Chapter 2

71 2 1
                                        

Agad na tumayo si Ate Miyuki at binati ang mga dumating. “Hello po, mga Kuya. Pasensya na, hindi pa po nakhanda yung OSA Con pero pwede po muna kayong maupo dito.” Inaayos niya ang mga upuan. Tumayo na rin ako at si Kuya Leo para tulungan siya. Nang makaupo ang mga Tigers, lumapit naman sa akin si Kuya.

Uy Shots. Eto yung allowance mo. Nawala sa isip ko.” Kinuha niya ang wallet niya at inabutan ako ng pera. Nagpasalamat ako bago bumalik ng upuan. Medyo naging tahimik bigla ang office, akward nga eh. Di ko alam kung bakit dahil kung tutuusin magkausap naman talaga etong si Kuya Leo at si Kuya Jim. Si Ate Miyuki lang naman ang syempre medyo pormal gawa ng official business yata ang pakay nila. Napansin yata ni Kuya Leo ang sitwasyon kaya ayun, humirit na naman.

Oh, King Tiger. Napadpad ka yata sa kaharian ko.” Tumayo siya at nilapitan ang tinawag niyang King Tiger, si Jeric Teng. Tinawanan naman siya nito bago nakipagfist bump. “Kaharian mo? Hindi ba’t kay Madam ito?” sabay turo sa CSC president.

Ano ka ba, nagpustahan na kami niyan na ako na ang bagong president ng UST at siya naman ang magpepresident ng YJ! Honor daw yun kasi siyempre unang babae na president, kung babae nga talaga.”  Bago pa man din matapos ang joke ni Kuya Leo naramdaman ko na yung batok na parating.

Aray naman MiyukI! Joke lang kasi!”

Ilagay mo kasi sa lugar iyang banat mo! Uupakan kita eh.”

Ramdam ko ang pagkaluwa ng mata ng mga Tiger sa pamamaraan ng pananalita ng presidente pero sanay na kami. Lalo naman ako, sanay na sanay. Maging Executive Coordinator ba naman niya ako at maging shadow sa St. Scholastica eh. Kaya ayun, we go really way back. Naramdaman ko na tumabi sa akin si Kuya Jimson. Tinignan ko ang aking mga kasama na medyo pulang-pula na. Parang kamatis. Diyan ako medyo jirits sa kanila, di naman kinakausap, ni tignan di ginagawa pero kilig na kilig sila sa mga lalaking yan. Pft, mas gwapo pa ako diyan eh.

Hoy, Samantha. Bakit nga pala nandito ang Tigers? May project ba ang CSC with them?” Hayy, kuya. Napakatsismoso mo. Iyan yata ang dapat na malaman ng tao tungkol sa kuya kong ito. Kahit na mukhang seryoso at suplado, sobrang daldal, kulit at tsismoso niyan sa totoong buhay. Siya yata ang babae sa aming dalawa eh.

Ang alam ko parang may fundraising ganun na naisip si Ate Miyuks. Tas major feature ang Tigers. CSC at SOCC yata ito eh. Deins ko lang sure.” Sagot ko naman sa kanya. Tinignan ko ang orasan ko at shoot, 12:45 na pala. Anak ng dinaldal naman oh.

Hoy, Elai, Sophie. Mamaya na tulo laway. Di na tayo nakakain. May class pa tayo ng 1pm.”

“Wag na magclass. Wala naman yata si Mam Vicente eh.”, sagot ni Sophie na nakatitig pa rin sa Tigers.

“Oo nga. Tsaka di kami gutom.” dagdag naman ni Elai.

Sumimangot ako at tumayo. “Ay, leche. Kung ayaw, e di wag. Ako kakain at papasok.” Kinuha ko ang bag ko bago ako nagbabye kay Ate Miyuki. Nakakahiya naman, andito nga pala siya.

Ay teka, bago ka umalis, ipapakilala na rin kita. Ah, mga paps, kapatid ko nga pala. Si Samantha.” Sabi ni Kuya Jimson bago ako hinatak at pinatayo sa harap ng team.

Hello po, mga kuya. Shots na lang para maikli.”

Ayun. Bale team captain nila, si Jeric Teng. Tas co-captain, si Tata. Tas si Ferrer, si Kim Lo, si Paolo Pe, si Aljon tas si Ed.” Isa-isa pa rin niyang pakilala.

Jusko, kuya. Kilala ko naman sila, trainee ako di ba? Malamang dapat kilala ko yung mga pinapacheer ko.” Nakakapikon naman itong si kuya eh. Gumana na naman ang katangahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That's My TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon