Part 1 : Through the war

80 4 0
                                    

Basilan: Tumahubong,July 11 2113

 . 

Ako ay si Pvt. Ryze Perez . Isa akong sundalo ng Philippine army . ako ay sakalukuyang nasa isang army truck kasama ang aking mga kapwa sundalo papunta sa isang bayan sa Basilan

"T@ng#n@! kailan ba matatapos tong gerang ito .. isandaang taon na tong gera na to eh hindi pa din matapos tapos . " pasigaw na sabi ng isa kong kasamahan na si Pvt. Reynaldo Marquez. 

"Tumahimik ka nga jan Private!. Hindi natin masisisi ang mga rebeldeng yan . Pagkatapos ba naman ibigay ng gobyerno ang Mindanao bilang isang Indepent Island sa mga muslim eh bigla na lang magbabalak sugurin ng Luzon at Visayas ang Mindanao ? " Pakikipagtalo ng aming Sgt. Francisco Dela Cruz. kumuha siya ng sigarilyo na nakaipit sa kanyang helmet at sinindihan ito . 

napatakip ako sa amoy ng sigarilyo . nakakasulasok ang amoy ng sigarilyo , kaya kahit kailan ay hindi ako nalulong sa paninigarilyo eh . Ewan ko ba... 

Kasalukuyan kaming nasa bayan ng Tumahubong . ito ay sakalukuyang kontrolado ng Gobyerno , pero makikita mo ang itim na usok na nagkalat sa buong paligid . mga sirang mga kotse , nasusunog na kabahayan at mga taong may kanya kanyang bitbit na mga kakarampot na gamit na kanilang naisalba sa kanilang mga ngayong naaabo nang mga bahay. 

Nagulat pa nga ako ng may isang bata na naghagis saamin ng isang malaking tipak ng bato . mabuti na lang at wala saaming tinamaan . 

ang isa kong kasamahan na si Pvt. Jaime ay nagpaputok ng kanyang dalang handgun bilang bababala.  nang marinig ito ng mga tao ay nagsi takbuhan ang mga ito papalayo sa convoy namin. 

nagtawanan ang mga kasama ko sa ginawa ni Jaime. para bang ang tingin nila dito ay  ito ay isang nakakatawang laro . nakaka inis isipin na nagagawa pa nilang pagtawanan ang nakakaawang batang iyon . na nagawa lamang sigurong batuhin ang aming convoy dahil sa galit mula sa naranasan nilang paghihirap sa kamay ng gobyerno.

Kung hindi lamang sa huling hiling ng aking amang namayapa eh hinding hindi ako magsusundalo .. 

ang tatay ko kasi ay isang dating Colonel sa Philippine army, si Col. James Perez. Naputulan siya nuon ng isang paa dahil sa naranasan nilang Ambush sa Zamboanga, ayon ay nung naka 2 taon na siya sa battlefield . pagkatapos nun ay nanungkulan na lang siya sa isang opis bilang isang tactical officer ng army . 

Kinuwento niya saakin kung gaano nasira ang kanyang buhay mula ng naputulan siya ng paa. tingin niya ay nawalan ng respeto sa kanya ang kanyang mga tauhan . at naging kabagot bagot daw ang kanyang buhay mula ng itapon siya sa isang kwarto na walang inatupag kundi ang makipag talo sa mga kapwa niya officer na pinili ang ganoong pwesto upang makaiwas lamang sa gera. 

Ang aking tatay ay isang mabisyong tao . kaya sa edad na 50 ay binawian siya ng buhay . nanduon kameng lahat ng buong kamaganakan ko ng mangyari iyon .. sa kanyang huling mga oras sa mundo . meron siyang ibinulong sa akin . 

" Anak , ikaw na lang makakapagbalik ng Dignidad ng ating angkan . sana tuparin mo itong aking maliit na kahilingan ... " Nauubo- ubong bulong niya sa akin " - gusto kong Magsundalo ka .. Gusto ko sanang ituloy mo ang naudlot kong pangarap na maging isang matagumpay na SUn--- " hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin, dahil  binawian na siya ng buhay.

Hawak hawak ko ang kanyang kamay habang sinasabe niya ito . at hindi ko napigilan ang lumuha ng bitawan niya ang aking kamay at ng magsimulang magsi iyakan ang buo kong pamilya. 

Naguguluhan ako ... Hindi ako makapag isip ng tama sa araw na iyon .. 

hindi ko na lang namalayan .. isang araw ... 

My Girlfriend is a RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon