Chapter 3

27 4 2
                                    

The Start

Third Person's POV

*kringggggggggggggg
*kringggggggggggggg

Yan agad ang bungad sa mga estudyante para magising.

1st day of class ngayon at kanya kanya silang ayos at pabonggahan para sa kanilang pinapasukan.

Samantala may isang babae naman na hindi parin nagigising sa kanyang mahimbing natulog. Wala ding nagawa ang lakas ng ingay ng kanyang alarm clock para siya ay magising.

Nag alala naman ang kanyang ina dahil sa kadahilanan na siya ay mahuli sa kanyang unang klase.

Pinuntahan niya ang kwarto ng anak at bumungad sa kanya ang himbing na himbing na natutulog na babae. Masasabi na siya ay sadyang puyat dahil na din sa mumunting hilik nito.

"Anak gising na. Baka malate ka pa niyan sa school." Sabi ng kanyang ina habang niyuyugyog ang balikat ng anak.

Wala siyang nakuhang response kundi ang kaunting ungot nito. Ginawa na niya lahat para lamang magising ang kanyang pero hindi pa ito nagigising. Wala na siyang naiisip kundi ang kanyang huling taktika upang ito ay magising.

Dali dali naman siyang pumanta sa banyo sa kwarto ng kanyang anak at kumuha ng tabo at nilagyan ng malamig na tubig.

Dahan dahan naman siyang lumapit sa kama ng kanyang anak at pumwesto sa mukha nito.

Binuhos naman niya agad ang tubig na kanyang dala dala. Laking tuwa niya ng ito ay magising. Pero natakot din ng nakita niyang parang beast mode ang kanyang anak.

"Who the heck just fucking spill cold water on my face?" Galit na galit na sigaw nito.

At dahil bilang ina hindi siya natakot sa sinabi nito kaya humarap siya sa kanyang dala ang tabo.

"Ako anak. Bakit may angal ka? Kanina pa kita ginigising pero hindi ka pa rin nagising kaya binuhusan na kita ng malamig na tubig. Hay nakung bata ka. Mag ayos ka na nga sa sarili mo dahil 1st day na ngayon ng klase at 30 mins. from now late ka na!" Mahabang lintanya ng kanyang ina. Pero siya ay parang walang pakialam sa sinabing ina.

Ngayon pa lang ata nag sink in sa kanyang utak ang sinabi ng kanyang ina. Dali dali naman siyang bumangon sa kanyang higaan at agad na nagtungo sa banyo.

Hinanda naman ng kanyang iba ang kanyang mga gagamitin.

Natapos na siya mag ayos ay nagsuot na lang siya ng black na t shirt at may nakalagay na BITCH BACK OFF. Nagsuot na lang din siya ng ripped jeans at red converse. Binun niya na lang din ang kanyang messy hair.

Agad naman niyang kinuha ang kanyang mga gamit lalo na ang kanyang hoverboard na kulay black and red.

Bumaba naman siya at nakita ang kanyang parents na nakain na at ang kanyang little sister. Hindi na siya nag abala pang kumain. Kumuha na lamang siya ng tinapay.

"Bye Ma. Bye Pa." Binigyan niya naman ng tig isang halik sa pisngi ang kanyang magulang.

Pinuntahan niya naman ang kanyang lil sis at hinalikan din ito sa pisngi at ginulo na ang buhok nito.

Hindi na siyang nag abala pang magpahatid sa kanyang magulang dahil susunduin naman daw siya ng kanyang mga ka tropa.

Pagkalabas niya ng kanilang gate ay nakita na niya agad ang van ng kanyang mga kaibigan.

Pumasok naman siya agad dito at mga nakipag bro fist sa mga ito. Siya din ay kilala bilang one of the boys sa kanila.

Ang kasama niya lagi ay ang kanyang barkada sa kanilang mga ginagawa na kaguluhan.

The Badass And The Hottie(On hold and Editing)Where stories live. Discover now