ng liwanag na makakamit ko pa, dumilim man ang mga panahon na dinanas ko, marami mang bagyo ang nararanasan ko at mararanasan ko pa, masasabi kong maraming salamat sa DIYOS at sa mga taong parti ng aking tagumpay. Hindi na alintana sakin kung ilan pang problema ang dumating sakin, ilan pang baldeng luha ang mailuluha ko, ilan pang pagkadapa ang tatahakin ko, kakayanin ko lahat ng yan para sa pamilya ko. Para sa mga taong umaasa sa tagumpay ko. Hindi paman magtatapos ang yugto ng sacripisyo ang gagawin ko, isa lamang salita ang tumatak sa isipan ko "PAG-ASA" Put always GOD-and a savior also.
Ako nga pala si ROLANDO REQUIRON PESCADOR JR kilala sa tawag na "NHONOY" sa mga taong makabasa nito, isa lamang itong parte ng pagsubok sa buhay at pag-aaral ko. Sa mga taong nakaranas ng mga ganito, wag magkahiya dapat ipagkalat na nakaranas ka ng mga ganyang pagsubok sa buhay "parang exam lamang yan sa CALCULUS sa sobrang hirap, at the end of the day nasagutan mo pa rin" dahil may perseverance at patient ka sa buhay. Mahirap dapat kayanin, masakit pero dapat tiisin. Ganyan talaga ang Problema.... Kahit talikuran mo pa hindi na yan mawawala satin dahil kakambal na yan natin kahit san man tayo mapunta sa mundong ito.
Twitter:
YOU ARE READING
What A Dream to be....
ПоэзияThis is a story of my LIFE! Its just a shortcut! I hate tears flowing in my face. But, only can tears make you strong and just also how to face problems with no hesitation. How I am strong to face the trials and sacrifices that I've face in my LIFE..