Love is a matter of a hello and a goodbye.
Ano nga ba ang pag-ibig? Pag-ibig sa magulang? Sa Diyos? Sa mga materyal na bagay? O sa taong talaga nga namang minamahal natin. Paano natin malalaman kung dapat nga bang ipagpatuloy at ihinto ang pagmamahal natin para sa isang tao?
Hindi tayo dapat maging kampante sa taong mahal natin dahil baka hindi natin alam, iiwan din pala nya tayo. Minsan, may mga taong nagmamahal satin na hindi natin naa-appreciate dahil binubuhos natin ang buong atensyon sa taong mahal natin.
May mga taong mahal nga tayo, hindi naman kayang pangatawanan at ipaglaban yung pagmamahal nya para satin kaya sa huli, tayo pa din ang masasaktan. Tayo pa din ang kawawa at tayo pa din ang maiiwan. Ano bang nagawa nating mali? Naniwala lang naman tayo sa sinasabi nyang pag-ibig nya satin diba?
Bakit kailangan pang dumating ng isang tao sa buhay natin kung aalis din naman sya at iiwan tayo. Buti sana kung iiwan nya lang tayo, madalas kasabay ng pag-iwan nya ay ang hindi nya sinasadyang masasaktan tayo. Bakit tayo nasaktan? Simple lang, kasi nagmahal tayo.
Nagmahal lang ako at hindi ko pinagsisisihan yun.
"Ayan! Tama na siguro to." nakangiting sabi ko habang tinititigan ang screen ng laptop ko.
Pakibasa ha, story ko yan sa wattpad. Title nyan, FALLEN. :)