Benjoe

87 9 6
                                    

Okay, via excessive public demand, magpo-post na ako ng susunod na episode. Sana magustuhan nyo. Jusko. Feeling ko teenager ulit ako. Haha. Basta remember, folks, this story is fictional ha... Hihi. ;p I would love to hear your feedback and comments. Kaway-kaway sa mga students ko from Sts. Anthony, Edith, Francis, at Augustine. I dunno kung may nagbabasa neto from St. Ignatius at St. Perpetua. Pero mga taga-St. Clement, naku, siguro mamaniin nanaman nila pagbabasa neto. Haha. ;) Without ado... Here's... BENJOE. ;)
--------

Maybe he didn't know it. Or maybe he did. But there's no more way to find out. Kasi lately, when I remembered about him, I tried looking for him on FB. Pero di ko sya makita.

I'm talking about Benjoe. He was, I guess, my first 'crush' in elementary. Or maybe not the first pero sya nalang ang naaalala ko ngayon.

His full name is Benjamin Joe de Guzman. Jusko po sana hindi umabot to sa kanya. Dahil nakakahiya. Ngayon ko lang naisip that this turns out to be a public confession of my crushes. Pero okay lang. Lagi naman akong ganito. Ino-open ang sarili sa ibang tao. Napaka-transparent ko. Kaya siguro madalas akong maabuso dahil sa pagiging super open ko ng buhay ko sa iba. Drama! Haha.

So ayun na nga. Classmates kami ni Benjoe nung elem. As I can remember, grade six yun. And alam nyo naman pag grade six ka na, you're starting to develop feelings for your peers. And I guess I have felt that for Benny!

That time, alam ko na that I am more inclined to liking guys more than my opposite gender. Pero okay lang sakin. I didn't feel weird.

Lagi kong tinitingnan si Benjoe sa malayo. He doesn't know I like him nor do I want to tell him either. Ayokong lumayo sya. Dahil alam kong there's no chance of him liking me kasi he has a crush on one of our girl classmates who, to be fair with her, looks good at the time.

Benjoe is a bad-boy image na heartthrob ng klase. He looks like one of those American boys from a film. Mahilig pa naman ako sa mapuputi kasi morena ako. Haha. Oo. Walang kokontra. Morena talaga ang ginamit ko. Wag na kayong mag-reklamo. Wala kayong karapatan. Nakikibasa lang kayo! Hahaha. ;p

Dahil may mga pagkakataon na nagiging magka-grupo kami Benjoe sa activities, nakikita ko sya kung pano sya gumalaw at kung ano ang ugali nya. Mabait sya at masayahin. Magaling sya mag-English at bobey pa ko nung mga panahon na yon. Kaya bilib na bilib talaga ako sa kanya. Kaya siguro nagustuhan ko yung English language. Kasi para makasabay ako sa kanya. Sa trip nya. Ngayon ko lang na-realize. Kung kelan late na. Huhu. :(

(Commercial: Tinatawag na ko ng nanay ko para kumain. Sabi ko, "Nay wag ka muna mang-abala. May ginagawa akong importante. May naghihintay ng update ko. HAHA. Oha, oha. Ganyan ko kayo kamahal! Wahahhaah. Charing! Hihi.)

Anyways, si Benjoe is pasaway at times. Dahil nga badboy, nakikita ko kung pano nya busitin yung mga girl friends namin. Ako naman, nagpe-pretend na astigin para mapalapit sa kanya. I tried na mapalapit sa kanya by asking kung bakit ang bully nya and all. Bakit ang hilig nyang binubusit yung mga girls. Sabi nya, "para pansinin nila ako."

Dahil sa sagot nyang yun, I promised myself na magpapapansin na din ako sa kanya. Gusto ko pansinin nya din ako. Heto na siguro yung start ng una kong pagpapa-bebe sa guy. Yung pagpapa-feel sa kanila na I need someone to tease me too. Na ako naman yung busitin nila at sakin naman sila magpapansin! Haha. Shh. Nakoooo. Harot! Haha.

And it clicked. Ewan ko ba. Siguro naramdaman nya one time na may gusto ako sa kanya. Nagpapansin sya sakin. Minsan na naging magka-group kami as cleaners, binusit nya ko. Naghabulan kami sa room. Feeling ko nun I am in ecstacy. Haha. Kasi naman, nakikipag-habulan sakin yung crush ko and we're just but being happy and enjoying ourselves. We don't mind. It's surreal!

Yung di ko malilimutan na event ay yung sa panyo. I can still vividly remember na may panyo sya. Pawis na pawis na sya dahil kakatapos mag-floorwax one afternoon na pareho ulit kaming cleaners. Kahit merong mga tao sa paligid, I approached him and said, "Kapawis mo na. Punasan mo nga yan."

Then, he took his scarf from his pocket and instead of wiping his sweat, what he did is put it on my face (or nose) so I could smell it. Nagulat ako. I dunno why he was doing that. Bago pa ko makapag-react, nagsalita na sya. And what he said made me blush to the 'reddest' face I could possibly have.

"Crush mo ko noh?"

"Crush mo ko noh?"

"Crush mo ko noh?"

Na-shock ako. I was caught off guard. Ulit-ulit lang sa tenga ko yung ainabi nya! Hiling ko nalang nun sa mga panahon na yon ay, "Lupa, bumuka ka! Kainin mo ko!!!" Simpula na yata ng kamatis ang mukha ko.

Pero buti nalang nakabawi ako agad. Syempre, I feigned ignorance. May identity crisis pa ako nang mga panahon na to. Kaya sabi ko, "Ha!? Hindi noh! Kapal mo! Manyak!" Pero deep inside... Haha. Shh. Haha. Wag maingay.

Ganyan nalang yung sinagot ko. Ganyan kasi yung madalas kong naririnig na sinasagot ng mga girls pag binubully nya. Kaya ginaya ko nalang. Para hindi halata. Haha.

He just shrugged and let it slip. Buti nalang. Pero feeling ko ramdam naman na nya. Simula non naiilang na ko lumapit sa kanya. Pero I still join in their 'barkada'. Nag-lay low muna ako. Wala akohg big move dahil natatakot ako na lumayo sya sakin. So sumasama pa rin ako sa mga kapasawayan nila. Pero I do not join in. I am just a mere spectator. Taga-masid. Taga-nood. Sila kasi yung mga pasaway ng bayan. At alam nyo naman na kung gano ka-pasaway ang mga elementary students. Sila yung mga brat na walang pakundangan sa teacher. Pati sa klase ni Maam Agustin sa EPP ay nagpapasaway. Dito ko unang natutunan yung mga terms na di ko dapat malaman! Oh my gulay!!!!! Alam mo yon? Yung feeling na, "Why are they telling me these things? Ka-diriiiiiii!! My clean and holy mind! Napo-pollute!!! Waaah!!!"

-- (a bit sensored)--
They tell me about their daydreams, wet dreams, at kung anu-ano pa. How they fantasize about girls in school and all! All the while, I was thinking, "are all guys as perv as them???" Siguro nga ganito pag nasa adolescence. Playful. "At the peak of libodo," sabi nga ng famous na Psychologist na si Freud. In their actions, I am a bit disappointed, but there was a part in me that is happy at the same time. I dunno why. Basta lang. Ganun yung na-feel ko eh. Walang basagan ng trip. Hahaha.

Di na ko nagkaroon ng chance para makausap si Benjoe ng masinsinan. Lalo na't mga bata pa kami nun. Tapos, may umugong na balita that he's going to transfer school soon. Na bababalik na sya ng Manila. So di na umasa na yung nararamdaman ko ay magiging mas malalim.

Umalis si Benjoe, I guess after graduation. Pero parang dinala nya yung parte na buhay ko. At may naiwan na part nya saken.

Paminsan-minsan, pag naaalala ko si Benjoe, hinahanap ko pa rin sya. Di ko alam kung naaalala nya pa ako. Or kung makikilala nya pa ako kung sakaling magkikita kami sa future. Yeah. I do expect still that we'll be able to see each other in the future. Minsan kating-kati na akong pumunta sa Daungan para ipagtanong sya. Kasi kamag-anak sya nung dating Mayor na si Tito Guding na ngayon ay close ko na.

May isa pang link sa amin. Yung mga close classmates ko nung elementary na malapit sa dating bahay nila Benny. Iniisip ko madalas kung alam kaya nila kung nasaan na si Ben ngayon? Kung may balita ba sila? Kung umuuwi pa ba sya ng Bataan? Nasa Pilipinas pa kaya sya?

Sometimes I even wonder, chubby pa kaya sya ngayon? Is he still that playful and makulit and pasaway na guy that I used to like? And my ultimate question, that only time could answer is.......

Mararamdaman ko pa rin kaya yung kilig feeling pag nagkita kami ulit? At maaamin ko na kaya sa kanya, na once upon a time, or baka until now, naging crush ko sya?

Only time can tell. And when that happens, I hope for the best. After all, we are friends. Or so I assume. :)

Benjoe,

Till we meet again. ;)

---------------

Ayan. Tapos na ang update na 'to. I dunno kung maganda. I'm sorry if I have disappointed you. Kung di ko na-meet ang expectations nyo. I want your comments. Your honest comments will be appreciated. Para malaman ko din kung sino ba yung nagpapaloko sakin at patuloy na nagbabasa neto. Hahaha. Salamat sa inyong lahat po. 😘😘😘😘 Alabsyu!!! 😍😇🍻

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Friend ZonedWhere stories live. Discover now