Saan ka dito?
STRICT PARENTS- Sila yung may mga parents na lagi sinasabing "Wag ka muna magb-boyfriend/girlfriend! Bata ka pa. Mag-aral ka muna", "Ang boyfriend/girlfriend nandyan lang yan, hindi ka mauubusan nyan. Pag-aaral muna ang unahin mo", "Kapag nalaman kong may karelasyon ka, yari ka sakin!", "Wag ka muna mag boyfriend at baka mabuntis ka ng maaga o baka matulad ka sa mga kabataan ngayon". Karamihan sa may strict na parents eh, mga babae. (Pero guys wag niyo masamain yung mga sinasabi sainyo ng parents nyo kasi safety nyo lang naman ang inaalala nila).
THE HOPIA- Sila yung mga hoping padin kay ex, sila yung hindi padin nakakarecover hanggang ngayon, sila yung mga asang-asa na magkakabalikan pa sila ni ex.
THE TAKOT- Sila yung mga single kasi takot na masaktan ulit. Takot maulit yung nangyari sa nakaraan. Takot na ulit mahulog sa maling tao pero hindi sila duwag. Takot lang talaga sila.
THE NBSB/NGSB- Sila ang mga No Boyfriend/Girlfriend Since Break-up Squad.
THE BITTER- Sila yung mga hindi naniniwala sa forever. Yung tipong bitter na bitter pag may naglalakad na couple sa harap nila sabay mag-babadfinger pa sila sa couple habang nakatalikod sakanila sabay bubulong ng "ul*l walang forever" o kaya kahit makakita lang ng couple sobrang bitter na bitter na. Sila yung Walang Forever Squad. Sila din yung minsan ang sarap hampasin ng ampalaya sa sobrang bitter.
THE BASTED- Sila yung mga single kasi hindi sila sinasagot ng nililigawan nila kasi landi lang habol nila o kasi f*ckboy sila. (Uso magbago bruh para magka-gf kana. Ekis ka sa girls kapag ganyan ka.)
THE HAPPY LANG SQUAD- Sila yung masaya kahit single sila kasi nagkakaroon sila ng madaming oras para sa kaibigan at lalo na sa sarili nila. Sila yung simula ng maging single sila eh, nakakapag ipon na sila hindi katulad dati na puro gastos. Sila yung kahit papano eh nakakabili ng gamit para sa sarili nila. Sila din yung okay lang maging single basta may trabaho, okay na.
THE "ARAL MUNA" SQUAD- Karamihan sa squad na ito eh mga nerd, o mga priority talaga yung pag-aaral, pero minsan ito ang sagot ng ibang babae sa mga friends nilang nagtatanong kung may bf ba sila pero ang totoo wala lang talagang nanliligaw sakanila o minsan ayan din ang sinasagot nila sa suitor nila pag hindi nila gusto. (If you know what i mean girls. )
THE WALANG PAKE SQUAD- Sila naman yung walang paki kahit walang lovelife, basta may pagkain. Madaming madaming pagkain masaya na sila. Sila din yung dota, LOL, COC, etc. kuntento na. Karamihan dito mga chubby dahil sa kakakain. Hahahaha!
THE SINGLE MOM SQUAD- Sila yung mga babae na iniwan ng mga hinayupak na lalaki na hindi pinanagutan yung responsibilidad bilang asawa at tatay. Saludo ako sa mga nasa squad na ito dahil nakakaya nila buhayin ang anak nila sa sarili nilang sikap.
(c)Singlegoals
BINABASA MO ANG
NBSB
Short StorySino mga NBSB? o yung mga No Boyfriend Since Birth??? taas kamay!!!! hahaha.. tara! this is not a story.. --Advice --Rants --at ka-bitter-an lang ito ng isang hamak na NBSB credits to NaBHan (http://nabhan.deviantart.com/) for the cover pic