Sasapit nanaman ang Pebrero ang buwan ng mga pagmamahalan mapa asawa, lolo/lola, boyfriend/girlfriend, kaibigan, bestfriend at higit sa lahat ang kapatid. Lahat ng tao excited sa pagsapit ng February 14, bakit? Para sa mga juniors at seniors ay ito ang isa pinakamasayang parte ng pagiging highschool nila.
Naalala ko lang noong highschool din ako, kinukulit ako ng bestfriend kong si Ann Rose para lang dumalo ng JS Prom. Hindi kasi ako dadalo dahil wala naman akong hilig kahit pa sabihin nilang masaya ito at isa pa wala akong partner dahil wala namang nag aya sa akin. Hindi naman sa ako lang ang walang partner karamihan ata sa amin. Hindi naman ganun kahigpit ang rules ng school dahil pwede kaming magdala ng sarili naming partner kahit outsiders. Samantala pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan ko si nanay sa sala na nagbabasa ng isang dokumento. Binati ko siya at nagmano pagkatapos ay tumungo ako sa kusina para din mamano nanay, oo pinalaki kami nila nanay at tatay na huwag maging mapag mataas. Mayaman kami masasabi ko yan dahil may ari kami ng isang 5 star na hotel at na may limang branches na. Hindi kami pinalaking sunod sa luho dahil sabi nina nanay at tatay ay dapat kaming makuntento sa meron na binibigay nila at huwag makipag sabayan sa mga ibang mayayaman na matataas ang tingin sa sarili. Dalawa lang kaming magkapatid si Kuya Kai pinaikling pangalan niya Kaizer Anthony Ivo C. Del Fiero, oo mahaba ang pangalan niya dahil sakanya sinunod ang pangalan ng aming hotel KAI Del Fiero Hotel samantalang ibang iba sa pangalan kong Eya C. Del Fiero. Nasa 15 na gulang palang ako samantalang si kuya Kai naman ay 17, kolehiyo na siya ngayon nag aaral sa CSU kimukuha siya ng kursong BSBA Major in accountancy. Ako nama ay 3rd year highschool palang. Umuuwi si kuya Kai araw araw dahil malapit lang naman ang bahay namin sa unibersidad na pinag aaralan niya ang sabi niya ay sayang naman kung uupa pa siya ng kwarto kung pwede naman daw siyang umuwi para makasama kami araw araw. Malapit kami ni kuya sa isa't isa kaya sang ayon din ako sa pag uwi niya. Sa kabilang dako naman papalapit na ang JS Prom sinabi ko na kay nanay at tatay na hindi ako aattend at pumayag naman sila kung yun daw ang gusto ko kahit na nanghihinayang padin si mama dahil minsan lang yun.
February 14 biyernes, umalis si kuya ang sabi niya sakin may pupuntahan daw siya kasama si tatay. Samantalang ako naiwan kasama ni mama. Nanonood ako ng Spongebob Squarepants sa loob ng kwarto ko ng kumatok si nanay at sinabing susunod kami kanila tatay at kuya dahil may dadaluhang event pala. Hindi na ako nagtanong dahil sanay na akong laging isinasama nina nanay at tatay sa mga iba't ibang event o selebrasyon. May ibinigay si nanay sa aking kahon saka siya umalis at sabing magbibihis na din daw siya. Inilapag ko ang kahon sa ibabaw ng kama ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, binuksan ko iyon at nakitang si Ann Rose iyong nagpadala ng mensahe na ang sabi'y " see you besie " pinindot ko ang reply at nagsend ng message na " see you too besie ". Magkaibigan din kasi ang mga magulang namin kaya kami nagkalapit. Pagkatapos ay binuksan ko ang laman ng kahon at may laman iyong isang gown na kulay royal blue isinukat ko iyon at saktong sakto. Pagtingin ko sa salamin ay para akong binihisang prinsesa, nagtataka man ako kung bakit ganito ang ipapasuot ni nanay pero ang ginawa ko nalang ay nag ayos. Marunong akong mag make up kaya hindi ko na kailangan ng mag aayos sa akin. Natuto lang din ako dahil nga sa mga ganitong pagsasalong dinadaluhan namin. Naglugay lang ako at kinulot ang dulo ng aking buhok. Pagkatapos ay lumabas na pagbaba ko ng hagdan ay nandoon na si nanay kasama si kuya, siguro ay para sunduin kami ni nanay.
Huminto kami sa isang restaurant na siguro ay dito gaganapin ang isang event. Pagbaba ni nanay ay susunod na sana ako pero pinigilan ako ni kuya. Nagtaka ako kung bakit pero sumunod nalang ulit ako. Paglabas ni nanay ay isinarado ng isang lalaki ang pinto ng sasakyan, ibinaba ko ang bintana ng sasakyan dahil mukhang may sasabihin si nanay pero nagulat ako ng ang sinabi niya ay " enjoy sweetie". Para saan kaya iyon ? Tanong ko sa isip ko ngunit sumang ayon nalang ako kay nanay. Umandar ang sasakyan at alam ko kung saan patungo ito dahil daan ito patungo sa aming paaralan. Pagpasok ng aming sasakyan sa parking lot ay naririnig ko na ang tugtog ng malakas na musika.
Bumaba si kuya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Paglabas ko'y ngumiti lang si kuya sa akin. Pagpasok namin sa loob ay saktong tinawag ang pangalan ko at ng parter ko para sa entrance. Umupo kami sa upuang nakalaan sa amin. Matapos ang kotilyon at ang pagsindi ng kandila ay kumain na kami. Pagkatapos kumain ay sayawan na ang magaganap. Naglahad si kuya sa akin ng kamay pra magsayaw, pagkarating namin sa gitna ay saka palang ako natauhan sa lahat ng nagaganap. Naiiyak akong napatingin sa kuya ko dahil sa surpresang ginawa niya sa akin ngayong araw. Siya lang ang gusto kong maging partner pero ang sabi niya sa akin noon ay may lakad siya kaya nawalan na ako ng ganang paghandaan ang araw na ito.
"Salamat kuya" tanging paulit ulit na sambit ko sakanya habang naluluha sa tuwa. Natatawa lang siya sakin dahil sa reaksyon ko pero maya maya'y niyakap niya ako at sinabing "ikaw ang prinsesa namin kaya dapat kang magningning ngayong gabi, we love you Eya". Nang gabing iyon kami ni kuya ang nakoronahang Mr. and Ms. Js Prom 2012. Napakasaya ko dahil hindi ko inaasahang makakadalo pa ako. Nang gabi ding iyon ay nagsaya kami ng bestfriend ko. Alam pala niya ang plano nila sa akin.Hanggang ngayon nagmistulang magandang ala ala sa akin ang pangyayaring iyon sa buhay highschool.