Part 4: Ilog ng Kamatayan.

30 0 0
                                    

Basilan : Sumisip, July 16, 2013

Marahil siguro ay hindi ko pa lubusang pinaniniwalaan ang mga pinagsasabi nila Leona ... ngunit sa mga nalaman ko sa kanilang mga rebelde, hindi naman pala sila ganoon kasama tulad ng mga sinasabi saamin nung kami pa ay nasa Training Camp.

Pero ngayong hindi pa ako ganoon kasigurado, siguro ay hahayaan ko na lang muna na ang tadhana na ang mag bunyag saakin ng mga sikreto ng Islang ito .. 

ang Islang tinagurian ng mga banyaga na " the Island of Despair and Destruction " ..

ang dahilan kung bakit tinagurian itong isla ng Pighati at Pagkagunaw ? simple lang ... Simula noong magsimula ang gera sa islang ito ay hindi na ito umusbong pang muli at umunlad .

kung ano ang makikita mong pamumuhay noong nakaraan 100-taon ay makikita mo pa din sa ngayon ... Mga taong pagsasaka, Pagpapalaki ng mga hayop , pangigisda at kung ano pa mang mga simpleng mga trabaho noon ay makikita mo pa rin ngayon .. 

marahil ang tanging pinagkaiba lamang ay ang mga naglalakihang usok na makikita mo sa di kalayuan ... Mga sira sirang bahay, gamit , at iba pang imprastraktura.

Sadyang nakakalungkot isipin na ang Isla na puno na nang kaguluhan noon ay mas lalo pang naging magulo dahil sa pangingi-alam ng mga Politiko sa Gobyerno .

Pero ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit patuloy parin naghahabol ang Gobyerno sa isang Isla na tanging makikita mo ay puro Puno at kabundukan ? 

Sana ay matuklasan ko din ito sa aking patutunguan .. 

" Ryze !! " Sigaw sa akin ni Leona . Siya ay nasa tuktok ng isang malaking puno ng saging . 

Kumukuha siya ng mga ilang medyo hinog nang mga saging. ngayon ay meron na siyang hawak na isang Tumpok at naghahanda na siyang ihagis ito pababa sa akin . 

"Eto na , teka saglit lang.... oooff! " Pinilit ko mahabol ang inihagis niyang tumpok ng saging , ngunit dahil dito ay nakatapak ako ng medyo malagkit at madulas na tae ng kalabaw na naging dahilan upang madulas ako at matumba paharap.. 

nang ako ay makatayo ay nakita ko si Ka Berting na nakaupo  sa isa ding puno nang saging sa di kalayuan... Tawa ito ng tawa ng makita ang aking harapan na puno nang dumi ng kalabaw . nang ako namay tumingin din sa taas ng puno ay nakita ko  na natatawa na din si Leona , makikita mo na ang mapuputi nyang ngipin dahil sa lawak ng kanyang pagngiti. 

Ngunit napansin ko na ang inaapakan niyang sanga ng Saging ay hindi ganoon katibay.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend is a RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon