Nang Muli Kang Makita

8 0 0
                                    

==================================

Isa sa mga #hugot ko.
Sana po magustuhan nyo!! ^_^v

==================================




Limang taon o higit pa,
Akala ko nakalimutan na kita.
Akala ko wala na yong sakit,
Sakit na kinalimutan ko nang pilit.

Sa unang pagkakataon nakita ulit kita,
Hindi ko masabi kong ano ang nadarama.
Nanginginig na kinakabahan,
Nararamdaman na naman ang sakit nang dahan-dahan.

Yong makita kang masaya,
Lalo na nong kasama mo sya.
At ako yong malungkot,
Na puno parin ng puot.

Akala ko nakalagpas na ako,
Sa sinasabi nilang dulo.
Dulo ng pagmamahal ko sayo,
Ngunit di pala totoo.

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko,
Na wala na akong pagmamahal sayo.
Pero nang muli kitang makita,
Naandoon parin pala yong bahagi kong umaasa.

Lumipas na yong isang linggo,
Ikaw parin laman ng isip ko.
Yong gumagawa ako sa isip ko ng sarili kong kwento,
Ikaw at ako hanggang sa dulo.

Aaminin kong mahal parin kita,
Kahit alam kong may iba ka na.
Maghihintay nalang sa tamang panahon,
Kung kailan ang sugat ng puso ko ay maghilom.

At kapag dumating na ang panahong yon,
Mga alaala nati'y tuluyan ko nang nabaon.
Masisilayan ang mga ngiti saking labi,
Kahit anong kapa sa dibdib ay wala na yong hapdi.

Nang Muli Kang MakitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon