Nagising ako sa kaluskos ng daga sa katabi kong dingding. Anong oras na ba at kailangan ko nang pakainin ang aking mga alagang hayop?
Dali-dali akong tumayo sa matigas na kawayan na aking hinihigaan nang makita ko na alas-siyete na ng umaga. Pumunta agad ako sa lawa na katabi ng aking tirahan.
Napakalamig ng tubig, tamang-tama sa mainit na panahon ng Eleya. Tumingala ako sa langit at nabighani ako sa aking nakita. Mga ulap na parang mga bulak na napakalambot at kulay asul na langit na kay sarap tignan.
Ako ay nagulantang nang makita ko ang mga alaga kong usa na tumatakbo papalapit sa akin. Mayroong paparating. Mga galing na naman ito sa bayan na nangangaso. Mga usa ko na naman ang kanilang nakita.
Napabuntong hininga ako at umalis na sa lawa para tignan kung sino angmga iyon. Hindi ko alam kung bakit hindi muna ako nagbihis at nakatapis lang ako ng isang mahabang tuwalya.
"Ay kabayo!" Napasigaw tuloy ako. Paano ba naman, may bigla na lang sumulpot na isang lalaki.
Laking gulat ko ng aking maalala na ako ay nakatapis lamang.
"Masyado naman akong makisig para maging isang kabayo." Aba! Napakahambog naman ng lalaking ito. Hindi ko na siya pinansin at naglakad pabalik sa aking tirahan upang magbihis.
Akala ko naman kung sino ang dadating. Isang hambog na lalaki lang naman pala. Pero hindi niya pa din ako tinigilan, kalabit siya ng kalabit sa akin. Sa aking sobrang pagkairita, siya ay aking hinarap at sinamaan ng tingin.
Nagtataka ang kanyang mukha dahil sa aking tingin. Hanggang sa maisipan kong magpanggap na pipe para ako'y tigilan niya na. Ginalaw ko ang aking mga kamay na para bang sinasabi ko na hindi ko nakakapagsalita.
Hindi na naman maipinta ang kanyang ekspresyon. Tinanong niya ako kung ano ang aking ginagawa ngunit pinagpatuloy ko pa din ang paggalaw ng aking mga kamay. "Wag mo akong subukang lokohin. Narinig kita kanina na ikaw ay nagsalita."
Wala pa din akong sinabi at tinignan ko lamang siya. "Ano? Hindi ka pa din magsasalita?" Umiling ako at halata sa kanyang mukha na hindi niya nagusttuhan ang aking sagot.
At sinabi niya sakin na kapag ako ay hindi tumigil ay ako ay kanyang hahalikan. Dahil ako ay sadyang makulit, tinitigan ko lamang siya at hindi sinagot. Naramdaman ko na lang na papalit na ng papalapit ang kanyang mukha. Ngunit bakit wala akong ginagawa?
"Kael!" Sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. Napalingon kaming dalawa sa kung saan nanggaling ang boses na iyon.
"Nandito ka lang pala, pinapatawag ka na ng iyong ama. Kailangan na nating umuwi" Sabi ng isang lalaki na medyo maliit at maskulado ang katawan. Pumayag siya ngunit may sinabi siya na tumatak sa aking isipan.
"Napakaganda mo binibini pero ako ay kailangan ng umalis. Hanggang sa muli."
BINABASA MO ANG
Ang Kaharian Ng Zardote
Short StoryNoong unang panahon sa bansang Eleya, mayroong isang kaharian na nagngangalang "Kaharian ng Zardote". Sa kahariang ito matatagpuan ang mga magigiting na kawal na tinatawag na Zardote. Ang kaharian na ito ay mayaman sa ginto, pilak at kung ano-ano pa...