When Nobody Meets the Prince
Written By: Anonymous_Arch
Genre: Teenfic-ComedyRhylle P.O.V
“Ayan na siya, ang babae na tinubuan ng sesame seeds sa mukha”
“Look at her. Nakakapasok siya ng ganyan ang suot na damit?!”
“Aba. Mahilig din yan sa Facebook, halata naman sa mukha punong-puno ng bukbuk.”
“Hahahahaha.”Isang masaya at normal na araw na naman para sa isang normal na babaeng kagaya ko. Sa mga bulong-bulungan nayan?! Naku. Sanay na sanay na ako. Dumiretso na lang ako sa paglalakad patungo sa favorite spot ko sa canteen, ang dulo nito. Dala-dala ko ang isang tray ng pagkain, wala pa kasi ang bestfriend ko, sabi n’ya umuna na ako sa canteen. Tuloy pa rin ang tawanan at bulungan na naririnig ko patungkol sa akin. Nasanay na ako kaya pinababayaan ko nalang sila. Nakarating ako sa upuan at akmang uupo na ako ng biglang hinila ng isang babaeng estudyante ang aking upuan kaya diretso ako sa pag upo sa sahig. Tumapon sa puti ko na damit ang ulam na sardinas, halos mapuno nang malalakas na tawa ang loob ng canteen. Inayos ko muna ang aking salamin na nabahiran din ng sardinas, pinagpag ko rin ang aking puting polo na natapunan ng kanin at ulam. Kinapkap ko ang aking panyo ngunit wala nga pala akong dala kaya naman tumayo nalang ako, nakatingin ang lahat sa akin, sa kahihiyang nangyari sa akin. Tumayo din ang babaeng nag tulak ng aking upuan. Yan ang buhay ko, ang pagtawanan, ang ibully. Ano ba ang magagawa ko? Isa lang akong Rhylle Rodriguez, singkit na mata tapos nakasalamin pa, kulot na buhok, maluwag at malaking damit na parang rapper yan ang uniform ko eh iisa lang di ko naman afford ang uniform dito scholar nga lang ako eh. In short isang NOBODY.
“Oh sorry dear. Ang lansa-lansa mo na, better you go to the CR and fix yourself.” Tumatawang sabi nito sa akin.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at nakita niya ito.
“Look students a nobody are staring at me. And look, she’s angry.”
“HAHAHAHA.” Sagot naman ng mga estudyante sa canteen.
Inikot-ikotan ako ng babaeng ito na mukha namang natuyong hipon. Akala mo kagandahan eh maputi lang naman tsaka mayaman. Sinundan ko ng tingin ang pag-ikot n’ya saken at akmang itutulak ako pero hindi n’ya natuloy dahil dumating ang bestfriend ko.
“Don’t you lay any finger on her or I will make your life miserable here in Winchester Academy.”
Napatingin sa kanya ang lahat ng estudyante sa canteen pati na rin ang babaeng nasa likuran ko.
“Do you know this girl?!” nakataas pa ang kilay ng babaeng to ng nagtanong siya.
“Yes. And she is my BESTFRIEND.” Nakataas din ang kanyang kilay na sumagot sa babae. Diniin niya talaga ang word na BESTFRIEND kaya naman napaatras talaga siya palayo saken.
“Thank you Casey.” Pagpapasalamat ko.
“No problem. Oh here’s the handkerchief, tara sa cr at mag ayos ka.” Hinila niya ako palabas ng canteen. Halos lahat naman ay nakatingin sa akin at syempre sa kasama ko. Biruin niyo ah, isang nobody kasama ang isang campus princess, maganda, matangos na ilong, straight hair, pinkish lips at mapula pulang cheeks, mayaman pa tatay niya ang may ari ng Winchester Academy kaya naman lahat ilag at ayaw na makaaway siya, matalino pa, she’s the top student here in Winchester Academy basta nasa kanya na lahat-lahat tapos sobrang bait pa.
“Rhylle ano ba ang nangyari?” pagtatakang tanong niya.
“Di kapa nasanay Bes. As usual napagtripan na naman ako.” Sagot ko naman habang pinapahid ang kulay pulang likido na nag mula sa sardinas.
“Dapat kasi lumaban ka. Wag ka papayag na binubully ka lang lagi.”
“Luuh?! Ano ba ang magagawa ng isang katulad ko?”
“Napaka nega- mo talaga.” Sabay pahid ng polbo sa mukha.
“Let’s go Bes. Samahan mo ko magpractice ng basketball.”
“Oh sige tara.” Nakangiti ko na tugon sa kanya.Habang naglalakad kami papuntang complex napakadaming lalake ang nag greet kay Casey at pagkatapos ay napapatingin saken sabay magtatawanan.
“Don’t mind them Rhylle.” Nakangiting tugon saken ni Casey.
“Uhmm.” Napabuntong hininga na lang ako.Nang makarating kami sa complex agad na may sumalubong na napaka gwapong lalake kay Casey, napaka perfect ng mukha niya. Wala kang makikitang kahit anong dark spot sa mukha n’ya. Parang nag slowmo ang paligid habang dumadating s’ya. Malayo-layo pa s’ya ay amoy ko na ang pabango n’ya. Matangos na ilong, singkit na mata, white reflection skin at medyo bagsak at magulong buhok na bagay na bagay sa kanya.
BINABASA MO ANG
When Nobody Meets The Prince (One Shot)
Teen FictionRhylle is a nobody. Until she meet the campus prince Exian Tyler. What would happen between them?