LWLHB 2 (Adrian Wifred Villamayor)

99 5 3
                                    

Tinignan ko ang oras sa side table ko, Whaaaaaaat? 11 am na? Inuna ko pa kasi ang pagmomonologue kaysa gumayak.

Kahit may hang-over pa ako, I hurriedly run to the comfort room para maligo.

Happy go lucky man ako kung sabihin nila, medyo grade conscious naman ako.

I'm taking my 2nd year collage in Civil Engineering. Simula bata ako hanggang ngayong 19 years old na ako, ito na ang gusto ko. Kaya kahit ganito man ako, when it comes to schooling, ginagawa ko ang lahat. Gusto ko, kahit isang bagay naman, magawa ko ng tama. Para rin naman ito sa future ko diba?

Binuksan ko na ang shower at sinimulan ko nang maligo. I can feel the pain in my head. Kung iindahin ko 'to, tatamarin na ako. Kaya, hindi ko na lang pinansin. Patuloy lang ako sa paliligo.

Madaling-madali akong pumasok sa walk-in-closet ko at pumili ng black loose shirt at faded ripped jeans na tinernuhan ko ng red high heels, okay na pwede na akong pumasok. Hindi naman kailangang magsuot ng maikling shorts eh. Aanhin ko yun? Paaralan pupuntahan ko hindi Club.

Noong napagdesisyunan ko nang bumaba para pumasok, napukaw kaagad ng mata ko yung mga pagkaing nasa table. Pag nagkataon nga naman oh! Gutom na ako eh!

Papalapit na ako sa table noong lumapit sya. Yung unang lalaking minahal ko pero niloko lang pala ako. Si Daddy.

"Good Afternoon Baby! Daming foods noh? I cook these for you. Tara kain na tayo." Ngiting-ngiti syang humila ng upuan para ipahiwatig na doon ako umupo.

Tinignan ko ang lamesa. Ang dami ngang pagkain. Meron kung ano-anong klase ng manok, baboy at seafoods. All kinds of foods ata nandito na. Nagmukhang eat-all-you-can ang table namin dahil sa sobrang dami.

"Nawalan na ako nang gana." Tinignan ko lang sya at umalis na ako sa table. "Nagsasayang ka lang ng oras mo Daddy." At tuluyan na sana akong lalabas ng bahay nang bumaba si Mommy.

"Anak, kumaen ka muna. Sayang hinanda ng Daddy mo oh." Kitang kita mo na sobrang mugto ng mga mata nya.

Lumapit sa kanya si Daddy at hinalikan sya sa pisngi. "Gising ka na pala Dom, tara kaen na kayo ni Kaye." Ngiti ang tugon sa kanya ni Mommy at lumapit na sa table.

"Wow naman ang dami nito Rom ha?" Paupo na sya sa chair na hinila ni Dad para sa kanya. You can see happiness in her eyes and you can't trace any pain in her.

I was surprised with that. Ano yun? Ganun lang kaabilis magpatawad ang si Mommy? Na parang walang nangyari at back to normal again?

Dahil hindi ko na talaga matiis, hinawakan ko ang braso ni Mommy hinarap sya sa akin. "Ano yun Mommy? Ganoon na lang yun? Parang wala lang nangyari? Hey Mom! Wake up! Niloko ka tas napatawad mo na? Wow lang!" I was shouting at her. Nakakainis lang kasi talaga.

"Hey Lady! Stop shouting! " Hinawakan ni Dad ang braso ko at pinipigilan nya ako.

Nagpumiglas ako, "Remove your fithy hands on my arms!" Galaiting galaiti ko yung binigkas.

*Pak!*

I froze. Shocked. Unti-unti nang pumatak ang luha ko. Sinampal ako ni Mom. Umiiyak na rin sya. "Kahit nakagawa ng kasalanan ang Daddy mo, hindi mo na sya rerespetuhin. Hindi kita pinalaki nang ganyan!"

Iyak lang ako nang iyak. Eto ang unang beses na nasampal ako ng mommy ko. Never din syang nagalit dahil sa akin. Ngayon lang. Pakiramdam ko tuloy, nadudurog ang puso ko.

"Porket nagkamali ng isang beses ang isang tao, hindi ibig sabihin nun, hindi na sya pwedeng mapatawad. Tandaan mo anak, isang pagkakamali lang yun. Sa dinami-daming ginawang tama ng Daddy mo, magpapaapekto ka sa isang yun?" Tuloy-tuloy lang ang mga luha naming umaagos. Lumapit si Daddy kay Mommy at hinaplos ang likod nito. "Stop crying Dom." I can see that his eyes are becoming teary.

Love Will Lead Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon