Normal life. Normal Day.
Ganyan lang ako gusto ko, simple and normal life.
Naglalakad ako papuntang MA Academy, may nakita akong lalaki.
Naliligaw siguro siya…
Hindi ko na lang siya pinansin at tinulungan dahil ayaw ko lumapit sa mga lalaki.
Dire-diresto ako sa paglalakad kaso napansin niya ako kaya niya ko tinatawag.
“Miss! Miss!”
Tuloy-tuloy ang pagtawag niya sa akin kaso hindi ko talaga siya pinansin at naglakad ako ng mabilis para makalayo na sa kanya.
Nang malayo na ko sa kanya, hindi ko na binilisan ang paglakad ko.
Hindi ko nakita mukha niya….
Nakatingin ako sa labas ng bintana—Tinitignan ko ang mga ulap, hindi ko na malayan na nandito at nagsasalita sa harapan ang titser namin.
Naputol ang mga iniisip ko dahil biglang tumili ang mga kaklase kong babae na parang nakakita sila ng artista na napakapogi ang itsura.
“Kyaaa!~”
“Ang pogi niya!~”
“Oh my God!!!!!~”
“Sobrang pogi niya talaga!!~”
Grabe naman sila tumili, yung parang magugunaw na ang mundo nila…
Tinignan ko yung bago naming kaklase, mukhang pamilyar ang mukha niya sa akin.
Parang nakita ko na siya, pero saan ko naman siya nakita? Hmmm… nevermind na lang, hindi naman siya mahalaga para isipin ko pa dba….
Napansin ko na parang may hinahanap ang bago naming kaklase, tumigil siya noong nakita niya ako.
Patay! Ako yata ang hinanahanap niya! Gugulo na rin ang normal kong buhay….. Mas lalo akong patay kung siya yung lalaking hindi ko pinansin at tinulungan sa daan noong naliligaw siya!....
Titigan lang kami hanggang tinawag na siya ni titser naming.
“Mr. Matias, Please sit down behind Ms. Garcia”
“Ms. Garcia, please raise your hand”
Pumunta na siya sa kanyang upuan na nasa likod ko lang.
Grabe, napakamalas ko naman….
Buong araw siyang nakatitig sa akin pero syempre, sa likod ko lang. Feeling ko nga matutunaw na ako o kaya tatagos na sa akin ang pagtitig niya sa akin. Ang alam ko lang ngayon ay ihampas sa kanya ang lamesa ko pero bukod sa paghampas sa kanya, wala na kong maisip.
Malapit ko nang ihampas ang lamesa ko sa iyong ulo…
Sana magdismissal na…..
Ding Dong. Ding Dong. Ding Dong.
Sa wakas! Nagbell na!... Makakaalis na rin ako dito!
Umalis ako kaagad sa aming classroom, pumunta ako sa
Theater room namin.
Ang theater room ay yung lugar kung saan kami nagprapractice ng pagkanta at dito rin ako nagpapalipas oras dahil wala naman pumupunta dito pag walang klase sa voice.

BINABASA MO ANG
Mr. Heartbreaker and Ms. Man-hater
RomanceAko nga pala si Arianna Jane Garcia at isa akong man-hater. Hindi magulo ang buhay ko kaso noong may nagtrasnfer sa school namin, MA Academy, naging impyerno na. Si Aaron Jake Matias, ang demonyo ng buhay ko at siya naman ang naging Heartbreaker s...