Chapter 25: Red Car

183 6 2
                                    

YANNA'S POV

"Scene 2! Take 1!"

Nagsimula na kaming mag shooting for the scene 2, Dito na 'yung part na magkakakilalakami ni Jacob, He's on the mission ng bigla niya akong nabangga so kaylangan kong magkunwaring natumba.

Ayan na, papalapit na siya. Tumatakbo na siya. Ire-ready ko na ang butt ko.

123. Ouuuuch >.<

"Miss? Are you okay? Here. Let me help you"

Dahil nakalagay sa script na tatarayan ko siya, 'yun yung ginawa ko. "Get off! I don't need you help."

Tumayo ako then naglakad ng mabilis.

Ayoko ng ikwento 'yung magiging flow ng story since mapapanood niyo naman 'yun pag syempre, showing na.

8pm na kami natapos sa Shooting at ngayon ay inaayos ko na ang bag ko para makauwi na.

"Hey!"

"Oh Jacob? Bakit? May kaylangan ka?"

"Hatid na kita. Susunduin ka ba ng boyfriend mo?"

"Nuuuh. May naka schedule sakanya ngayon na work e."

"So? Pwede kitang ihatid?"

"Sure. Pero daan tayong Mcdo Drive thru. Okay?"

"You eat there?"

"Yeah. Favorite fast food namin 'yun ni kenken."

"Buti at walang nakakakilala sainyo."

"Nasa diskarte 'yan." Then I laughed.

"Baliw ka talaga." 

Lumabas na kami ng Tent then nasalubong namin sina Marshi.

"Marshi, gusto mo bang sumabay samin?" I asked.

"No thanks. I have my dinnerdate."

"With whom? Jessica?" I teased.

"Gagu!"

Tumawa na lang ako. Nagpunta na kami ng parking lot ni Jacob.

"Gara ng kotse ah."

"Nasa diskarte 'yan." Tumawa siya after niyang sabihin 'yun.

"Gaya gaya."

Binuksan niya 'yung pinto ng Kotse niya sa may passenger seat. Wushoo~ Genteleman.

Nang sinimulan niyang mag drive bigla siyang sumeryoso. What's wrong?

"Jacob? Okay ka lang ba?"

"Parang may sumusunod satin." agad akong napatingin sa likod. Isang pulang kotse ang nasa likod namin.

"Kanina ko pa napapansin 'yang kotse na 'yan." dagdag na sabi ni Jacob.

Kinakabahan ako. Baka mga holdaper 'yan. "Baka masamang tao ang laman niyan." 

"Don't worry. I'm here to protect you."

Malapit na kami sa Drive Thru at hanggang ngayon e sumusunod parin samin 'yung pulang kotse. Bakit kasi tinted ang kotse na 'yun? >.<

Nakadaan na kami dun sa place kung saan sasabihin mo 'yung order mo. Then dumiretso na kami dun sa Receiving area.

"Good evening Sir----- Jacob Yoon?" kinikilig na sabi nung Staff.

"Goodevening too."

Inabot na samin 'yung order namin. Ohmygosh! I forgot. Baka ma-media kami nito.

I Love You, Beyond Infinity ∞ ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon