CHAPTER 1 - Forgetful Jamie

7 0 0
                                    

Jamie's POV

Nakakasilaw na ilaw ang bungad sa aking mata nang sinubukan kong imulat ito. Ramdam ko ang hapdi ng aking mata sa matagal na pagkakapikit at ang pamamanhid ng aking buong katawan. Iginala ko ang aking mata ngunit halos kulay puti lang ang aking nakikita. Maya-maya pa'y narinig ko ang mabilis na mga yabag na pumasok sa kinaroroonan ko. Bumungad sa akin ang mukha ng hindi pamilyar na lalake at inilawan ako sa mata. Mabilis naman akong napakurap.

"Reflexes are okay. Breathing is stable. She's finally awake." Wika ng isang lalake.

Awake? Nablangko pansamantala ang aking isip. Ilang minuto din nang mahinuha ko ang lahat. Gising na ako. Akala ko isa lang itong panaginip at ang panaginip ko ang realidad. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha. Wala akong alam sa mga nangyayari. Bakit ako nakahiga sa putting kwarto na ito? Pinilit kong bumangon at isinandal ang likod ko sa malapad na dingding. Habang ang utak ko ay sasabog na sobrang daming tanong. Napa kunot-noo ako. Bakit ang daming tao? Halos lahat sila ay may bakas ng luha. Nakangiti sila sa akin na para bang masaya silang makita ako. Pero bakit ganon?

Si mama lang ang kilala kong nandito.

"Ma, s-sino sila?"

***

"Ma, magsalita ka naman. Kanina ka pa umiiyak diyan. Yung mga bisita mo pinaalis mo pa. Ano bang nangyayari?" kahit hinang-hina ako, sinubukan kong maging masigla.

Hindi ako sinagot ni Mama bagkos iyak lang ang tinugon niya.

"Ma, kailan pala ang eleksyon? Sa sabado pa naman di ba? Makakapagboto pa ko kay Papa. Ah tsaka, asan pala si Justin? Namimiss ko si Tin. Simula nang nagising ako di ko pa siya—"

"A-anong date palang ba sa t-tingin mo, anak?"

"March 8, 2009. Bakit ma? Nako, matanda ka na talaga, makakalimutin ka na." sinubukan kong matawa ngunit kabaligtaran ang tinugon ni Mama. Dati naman tawang tawa siya kapag sinabihan ko siyang matanda na siya. Sasabihin niya agad,"Mas malakas pa ko sa kalabaw,anak." Pero, bakit ngayon—naguguluhan na ko sa mga nangyayari.

"Anak, today is October 8, 2016."

Parang tumigil ang oras ng sinabi iyon ni mama. Everything stopped. April Fools ba ngayon? Birthday ko ba? Stop messing with me.

"M-Ma stop joking around. Tell me what's happening. " Hinang-hina kong tanong.

"Nagka-amnesia ka—"

Nang marinig ko iyon bigla akong nabingi. Nakikita kong nagsasalita pa si mama ngunit parang kusang biningi ko na ang sarili ko para di ko na marinig pa kung anong nangyari sakin. Di ako makapaniwala sa narinig ko. Halos kalahati ng buhay ko ang nawala. Pitong taon, anong nangyari sa akin sa loob ng pitong taon. Bakit di ko maalala? Hindi lang ako nakahiga dito sa ospital for some minor reasons. Hindi lang ako nakahiga dito dahil inatake na naman ako ng ulcer. Hindi lang ako nakahiga dito kasi nagkalagnat ako. Bigla akong natakot. Bigla akong kinabahan. Nanginig ang buong katawan ko. Bakit ako pa?!

Justin's POV

"So, Mr.Nakamoto I will see you after the Jasmin Bridge Project. Okay. Arigato Gozaimasu."

"Justin! Uupo ka lang ba dito? Hindi ka ba gagawa ng paraan para umahon tong kompanya?!"

Geez. Here we are again. Ano na naman bang nakita nito at naisipang pumasok at magsermon na naman. Oo, halos nasa gilid na ngayon ng bangin ang kompanya namin. Kaya nga gumagawa ako ng kahit anong paraan para makakuha ako ng maraming investors. Pero, I think hindi niya naman maiintindian yun.

Way Back Into YouWhere stories live. Discover now