"Excuse me?" Baliw ba tong lalakeng to? Nung nasa ospital umiyak siya ni hindi naman kami magkakilala. Tapos ngayon—Boyfriend?
He didn't budge. Ah, I know. Maybe he's trying to be funny.
"AH HAHAHHAHAHAH Ikaw ha. You're really funny." Wika ko bago humila ng upuan at umupo.
Nag-expect akong bigla nalang siyang matatawa at sasabihin niyang biro lang iyon. Pero hindi, nakatitig lang siya sakin na blangko ang ekspresyon.
I cleared my throat before I speak. Inabot ko sa kanya ang isang folder na may laman na mga detalye ng project ngunit di niya ito pinapansin.
"For now, let's proceed to the project. So, our recent project is called UniGoal. Our aim is—" napatigil ako sa pagsasalita dahil naiilang na ako sa mga titig niya.
"Mr. Dornan please pay attention to—"
"I mean it." Wika niya habang nakatitig pa rin sakin.
"What? C-can we just please go back to the presen—"
"Di ka naniniwala? I'll prove it to you." I rolled my eyes. Argh! Ang kulit ng investor na to ha! Mag-iinvest ba to o hindi.
"Sige. Para wag ka na mangulit, sige na sige na. I-prove mo na kung anong i-poprove mo." Inilapag ko ang folder na hawak ko at mariing nakinig sa kanya.
"Hindi ka kumakain ng pakpak ng manok. May allergy ka sa hipon. May nunal ka sa kaliwang dibdib. Ayaw mong natutulog pag wala kang stuffed toy na katabi. Naghuhubad ka kapag nanaginip ng—" bigla kong tinakpan ang bibig niya. Shit. He said it out loud.
Nagpalinga-linga ako kung may nakatingin samin. Binitawan ko lamang siya nang makasiguro akong walang nakarinig sa kanya.
"You're creeping me out. Siguro stalker ka no!" gigil kong sabi.
"I'm your boyfriend. Believe it." Wika niya. This is ticking me off. Padabog akong tumayo.
"Sir, if you have no plan to invest on our company, maybe we should stop this. I have a boyfriend at hindi ikaw yun. So please stop this nonsense."
Hinablot ko ang hawak niyang folder at mabilis na umalis. Mabibigat at malalaki ang mga yabag ko. Kung alam ko lang na niloloko lang ako nun edi sana di na ko nagsayang ng oras ko.
Pero . . .
Bigla akong napatigil sa paglalakad.
Kanina, walang halong pangungumbinsi ang boses niya. It's just like . . . he was just telling me.
Ah di ko alam! Nakakainis! Baliw na nga talaga ako. Tumigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa may curb. Maraming tao ang nakahilera habang nag-aantay ng green light para makatawid. Napabuntong-hininga ako. Bigla na lamang sumagi sa isip ko si Mama kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number niya. Agad naman itong sumagot.
"Ma." Wika ko na may pag-aalinlangan.
"Oh. Why?"
"Ma, may nakilala kasi a-ako sa-sabi niya—"
"Jamie, can you save it for later. May meeting pa akong pupuntahan." Halata sa boses niya na nagmamadali siya.
"Ah. Sige Ma."
"Okay." narinig kong naputol agad ang kabilang linya.
"Bye."
Pagbaba ko ng cellphone, sakto namang nag green light na. Senyas na pwede na kaming tumawid. Bagsak ang balikat ko habang naglalakad. Hindi ko alam kahit na pilitin ko ang sarili ko na hindi isipin yung lalakeng yun. Di ko pa rin maiwasan.
YOU ARE READING
Way Back Into You
Teen FictionJamie got into a serious accident that causes her to be in coma for almost a year. When she woke up, she didn't remember anything including his boyfriend, Jake. She thought that she and her ex-boyfriend, Justin had been together until the present da...