"Salamat" pilit niyang hinarap sa kanya ang mukha ko at hinalikan "Dahil magaling at talagang masarap ka, etong tip ko sa iyo." Hinagis niya sakin ang tatlong 500-peso bill. Pinulot ko yun.
Humirit pa siya ng isang halik at hawak sa dibdib ko bago tuluyang lumabas.
Tumayo ako at nagbihis. Humarap ako sa salamin. "Josephine Lagdameo, high school valedictorian, college lister ... now a very indemand slut. Congratulations" matiim kong sabi sa babae sa harap ko.
Pinikit ko ang mga mata ko at unti-unting inalala ang mga nangyari.
*****************
"Napakaswerte mo Mare, ang bait na ng anak mo, napakatalino pa." narinig kong sabi ni Aling Laida, kumare ng aking ina. "Oo nga eh. Buti hindi nagmana sakin pagdating sa katalinuhan. Hahaha" tatawa-tawang sagot ng aking ina.
Lumapit naman ako sa kanila at sumabat "Ako po ang maswerte. Napakabait na ng aking ina, napakaganda pa." at patuloy silang nagtawanan.
May konting salu-salo samin ngayon dahil graduation day ko. Sabi ko nga kay inay na wag ng maghanda dahil sa mas maraming dapat paggastusan kesa dun pero ang sagot niya ay "ikaw ang valedictorian. Dapat lang yun". Di na ako nakipagtalo.
"Hija, san mo nga pala balak magkolehiyo?" tanong naman ni Mang Albert. "Nakakuha ang anak ko ng scholarship sa Maynila. Miscellaneous na lang ang babayaran namin." Masayang sabi ni inay.
"Magaling naman kung ganun" tuwang tuwang sabi ni Mang Albert.
"Oh siya, Mare, mauna na kami. Maraming salamat ha. At Josephine, congratulations" at tuluyan ng nagsialisan ang mga bisita.
Makalipas ang isang buwan ay lumuwas na din ako sa Maynila dahil kailangan ko ng mag-enroll. At para na rin maayos ang mga dapat pang ayusin.
Nagsimula ang klase at masaya akong pumasok sa pribadong unibersidad na laan ng scholarship ko. Chemical Engineering ang kinukuha kong kurso.
Maayos naman ang naging simula ko sa kolehiyo. Mababait naman ang mga kaklase ko. Magagaling din ang mga propesor ko. Kumuha din ako ng part-time job malapit sa school.
Sa umaga ay nag-aaral ako at sa gabi naman ay nagtatrabaho ako bilang crew sa McDonalds. Busy man ay hindi namin nakakaligtaan ni Inay na mag-usap sa telepono. Ganun lang ang buhay ko hanggang sa makatapos ang taon.
"And this year's only president's lister from the department of engineering is none other than Josephine Lagdameo." Masaya akong umakyat sa stage upang kunin ang certificate ko. Hindi naman iyon graduation o ano kaya hindi ko na pinapunta si Inay. Tumawag na lamang ako sa kanya upang ibalita ang mensahe.
"Masayang-masaya *cough, cough* ako para sayo *cough cough* anak" sabi ng aking ina.
"Inay, masama na po ang ubo niyo ah. Bakit di pa kayo magpakunsolta sa doktor?" nag-aalala na ako sa kanya. Noon pa man kasi ay may ubo na siya. Pilit ko siyang pinapapunta sa ospital pero ayaw niya. Umiinom naman daw siya ng gamot.
"Hindi na *cough* anak. Okay lang ako *cough cough*"
Hindi ko na siya pinilit pero sinabihan ko siya na kung sakaling makaramdam ng kakaiba ay pumunta na agad sa doktor. Hindi naman ako makauwi kasi may summer class kami. Para daw instead na limang taon ay maging apat na lamang.
Nasa kalagitnaan ng third sem ng makatanggap ako ng masamang balita. Inatake si inay at sinugod sa ospital. Agad naman akong umuwi samin para dalawin siya.
"May lung cancer ang inay mo, Josephine. Stage 3 na." marami pang sinabi ang doktor. Halos manlumo naman ako sa nalaman ko. Cancer? Hindi ako makapaniwala na ganun na pala ang kalagayan niya.
BINABASA MO ANG
Josephine <One Shot>
Non-FictionJosephine Lagdameo, class valedictorian, college lister, now an indemand slut..