Chapter 18- Please ... Let me explain...

66 2 0
                                    

Fei’s POV

Bago pa makaalis si Lance, hinabol ko na siya. May gusto pa akong sabihin sa kanya eh.

“LAN-JAMES!! WAIT LANG!” – ako

Tumigil naman siya at humarap sakin.

“Oh? Bakit?”

NagSmile ako sa kanya at sinabing...

“James... Alam kong mahal ka ni Nats kaya sana don’t let her forget you kasi parehas lang tayo na... takot na...iwan...kahit alam nating nagpapakatanga tayo right?”

Nagsmirk siya tapos may kinuha sa bulsa niya. PANYO.

AT  PINUNAS NIYA SA PISNGI KO. Bwahahaha. Umiiyak na pala ako.

“Ok. Sabe mo eh. Bye”

Tapos lumakad na siya papalayo sakin. Hala yung panyo niya!! Tsk.

“KELAN PA KAYO NAGING CLOSE?!”

Familiar voice. Sa likod ko.

“Eh ano naman sayo?” – ako

Lumakad ako ng mabilis pero malaki ang hakbang niya kaya naharangan niya ako.

“ANO SAKIN? SENNA LET ME REMIND YOU, BOYFRIEND MO KO. BOYFRIEND. AKO YUNG TAONG MAHAL MO DBA?”

BOOM. BAKIT NIYA PA SINABI YUNG SALITANG MAHAL?

“MAHAL? KAPAL AH.”

Tapos tumalikod ako sa kanya at naglakad ulet. Kasi naman eh! Nasasaktan parin ako sa nakita ko kanina. Parang nagfa-flashback sa isipan ko.

“SENNA!!”

Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa kanya. KAASAR!!!!!

“BAKIT MO BA AKO TINATALIKURAN? MAY PROBLEMA BA TAYO? EH SA TOTOO NAMAN SINABE KO DBA?”

Totoo.  Oo, yung boyfriend hinde. Pero yung mahal Oo.

“ALIN? ALIN DUN? LAHAT NAMAN YUN MALI EH! YUNG SA BOYFRIEND? EH SA NAGPAPANGGAP LANG TAYO DBA? TAPOS MAHAL, ASA KA NAMAN! EH SINO BA AKO PARA MAHALIN KA?! EH MAGPAPAKATANGA LANG AKO KASI... MAHAL MO YUNG BESTFRIEND KO EH!”

Di ko alam pero pag nasasaktan ako ganito talaga ko. Nasasabe ko lahat.

“SENNA... Let me explain?”

EXPLAIN?

“Ohmyghad! Explain. Ok. Sige nga, ano ieexplain mo?”

Nakatingin na ako sa mga mata niya.

“Yung kanina, sorry kung nakita mo kami ni Sowie na magkayakap nag-”

“EH ANONG PAKIELAM KO DUN ABER?!”

Ayoko ng ituloy niya. Tapos ano? Sasabihin niyang nagkaintindihan na sila na... iiwan na nila kami ni Lance? Uggghh..

“EWAN KO. Bakit ka kasi tumakbo? Tinawag kita alam ko narinig mo yun tapos... yung kahapon, sorry. Kung sinabe kong gagamitin kita makaganti lang sa kanya, alam mo. Nagka--”

“KAYO NA NO? CONGRATS... BREAK NA TAYO DBA?”

“ANO? Gago ka talagang babae ka. NagkaINTINDIHAN na kami. Di ko na siya babawiin, I mean. Yung sinasabi mong acceptance, Nagawa ko na. Tanggap ko na sila na ni Lance. Oo, Tanggap ko na. Kaya--”

BREAK NA KAME? Hayyss... This is it. Tanggapin mo na Fei. First to. Eto na.

“Ok na, ok na lahat.”

Huh?

“OK?”

“Oo, ano...”

Ano ba yun? Bakit di niya masabi? Na... Break na kame?

Did I say I love you? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon