Parallel Lines; (noun) Lines which are lying and moving on the same direction but always the same distance apart.
In shorter terms, lines that never meet. Lines that aren’t meant to meet.
-
“Ja! Aalis na’ko. Di ka pa ba talaga sasabay? Ang lakas na ng ulan oh.”
“Sige na, Leo. Wag mo na’kong intindihin. Tatapusin ko pa din naman tong Calculus ko eh.”
Nag-aalinlangan pang umalis si Leo sa classroom namin kaya tumayo ako at nilapitan sya sa may may pinto. “Okay nga lang ako.” I patted him at his shoulders pero tinignan nya lang ako na parang hindi parin naniniwala. “Parang timang naman toh oh. Sige na, uuwi nadin ako maya-maya.”
He just shrugged at labag sa loob na lumabas ng classroom. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makarating sya sa dulo ng hallway. I sat again and eyed my paper. Haaay, taeng Calculus talaga toh! EPSILORD SA BUHAY!
Pinilit kong tapusin ang assignment ko.
I was in the middle of solving an equity nang biglang lumakas ang patak ng ulan sa yero ng building. I felt distracted at feeling ko ay hindi din naman ako makakagawa ng maayos dito kung maingay. I went outside the room—in the hallway—and lean against the railings.
True enough, sobrang lakas nga ng ulan. Alas-singko palang ng hapon pero parang gabi na dahil sa kapal ng ulap. Wala itong tigil kaya nagpalipas muna ako ng ilang minuto upang magpatila. Pero wala naman atang balak humina ang ulan dahil mas lalo lamang itong lumakas. Aaalis na sana ako nang nagkasalubong kami ni Kuya Guard na may hawak na flashlight.
“Nako neng, mabuti pa at umuwi ka na dahil baka abutin ka ng baha.”
I just nodded and picked my bag. Dapat pala sumabay nalang ako kay Leo! Kung ba’t ba naman kasi ang lakas-lakas ng ulan ngayon! Dumaan ako sa gilid ng mga room. Tinatamad pa kasi akong kunin ang payong ko. Pero ng marating ko ang dulong classroom ay wala nakong choice kundi mag-payong. Malayo na kasi ang sunod na building at ang pagpipilian ko nalang ay ang pathway sa schoolgrounds o ang maligo sa ulan. Of course, I was into the former.
Hinahanap ko ang payong ko sa bag habang nakasandal sa pader ng isang vacant room, ng may estudyanteng lumabas sa pinto ng tabing room nito. I look sideways para makita ko sya dahil nadistract ako. Oo na, ako na mabilis madistract.
It was a boy.
I mean, it was him again. Bag at batok lang nya ang nakikita ko pati ang hawak-hawak nyang itim na payong. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko.
It’s been three raining afternoons that we have this kind of interaction.
Sya si Jason. He sits in during our Economics and Saxons Literature time. We’ve been seatmates since forever every time na makikisit-in sya—which is, everyday of two hours. What’s the catch? Ni minsan, hindi kami nag-usap o nagkatinginan man lang. It was as if we have that imaginary barrier between us na kahit papel eh hindi ko sya mahingian. He was handsome, as they say. Pero hindi ko makita ang kaibahan nya sa ibang lalake, maybe because the definition of handsome for me is Tyler Posey. Medyo suplado nga lang sya—err—suplado talaga sya at mas matangos at maputi kung ikukumpara sa iba.