Kabanata 6

780 37 9
                                    

Kinabukasan ay maaga ako gumising. Pagtapos magligpit ng pinaghigaan ay inabala ko muna saglit ang sarili sa pagtingin ng mga pictures ng kambal na ipinadala ni Ate Leslie.

Ngumiti ako noong makita ang masasaya nilang mukha. Enjoy na enjoy talaga nila ang bakasyon nila. Masaya ako para roon pero hindi ko pa rin talaga maiwasan ang pagkamiss sa kanila. Hindi talaga ako sanay na wala sila sa tabi ko. Lagi ako nangangamba kahit na ligtas naman sila dahil kasama nila si Ate Leslie, at alam kong hindi niya ito papabayaan.

Bumuntong hininga ako at naisipan na lumabas na ng kwarto. Lilibangin ko muna ang sarili ko para hindi ko gaano mamiss iyong kambal. Baka kasi maisipan ko pang sumunod doon sa kanila lalo na't nandito sa mansyon ang taong dapat ko ng iwasan.

Pagbukas ng pinto ay saktong ang taong dapat ko ng iwasan ang bumungad sa akin.

Si Zenrick.

Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin. "Good morning, Raskreia," bati nito.

Nagda-dalawang isip ako kung babatiin ko rin ba siya o hindi na lang papansinin. Napagdesisyunan ko kasing umiwas na lang talaga sa kanya. Pero ayoko naman isipin niya na ang rude ko at hindi ko siya binati pabalik.

"Good morning," bati ko na lang.

Paano ko ba siya iiwasan na hindi niya mahahalatang iniiwasan ko siya?

"What are you gonna do today?" maligalig niyang sinabi.

Hindi ko maiwasan tignan ang kabuuan niya. Naka-t-shirt lang siyang puti at itim na pantalon pero ang lakas pa rin ng kanyang dating.

Mayroon pa rin parte sa akin na hindi pa rin makapaniwala na siya ang ama ng mga anak ko. Kung tutuusin, masyado siyang mataas para sa akin. Kung hindi lang nangyari iyong gabi iyon, malamang ay hindi siya ang magiging ama ng mga anak ko. Hindi niya ako papansinin o tatapunan man lang ng tingin.

"Like what you're seeing?" nabalik ang tingin ko kay Zenrick na may ngisi sa mga labi.

Pinag-initan ako ng pisngi. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "K-kakain ako."

"Let's have a breakfast together. I can cook for you," sabi niya.

Sabay kaming naglakad patungo sa kusina. Tahimik ang buong mansyon. Siguro ay nagpapahinga pa si Papa sa kanyang kwarto.

"Naku, huwag na! Nakakahiya naman. Bisita ka rito tapos ikaw pa magluluto ng agahan. Ako na lang magluluto."

Kumilos na agad ako at hinanda ang mga gamit at pagkain na gagamitin ko sa pagluluto. Hindi naman na nagpumilit si Zenrick at umupo na lang. Mabuti na rin kasi hindi ko talaga siya hahayaan na magluto rito.

"Anong gusto mo sa itlog? Scramble o sunny side up?" tanong ko kay Zenrick.

"What about you?"

"Ah, sunny side up," naputol ako sa pagsasalita dahil muntik ko ng masabi na gusto ng kambal ang sunny side up na luto ng itlog!

"Then, sunny side up for me."

Tumango. "Plain rice o sinangag?"

"You?"

"Sinangag."

Tumango siya, "Sinangag, then."

"Cheesedog o hotdog?"

"You?"

"Cheesedog," ayan ang gusto ng kambal dahil masarap daw ang pagkaka-cheese nito. Sabi nila.

Tumango ulit siya at sinabi na ayan na lang din ang sa kanya. Nagluto na rin ako ng maling, bacon, at iba pang pang-almusal para na rin kina Papa.

Fall Into Midnight (Levrés Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon