Chapter 24

108K 1.4K 9
                                    

Chapter 24

Madalas ng mag-bonding ang mommy ni Kenjie at si Brianna. Madalas din na magka-text ito at minsan ay tumatawag sa kanya. Lagi rin itong may binibili para kay Brianna, sapatos, damit, pagkain at minsan ay alahas na tinatanggihan ni Iya pero napipilitan na syang tanggapin kundi ay magtatampo si Melissa. Halos si Iya na lagi ang ka-bonding ni Melissa kesa kay Kenjie, minsan pa nga ay magugulat na lang si Kenjie na nasa bahay nila si Brianna. Bigla na lang kasi minsan makikipagkita si Melissa kay Iya tapos ay papadiretsuhin sa bahay para maghapunan.

"My mom really likes you." sabi ni Kenjie. Nasa garden sila at pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan. Sa bahay na nila Kenjie naghapunan si Iya dahil sobrang lakas pa ng ulan para umuwi pero ng matapos sila mag hapunan ay hindi pa rin tumitila ang ulan at hindi rin humihina.

"Nakakahiya na nga minsan kasi ang dami nyang binibili para sa akin tapos kanina napadaan kami sa isang jewelry shop gusto nya ako ibili nung mahal na earrings. Pinilit ko talaga na huwag nya bilhin." kwento ni Brianna na kinatawa naman ni Kenjie. Inakbayan nya ang dalaga habang nakaupo sila sa wooden bench ng garden kung saan hindi sila nauulanan.

"Ganun talaga si Mommy, nag-iisa lang kasi nya akong anak kaya nung makilala ka nya para na rin syang nagkaroon ng isang pang anak." he said.

"Napakabait ng Mommy mo Kenjie, nahihiya na nga ako sa sobrang kabaitan na pinapakita nya sa akin at sa pamilya ko. Parang ikaw sya."

"Ako? syempre naman bukod sa mabait na ako napaka gwapo ko pa." mayabang nitong sabi habang nakangiti. Binibiro nya si Brianna.

"Swerte mo di ba?" and he winked at her. Napangiti si Iya.

"Napakaswerte." she agrees.

"Napaka supportive mo talagang girlfriend." sabay halik sa tungki ng ilong ng dalaga. Natawa sila pareho. Maya-maya ay nilapit ni Kenjie ang kanyang labi sa tenga ni Iya at saka bumulong.

"Ang lamig ng panahon, babe. Magpainit kaya tayo?" pinamulahaan naman ng mukha si Iya. Kinurot nya ng bahagya si Kenjie sa tagiliran nito.

"Kailangan ko na umuwi." sagot nito.

"Saglit lang naman."

"Kenjie!" he made face.

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro Brianna?" nagkunwari itong seryoso.

"Pero..." nagisip ito tapos ay dahan dahan na lumapit ang mukha ni Kenjie sa kanya. Napapikit na lang sya ng maramdaman nito ang malambot na labi ng binata sa kanya. Masuyo sya nitong hinalikan hanggang sa lumalim iyon. Parang otomatikong nawawala agad sa katinuan si Iya sa tuwing hahalikan sya si Kenjie. Pakiramdam nya ay napupunta sya sa ibang mundo pag naramramdaman nya ang init nito na parang apoy na dumadarang rin sa kanya. Ng matapos ang mainit nilang halik ay umakbay lang ulit ito sa kanya.

"I don't wanna end up with a blue balls, so I better control myself." he said that made her smile.

"Baka kasi mahuli tayo ng Mommy mo ulit."

"Yeah, pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Gusto mo na bang umuwi?" alalang tanong sa kanya ni Kenjie.

"Gusto ko sana kaso delikado naman na mag-drive ka ng ganito kalakas ang ulan." sakto naman na paglapit ng mommy ni Kenjie sa kanila.

"Hija, dito ka na lang kaya muna matulog? sobrang lakas pa rin ng ulan. Ipapahatid na lang kita kay Kenjie bukas ng umaga." she suggested.

"Pero baka po kasi mag-alala sila nanay sa bahay."

"If you want hija, tatawagan ko na lang ang parents mo at ipagpapaalam kita. Ayoko naman na bumyahe kayo ng ganito kalakas ang ulan, delikado para sa inyong dalawa." Melissa said. Pumayag na rin si Brianna pagkalaunan dahil hindi talaga humihina ang ulan dahil sa bagyo. Tinawagan ni Melissa ang kapatid ni Brianna at pinakausap ang parents nito. Pinagpaalam ni Melissa si Iya na sa kanila muna matutulog at bukas na lang ng umaga ihahatid pauwi.

"Sige Hija sa guestroom ka na lang muna matulog at bukas ay ihahatid ka ni Kenjie sa inyo."

"Okay po. Thank you po ulit." pasasalamat ni Iya.

"No problem Iya, matulog ka na at magpahinga. Good night." at humalik ito sa pisngi.

"Good night po." nakangiting sagot ni Iya.

"Let's go Kenjie, pumunta ka na rin sa kwarto mo at matulog." utos ni Melissa.

"Yes, Mom." sagot ni Kenjie saka naman hinarap si Iya.

"Good night, babe." then he gave her a quick kiss. Pumasok na sa kani-kaniyang kwarto ang lahat pero pagkaraan ng isang oras ay naramdaman na lang ni Brianna ang pagtabi ni Kenjie sa kama nya.

"Kenjie, anong ginagawa mo dito?" mahinang sabi ni Iya.

"Tinatabihan ka matulog." nakangiting sagot sa kanya ni Kenjie. Wala na itong damit pang-itaas at boxer short na lang ang suot. Ang sando nito ay naiwan sa paahan ng kama.

"Naisip ko kasi baka takot ka sa kulog kaya dito na lang ako matutulog sa tabi mo." Pagrarason ni Kenjie.

"Hindi naman ako takot sa kulog." Sagot nito.

"Then that's good. Matapang talaga ang girlfriend ko." Saka umayos ng higa.

"Kaya pwede ka bumalik sa kwarto mo, Kenjie."

"Baka kasi takot kang mag-isa matulog o di kaya lamigin ka kaya dito na lang ako."

"Kenjie.." saway nito sa binata.

"Hindi pwede, baka magalit ang mommy mo pag nalaman nyang dito ka matutulog." nagaalalang sabi ni Iya.

"Don't worry babe, she'll not know that I'm here." then he reached their gap to give her french kiss.

"Pasaway ka talaga." Nangingiting sabi ni Iya sa gitna ng mainit nilang paghahalikan.

"Blame my uncontrollable desire for you, babe." And kissed her again and more.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

His uncontrollable sensual desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon