Chapter 2 - FIRST DAY OF SCHOOL

15 1 0
                                    

Carter James Anderson

Tok! Tok! Tok!

Nagising ako sa ingay ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Mayamaya pa, bumukas na 'yun at...

"Mommy..." napaupo ako. Hindi ko akalaing si mommy na ang gigising sakin. Nakaayos na din sya at ready ng pumasok sa opisina.

"Carter James, you're late for  the first day of school!" walang kaemo-emosyong sabi ni mommy saka lumabas na din ng kwarto ko.

Ays, bakit ko ba nakalimutang mag-alarm! 6 na ng umaga. 7 ang simula ng klase. Bumukas ulit yung pinto ng kwarto ko at pumasok naman si manang.

"Sir, bilisan nyo na po." sabi nya bago lumabas. Tss, pinatay ko yung TV. Naiwan ko palang bukas. Sayang kuryente! Ts, kaya namang bayaran ng parents ko 'yan.

Dali-dali na kong naligo at nagbihis bago bumaba. 6:45 na ng bumaba ako. Nakaalis na din si mommy.

"Pakihanda ang sasakyan." sabi ko sa driver na  nakaabang sa baba ng hagdan saka dumiretso sa table para kumain sandali. Hindi ko na nga naubos ang pagkain ko dahil nagtext na si Henry.

Fr: Henry

Brad, asan ka? Late nanaman? First day tol! Dito kami parking.

Ako nga pala si Carter James Anderson. Gwapo, yun lang masasabi ko.

Sumakay na agad ako sa kotse at nagpadrive na lang. Wala ako sa wisyong magdrive ngayon. Inaantok pa ko.

"Brad!"

"Tol!"

"Pare!"

Kanya-kanyang bati nitong limang to. Mga bakla! Tss.

"Ready, tara na!" yaya ko sa kanila saka kami nagsimulang maglakad papasok ng building namin.

"Ahhh! Si Carter!"

"Ang gwagwapings naman nila!"

"OMG!!!! Aiden my love!"

"Ang hot nila!"

Ayan nanaman 'yang mga babaeng 'yan na walang ibang alam kundi ang ipagsisigaw ang mga pangalan namin. Di na nahiya!

ALICE's P.O.V.

"AHHHHHHHH!"

"Ang hot nila!"

Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan ng magsibabaan ang mga babaeng nakaakyat na sa second floor. Teka, diba dapat nasa room na sila? 7 na kaya! Teka nga, teka! Bakit ba sila nagsisibabaan?

Umiiral nanaman pagkachismosa ko! Bumaba ako at tinignan din ang tinitignan nila.

May anim na lalaking naglalakad sa gitna at pinapalibutan ng mga estudyante, specifically, mga babae! So ganon? Tinititigan ko sila at... Ang gwapo nung nakaitim na polo! Ano kayang pangalan nya?

Ano ba Alice? 'Wag ka ngang magdaydream dyan! Mayaman sila at mahirap ka lang! Di kayo belong. Hays, umakyat na lang ako at hinanap ang room ko. Kumalma din naman sa baba at nagsimula na ding magsipuntahan sa mga room nila.

Room 49... 50... 51... 52... Ahhhhh! My room! Room 53!

Teka, pano ba ko dapat pumasok? Babatiin ko ba sila? Ngingiti ba ko? Poker face? Pano kung wala akong maging kaibigan?

"Bakit ka ba nakaharang sa dadaanan ko?" masungit na sabi nung nasa likod ko. Tumalikod ako para makita sya at... Ang gwapo!

Ahhhh.... Sila yung tinitilian kanina sa baba. Yung anim? Napatitig ako kay kuyang nakablue. Ang gwapo talaga nya! Bumalik naman 'yung tingin ko sa lalaking sumigaw sakin. Nakakatakot sya.

"Ano? Hindi ka pa ba tatabi!?" sigaw nya ulit.

"S-sor---" naputol ang sasabihin ko sana dahil nagsalita si kuyang nakablue.

"Tss, 'di dapat ganyan CJ. Miss, excuse lang ah." nakangiting sabi nya sakin sabay kindat. Ang gwapo!

"O-okay.." sabi ko nalang at umalis sa dadaanan.

Nagsipasukan na 'yung limang lalaki tapos nagpaiwan si kuyang nakablue.

"'Di ka pa ba papasok?" tanong nya sakin.

"Ahh, mauna ka na." sabi ko sa kanya. Nahihiya ako eh.

"Babae dapat ang nauuna. Ano bang pangalan mo?" tanong nya sakin. Bakit ang bait nya?

"A-alice Perez." sagot ko.

"Ah. Ako naman si Nicolas.  Nicolas Peterson. Nick for short. Anak ako nung may-ari ng bilihan ng school supplies dyan sa tapat. Yung Peterson Bookstore?" sagot nya sakin.

"A-ahhhh. He-he!" ngumiti na langa ako. Wala akong maisagot, ang yaman nya eh.

"Tara, pasok na tayo." yaya nya sakin. Pinauna din nya ko pagpasok. Buti pa sya. Tsk! Pagpasok ko ng room, hala! San ako uupo? Yung anim magkakatabi ng upuan tapos yung ibang vacant, may mga katabing students. Hala! Dito na lang kaya 'ko sa pinakadulong seat. Kaso mukhang mataray 'tong katabing babae ehh..

"H-hi!" alanganing bati ko sa kanya.

 "Hello!" mgumiti sya sakin kaya naman nakahinga na ko ng maluwag. Haysss.

"Pwede dito na lang ako?" tanong ko sa kanya. Feeling ko naman approachable sya eh.

"Oo naman." nakangiting sagot nya.

"Thank you!" sabi ko bago umupo.

Tinanong nya ang pangalan ko saka san daw ako galing na school. Nung nalaman nyang mahirap lang ako at galing sa publlic, sinabihan nya kong mag-ingat daw ako at wag ko daw ipagsasabi na galing akong public dahil kawawa daw ako.

"...pero don't worry. I can be your friend" nakangiting sabi nya ulit sakin.

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo naman!" sagot nya.

"Salamat ah." nakangiting sagot ko.

CJ's P.O.V.

First day na first day nakakuha ng babae 'tong si Nick.

"Nag-iba na ba ang taste mo sa babae ngayon Nick?" mapang-asar na tanong ni Henry.

"Easy mga brad, di ko sya type." sagot naman nya na ngingiti-ngiti pa.

"Sus, eh pinagtanggol mo nga kay CJ kanina." pang-aasar naman ni Lucas.

"She's just... I don't know.. different?" sagot naman ni Nick.

"Wow, napapa-English ka na ngayon Nick? Ilang taon mong pinag-aralan 'yan?" tanong ni Aj tapos binato si Nick ng nilukot na papel.

"Anong pinagkaiba nya sa mga babae? Pangit sya?" tanong naman ni Ryan saka tumawa. Sinamaan sya ng tingin ni Nick. "Peace bro!" sigaw naman ni Ryan.

"See, pinagtatanggol mo pa? Nakamove-on ka na kay Vanessa? O isa nanaman sya sa mga flings mo? Pumapatol ka na pala sa mga walang sinabi kay Vanessa." pang-aasar ulit ni Henry.

Nanahimik naman bigla si Nick. Confirmed, di pa nakakamove-on. Hahahaha!

A/N: 

I need 10 votes and positive comments to update.  Demanding ako. Hahah! Eh kasi.. Basta! XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon