*_*

5 0 0
                                    

  



  Love story..
"BEST FRIENDS???.."
Tapos na ang klase nina Jerome at Angelic...
Jerome: Hoy, Je'an... Tara, kain tayo sa labas?... :)
Angelic: Ayoko, Jerome. May gagawin pa ako ngayon eh...
Jerome: Mamaya mo na yan gawin.. Kain muna tayo. Libre kita...
Angelic: Sige na nga!... Wala rin naman akong magagawa eh... Kukulitin mo parin ako.... Saan ba tayo kakain??..
Jerome: Haha buti alam mo?.... Kahit saan.. San mo ba gusto??...
Angelic: Dun na Lang sa lagi nating kinakainang restaurant...
Jerome: Sige.. Tara... Akin na yang mga dala mo... (kinuha ang mga gamit ni Angelic)...
Angelic: Wag na ako na Lang.. Kaya ko naman eh...
Jerome: (Hindi pinansin si Angelic at deretso lang sa paglalakad)... Tara na Je'an... Iiwanan kita jan eh... "kahit Hindi ko kaya"... (bulong niya)...
Angelic: tss.. Ang kulit talaga.. Lagi na Lang siyang ganyan.. (sabi niya sa sarili)...
***RESTAURANT***
Jerome: Anong gusto mong kainin?...
Angelic: kahit ano... Kung ano na Lang din Yung sayo...
Jerome: Sige.. (tinawag ang waiter at nag order)... Wala ka na bang ibang Gusto??...
Angelic: Wala na... Ahhh... Jerome??...
Jerome: Hhmm??.. (Nakangiti na malawak)...
Angelic: Ahhhhh...... Diba Magkaibigan tayo??...
Jerome: (Nawala ang ngiti)... Aaahhh.... O-oo.. (di sigurado sa sagot)... Bakit??...
Angelic: kasi.... Hanggang ngayon tinatawag mo parin akong Je'an... Ano bang ibig sabihin nun?... Parang ang layo kasi sa pangalan ko eh...
Jerome: (Napangiti ulit)... Ahhh... Wala... Gusto ko Lang Tawagin kitang ganun eh... Bakit?.. May angal ka?... Kung gusto mo Ganun narin itawag mo sakin?...
Angelic: Sige!!. (Tuwang tuwa).. Teka?...... Ano ba talagang ibig sabihin nun??...
Jerome: Basta... wag munang isipin yun.... Simula ngayon, yan na ang itatawag mo sakin ha??...
Angelic: tsss.. Oo na.. Damot nito.................
***
Natapos na silang kumain...
Angelic: Sarap Talagang kumain dito... Sarap pa ng Pagkain... Busog nga ako eh.. Hehe....
Jerome: tss.. Takaw mo nga eh.. Dami mong nakain...
Angelic: Eh sa masarap eh...
Jerome: Tss. Oo na.. Masarap nga.. Tara na... Bumalik na tayong Campus... Baka malate pa tayo.....
Angelic: Ayy... Oo nga no??.. Hehe.. Tara na... (Tumayo na).....
Jerome: (Tumayo at basta na lang kinuha ang mga gamit ni Angelic).....
Angelic: Akin na nga... Kaya ko naman eh.....
Jerome: (Tinignan Lang ng masama si Angelic)....
Angelic: Tss.. Oo na... Wala naman ako laging magagawa eh... Tss.. Lagi ka na Lang ganyan... Daig mo pa Boyfriend ko eh.....
Jerome: (nanlaki ang Mata at...)... May Boyfriend ka na???!!!... Bakit di ko alam???!!.. Kailan pa??!!.. Sino??!!..... Sumagot ka?!!.. (Hinawakan si Angelic sa magkabilang Balikat at inuga uga ito).....
Angelic: ano ba?.. Tigil mo nga yan... (tumingin sa paligid)... Nakakahiya... Nakatingin na satin ang mga Tao.....
Jerome: (tumingin sa paligid at napabitaw Kay Angelic)... Ahh.. Sorry... Eh ikaw eh.....
Angelic: pffffffttt!....... Hahahhahahahaha... (tumatawa Habang hawak ang tiyan).... Ang Oa mo.. Haha... Syempre Wala no!... Haha.. Bakit ka ganyan mag react ha??... May gusto ka ba sa---.....
Jerome: OO... (Hindi na pinatapos si Angelic sa pagsasalita).....
Angelic: Huh??.. (Kumunot ang noo).....
Jerome: ahh... O-oo!!.. Ang Oa ko!.. Haha... Syempre kaibigan kita eh..... (Umiwas ng tingin).....
Angelic: ahhh.. Haha.. Kala ko may gus---.....
Jerome: Tara na... Baka malate na tayo... (lumakad na palabas ng restaurant)... Hooo!... Muntik na yun!.. Bakit ba ako nadulas na sabihin yun?!.. Hayy... (sabi sa sarili)...
Angelic: o....k??... (nakakunot ang noo at sumunod Kay Jerome).....
***CAMPUS***
Hinatid ni Jerome si Angelic sa Room nito....
Jerome: ahh.. Je'an... Ahh.. Una na ako... Mamaya na Lang...
Angelic: Sige, Je'an... Haha.. Oh yan ha??.. Je'an na ang tawag ko sayo... Haha.....
Jerome: (napangiti)... Sige na.. (yumakap Kay Angelic)... PakaBait ka Kulet.. (Ginulo ang buhok ni Angelic)...
Angelic: Oo na po... Panget.. Haha.. ^_^
Jerome: Tss.. -_- .........
***
4 hours later, Tapos na ang klase ni Angelic... Naglalakad siya ngayon sa Hallway ng Campus.... May nakasalubong siyang dalawang lalaki at hinarangan siya ng mga ito...
Angelic: Ahh... May kailangan ba Kayo sakin??...
Boy2: (siniko si Boy1)... Pre, Sabihin mo na... (bulong nito)...
Boy1: Ahh... Angelic Right??...
Angelic: Ahh.. Oo.. Bakit??.....
Boy1: Pwede bang.... Manligaw---.....
Jerome: Hindi... (biglang dumating at lumapit Kay Angelic at inakbayan ito)..... Hindi pwede.....
Boy2: Ahh.. Pre Tara na... May Boyfriend na pala.....
Boy1: Ahh.. Pre.. Pasensya na.. Sige... Alis na kami.. (sabi nito Kay Jerome at Umalis na).....
Angelic: Huy!... (sinundot sa tagiliran si Jerome)... Ano yang sinasabi mo??.. Bawal paligaw jan... Tss...
Jerome: Bakit?... Papaligaw ka ba??.....
Angelic: ahh... (kamot sa ulo)... Hin.... De... Hehe.....
Jerome: Yun naman pala... Tara na... Dami mo pang sinasabi jan eh..... (Kinuha ang gamit ni Angelic at nagsimulang maglakad).....
Angelic: tss... Oo na po... Sungit... (sabi niya at sumunod Kay Jerome)..... Teka Lang!.. Hintayin mo naman ako!.....
***
Naihatid na ni Jerome si Angelic sa Bahay nito.....
Angelic: Salamat, Je'an... (yumakap Kay Jerome).... Sige na... Umuwi ka na... Baka gabihin ka pa eh.... Ingat ka.....
Jerome: Sige... Una na ako.....
***
Kinabukasan....
***CAMPUS***
Nasa Gym ngayon sina Angelic at Jerome... Kakatapos Lang nilang Maglaro ng basket ball.......
Angelic: Hoooo!!!... Kakapagod palang Maglaro ng Basket ball, Je'an.... Pero sobrang saya... Haha... Salamat sa pagturo sakin.. Haha... Talo ka pala sakin eh......
Jerome: Psh... Pinagbigyan Lang kita... (Pumunta sa bench kung nasan ang mga gamit nila).... Oh magpunas ka muna ng Pawis.... (inabot Kay Angelic ang towel).....
Angelic: (kinuha ang towel at napunas)... Salamat.....
Jerome: (naghubad ng damit)...
Angelic: Je'an!!!... (takip ng Mata).... Magsabi ka naman!!.... Magbihis ka na nga!....
Jerome: tss... (nagpalit ng damit at kumuha ng tubig at ibinigay Kay Angelic).. Oh... Uminom ka muna.....
Angelic: tss... (Kinuha ang tubig at uminom)... Wow Je'an ha??... Dami mong pandisal sa katawan!... Haha.....
Jerome: Bakit?... Gusto mo?.. Sabihin mo Lang, Je'an... Bibigay ko sayo... (ngumisi ng nakakaloko)....
Angelic: Yuck! Je'an!... Mandiri ka nga!....
Jerome: tss... Mandiri daw... Pero nakasilip naman kanina.....
Angelic: H-hindi ah!!... K-kapal mo!!... (nagblush at umiwas ng tingin)....
Jerome: Eh bakit ka namumula??.... Haha!.. Ang cute mo Je'an!... Haha.....
Angelic: H-hindi kaya!!... (nagtakip ng mukha).....
Jerome: Haha!... Oo na.... Lika nga dito... (niyakap ng mahigpit si Angelic).....
Angelic: ahhh..... Je'an??...
Jerome: Hmm??...
Angelic: Sabihin mo na kasi Yung ibig sabihin ng Je'an.... Ano ba yun?.....
Jerome: Ahh... Not now, Je'an.....
Angelic: Bakit naman??..... Sabihin mo na kasi!.....
Jerome: Hayy.... Fine... It was you and me.....
Angelic: Huh??.....
Jerome: Pinagsama ko ang Pangalan natin... Je- Jerome... And An- Angelic... Ok now??...
Angelic: Ahhh... yun pala yun??..... Hehe... Ang sweet naman ng Best Friend ko!... (hinigpitan ang yakap Kay Jerome)....
Jerome: (bumitaw sa yakap at kinuha ang mga gamit nila).... Tara na.... Malapit ng magsimula klase natin.... (walang ganang sabi nito)....
Angelic: (kumunot ang noo at sumunod).... Huy!... Anong problema mo??... Huy!....
Jerome: (Hindi pinapansin si Angelic).....
Angelic: Hindi mo ko pinapansin ha??... (humarang sa harapan ni Jerome)..... Ano??.. Di mo ko papansinin??.....
Jerome: (nakatingin Lang Kay Angelic)....
Angelic: Ano bang problema??...... Huy... Pansinin mo naman ako....
Jerome: .......
Angelic: Huy... May ginawa ba ako??....
Jerome: .......
Angelic: May nasabi ba akong masama??....
Jerome: .......
Angelic: Jerome!.... Magsalita ka naman!.... Sabihin mo sakin... Hindi Yung para akong tanga dito......
Jerome: .......
Angelic: Magkaibigan tayo diba??.....
Jerome: Oo....
Angelic: eh yun naman---....
Jerome: Pero sana Hindi na Lang.....
Angelic: H-huh??.... A-anong ibig mong sabihin??.... A-ayaw mo nang makipag kaibigan sakin??.... Yun ba??...
Jerome: Oo....
Angelic: B-bakit??.... (napaluha na).... Kanina naman ang saya natin ah??.... pero ngayon.... Bakit ganito??..... *sobs*....
Jerome: Hindi na kaibigan ang kailangan ko ngayon.... Higit pa sa Kaibigan ang gusto ko...
Angelic: H-huh??...
Jerome: Di mo pa ba makuha??!!... Mahal kita!!...
Angelic: Mahal din naman kita eh.... Pero bilang Kaibi---....
Jerome: Yun na nga eh!!.... Mahal mo ko!!.. Pero Bilang KAIBIGAN Lang!!..... Di mo Ba kayang Mahalin ako ng higit pa don??!.....
Angelic: Huh??....
Jerome: Gusto Kita!!... Gusto kita Angelic!!.... Matagal na.....
Angelic: (Napatulala)..... A-ano?.... Gusto mo ko??.... K-kailan pa??.....
Jerome: Simula Nang Magkakilala tayo nung High School pa Lang tayo.....
(A/N: Collage na po kasi sila ngayon... Hehe... So it means... Matagal na silang magkakilala)......
Angelic: M-matagal na??.... Edi Ibig sabihin.....
Jerome: Oo.... Hindi Kaibigan ang Turing ko sayo nun.... Ikaw Lang ang Kaibigan ang Tingin sakin.....
Angelic: B-bakit di mo sinabi sakin??.... Kung noon pa???.....
Jerome: Dahil natatakot ako... Natatakot ako na kapag sinabi ko sayo ang nararamdaman ko para sayo..... Baka Layuan mo ko....... Ngayong alam mo na... Anong gagawin mo??......
Angelic: E-Ewan ko.... Hindi ko alam... Naguguluhan ako.....
Jerome: Para di ka na maguluhan... Sabihin mo sakin na itigil ko na tong nararamdaman ko para sayo....
Angelic: Masaya naman tayo diba??... Masaya tayo bilang Magka---.....
Jerome: Sabihin mo sakin na itigil ko na Angelic.....
Angelic: Sige..... Itigil mo---.....
Jerome: Pero Sa oras na sabihin mo ang mga salitang yan..... Wala ka nang kikilalaning Jerome sa Buhay mo..... (seryosong sabi nito).....
Angelic: A-ano??... Ano bang sinasabi mo??... Hindi kita maintindihan.....
Jerome: Sa tingin mo ba, makakayanan ko pang makasama ka pagkatapos ng nalaman mo??.... Isipin ko pa lang na Yung Taong Mahal ko... Hindi ako kayang Mahalin??... Dahil ang tingin niya sakin.... Isang Kaibigan Lang.... Hindi sa galit ako kaya ako lalayo... Dahil sa mga lilipas na araw... Na tuwing makikita kita..... Baka lalo Lang sumakit Yung Nararamdaman ko..... Dahil yang mukhang nakikita ko ngayon.... Yan Yung magpapaalala sakin.... Kung Gaano kasakit... Na hanggang Kaibigan Lang... (napaluha na).... Kaya ngayon... Sabihin mo sakin na itigil ko na... Para di ka na maguluhan.....
Angelic: Jerome naman.... Wag naman ganito.... Ikaw nga Lang ang kaisa isang malapit na Tao sa buhay ko.... Mawawala ka pa....
Jerome: Sapat na mga narinig ko... Hanggang dito na Lang ang sinasabi mong Pagkakaibigan..... Pero bago yun... Kung talagang Mahal mo ko.... Yakapin mo ako.....
Angelic: (Mabilis na yumakap Kay Jerome at umiyak sa dibdib nito).....
Jerome: K-kahit limang Minuto Lang........ (niyakap din ng Mahigpit si Angelic).... Mami miss kita....... (bulong niya)...............
***
Angelic's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Iniisip ko kung bakit Hindi pumasok si Jerome ng Dalawang Araw. Alam Kong, ako ang dahilan kung bakit di na siya pumapasok. Nagaalala na ako sa lalaking yun. Miss ko na siya. DI naman kasi niya sinasagot mga tawag ko sa kanya. Loko talaga yun. Hayy...
*humiga sa kama*
Ang Gulo kasi... Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Alam Kong may nararamdaman ako para sa kanya... Nang higit pa sa Kaibigan... Sa totoo Lang, natuwa ako nung nalaman kong may gusto pala sakin si Jerome... Hindi Lang pala ako ang may ganitong nararamdaman.... Parehas pala kami...
Nung sinabi niyang Kaibigan Lang ang Turing ko sa kanya... Gustong gusto ko sanang sabihin sa kanya na Mali siya... Na may nararamdaman din ako para sa kanya... Pero Ewan ko ba sa sarili ko... Naguguluhan talaga ako... Kasi diba??... Magkaibigan kami??... Para kasing Mali eh....
Alam Kong Nasaktan ko siya nung nakaraang dalawang araw... Kaya nakokonsenya ako... Naaawa ako Kay Jerome...
Ano ba tong nararamdaman ko??... Ayaw ko namang mawala siya sakin eh... Pero anong gagawin ko??...... Hayy... Mababaliw ako dito eh!.....
Bumangon ako sa pagkakahiga at pumuntang banyo para maligo. It's already 6:33 A.M. .... 7:15 nga pala umpisa ng Klase ko... Sana naman ngayong araw pumasok na si Jerome... Miss ko na siya... Sobra...
***
***CAMPUS***
Nandito ako ngayon sa isa sa mga Bench dito sa Campus... Madalas kami dito ni Jerome.. Dito kami laging nakukulitan... Hayy... Miss ko na siya... Miss ko na Yung mga pangaasar niya sakin... Di nanaman pala siya pumasok... tatlong araw ko na siyang di nakikita... Mahal ko Yung lokong yun eh... kung alam niya Lang...
Puntahan ko kaya siya sa Bahay nila? Sabihin ko na rin kaya sa kanya Yung Nararamdaman ko para sa kanya? baka kasi Mahuli na ako kung sakali... At yun Ang kinakatakutan ko.......
No Name: Ahhh... Miss??...
May Humawak sa balikat ko mula sa likuran ko... Pagkaharap ko... Isang Babae... Parang nakita ko na siya?.... Ahh.. Oo!!.. Siya Yung Classmate ni Jerome...
Angelic: Ahh... Bakit??.. May Kailangan ka??... Diba Classmate mo si Jerome?...
No Name: Ahmm... Yes.... Ahh.. Angelic right??...
Angelic: Oo... :)
No Name: I know you're a friend of Him.. But.... Did you know the reason kung bakit di siya pumapasok this past few days??.....
Angelic: Huh?.... H-hindi eh... Bakit??.. Ano bang Dahilan??.....
No Name: Hindi mo pa ba nababalitaan??...
Angelic: Na ano??!... (napatayo na ako. naiinis na ako sa babaeng to ha?!.. Masyadong pabitin eh).....
No Name: Naaksidente si Jerome....
(and with that... Nanlambot ang mga tuhod ko na anytime. Pwede na akong matumba)....
No Name: Hey!... Ok ka Lang??... (inalalayan niya akong tumayo ng ayos)....
Angelic: Pa-papaano??... (nanginginig ako sa pagsasalita).... A-anong Aksidente ang sinasabi mo??....
No Name: Car Accident...
(Mas lalo akong nanlambot sa narinig ko.... Parang anytime.. Mahihimatay na ako)......
No Name: Hey Girl... Umupo ka muna... Namumutla ka na..... (inalalayan niya akong maupo).... Naaksidente siya Kahapon Lang... Lasing siyang nagdrive pauwi... Tatlong araw na daw siyang umuuwi ng lasing... Di daw nila alam kung anong dahilan kung bakit siya nagkakaganon.... Nung isang araw daw naman, may nakakita sa kanya na isa sa mga classmate namin na may binugbog daw siyang isang lalaki... Muntik pa daw mamatay yung lalaki kung di pa siya inawat ng security guard..... Ahhh.. Angelic?... May alam ka ba kung bakit.... Siya nagkaganun?....
Angelic: (nakatulala Lang ako sa kawalan Habang nakikinig ako sa kanya)... Saang hospital siya dinala??.... (di ko na pinansin Yung huli niyang sinabi)....
No Name: Ahh... Angelic.....
Angelic: Saan?!!.. (napasigaw na ako).....
No Name: ahh... Di namin alam eh.....
(Pagkasabi niya nun, tumakbo na ako palabas ng Campus).....
Sec. Guard: Ahh.. Miss!!.. Saan ka pupunta?!!..
(sigaw ng guard ng makarating na ako sa gate)......
Di ko na siya pinansin... Basta deretso Lang ako sa pagtakbo... Pupunta ako ngayon sa Bahay nila... Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa kanya... ito na Yung kinakatakutan ko....
***
Nandito na ako ngayon sa Tapat ng Bahay nila. Sinimulan ko nang sunod sunod na magdoorbell.... Lumabas naman ang kasambahay nila.
Manang: (pinagbuksan ako ng pinto)... Ohhh... Angelic?... Anong ginagawa mo dito?... (tanong niya sakin... Kilala na niya ako kasi maraming beses na akong nakapunta dito).....
Angelic: Ahh.. Manang... Alam niyo po ba kung saang Hospital ngayon si Jerome?!.... (napaluha na ako)....
Manang: Ahh.. Oo!.. Teka, di mo ba alam na naaksidente siya??...
Angelic: Opo, Manang.... Kaya kung pwede po sabihin niyo sakin Kung saang Hospital siya ngayon...........
***
Nandito na ako sa Hospital na sinabi ni Manang.... At nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto kung nasaan si... Jerome....
Nanginginig ang kamay ko nang buksan ko ang pinto... Pagkabukas ko... Nakita Kong nakaupo ang Mama ni Jerome sa tabi ng kama niya.... Nilapitan ko si Tita at hinawakan sa balikat...
Angelic: T-tita.....
Lumingon siya sakin....
Tita: Angelic.... Ikaw pala... (punas ng luha)....
Tumingin ako Kay Jerome........ At nagsimulang magunahan sa pagpatak ang mga luha ko nang makita ko ang itsura niya ngayon.... Puro siya sugat sa Katawan at sa Mukha....
Uupo pa Lang sana ako sa upuan sa tabi ni Tita pero di na natuloy ng Marinig ko ang Sinabi niya.......
Tita: HE'S IN................ COMMA.......
At Dahil sa sinabi ni Tita... Dumilim ang paningin ko at di ko na alam ang sunod na nangyari................
***
6 MONTHS LATER........
Katatapos Lang ng Klase namin. At papunta ako ngayon Hospital.... Kung nasaan si Jerome. 6 Months na ang nakakalipas pero Hindi pa rin siya nagigising.... Miss ko na siya... Miss ko na Yung boses niya........
***
Nasa tapat na ako ngayon ng kwarto kung nasaan siya... Pero may narinig akong ingay mula sa loob.... Ingay ng... Nagtatawanan....
Agad Kong binuksan ang pinto at nakita Kong nakangiti ng malawak si Tito Habang si Tita naman ay nakayakap sa...... Sa....... Gising ng si Jerome.....
Dahan dahan akong lumapit sa kanila habang nagpupunas ng luha.... Napaiyak na pala ako....
Hindi ako makapaniwala na Gising na si Jerome....
Tito: Oh Angelic!.. Ikaw pala... (sabi ni Tito Habang nakangiti ng malawak)....
Napatingin naman ako Kay Jerome na nakakunot ang noo Habang nakatingin sakin.... Ngumiti Lang ako sa kanya at nagpunas ng luha.......
Pero Hindi ko na naihakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya ng Marinig ko ang sinabi niya....... Na nagpaguho ng mundo ko at nagpaluha sakin ng sobra.........
Jerome: SINO KA???..... Mom? Dad?.. Sino Po siya??....
NA YUNG TAONG MAHAL KO..... DI NA AKO... MAALALA..... :(
***END***  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

bHeSt FrIeNd =)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon