CHAPTER 9 : Sad Sica

2.1K 58 12
                                    

JESSICA'S POV

"Jessica, iniiwasan mo ba ako?" 

O_O

"What? No, no.." tatayo na sana ako kaso bigla nya kong hinila sa kamay.

"Umupo ka. Magusap nga muna tayo." sabi ni Kris sakin tapos naupo sya. Tiningnan nya ko sa mga mata habang ako nakasandal sa puno.

"Bakit? Eh 10 mins nalang next subject na.." sabi ko.

"Hindi. Dyan ka lang. Yung totoo, iniiwasan mo ba ko?" tanong nya sakin. Natahimik nalang ako at nakatingin sa lapag, hindi ko alam kung anong isasagot ko..

"Jessica.. iniiwasan mo ba ko?" muling tanong nya sakin.

"Basta." matipid kong sagot tapos binilisan ko ang pagkuha ng gamit ko at tumakbo palayo bago pa nya ako mahila. Nung tiningnan ko ulit sya nakita kong ginulo nya ang buhok nya tapos sinipa ung puno. I'm really sorry. 

(natapos ang araw ko ng hindi kami nagpapansinan.)

TAEYEON'S POV 

"Sica, sigurado ka bang ayaw mong pumasok?" tanong ko kay Jessica na nakahiga sa kama at umiiyak.

"I said no. Iwan nyo nalang muna ako dito." sabi nya tapos hinigpitan ang yakap sa unan tapos tumulo ulit ang luha nya.

"O sige. Hayaan ka muna namin dyan. Ilabas mo nalang lahat ng kalungkutan mo ha." sabi ko tapos hinimas ko ulo nya at umalis na sa kwarto.

****

"Teka.. ba't parang kulang kayong girls?" tanong ni Lay samin sabay akbay kay Hyoyeon

"Si Jessica, absent." sagot naman ni Yuri.

"Asan naman sya?" tanong ni Kris na parang nag-aalala.

"Absent sya ngayon kasi.. gusto nyang umiyak buong araw. Birthday kasi ng mommy nya na namatay last year, ung daddy nya naman hiniwalayan ung mommy nya. Iniwan nalang muna namin sya sa bahay para ilabas nya ang kalungkutan nya. Alam nyo namang mahal na mahal nya ang nanay nya, syempre." sabi ko naman sakanila. Umoo nalang sila tapos dumating na ang teacher at nagclass na kami. 

-________-" booorinngg.

Pagkatapos ng 521476 hours, natapos na din ang school day. Pero bago kami umuwi, nagusap muna kami sa feild.

"Girls, gusto nyo pasyal muna tayo bago umuwi?" sabi ni Chen samin.

"Eh pano si Sica unnie?" sabi naman ni maknae.

"Maiiwan nalang ako, sasamahan ko sya sa bahay nyo." sabi naman ni Kris. Concerned talaga sya pero hindi ito ang tamang oras para magasar. -___-

"Sigurado ka ba?" tanong ni Luhan.

"Oo nga, Kris samahan mo nalang si Sica para may karamay sya." sabi ni Fany.

"Sige, una na ko ha." tapos tumayo na si Kris at umalis.

KRIS'S POV 

Habang nagddrive ako papunta sa bahay nila, iniisip ko lang kung gaano nalulungkot si Jessica. :( Naranasan ko na din yon, si daddy, pero hindi pa sya patay. Sya ang dabest daddy sa world pero nung 12 ako, iniwan nya kami ni mommy.

Tumulo ang luha ko habang iniisip yun pero agad ko namang pinunas.

Nang makarating na ko sa bahay nila, binuksan ko ang gate gamit ang susing binigay sakin ng girls. Tapos umakyat ako sa hagdan.

Pero bago ako pumasok sa kwarto nya, sinilip ko muna sya.

(dear mom)

Oneureun waenji himdeulgo jichyeo

A Cold Love Story (KrisSica Fanfic) [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon