Unang Palabas

42 0 0
                                    

Dahil napaka ganda ng title ng part na to eh uumpisahan natin ang journey natin Bes na latest na latest. Ang suspension ng mga klase sa mga lugar na apektado ng habagat.

Alam mo yun yung moment na alas tres palang gising ka na at naka tambay sa timeline ni Gov. Hinihintay yung announcement nya na wala na kayong pasok. Pero sa pag aantay mo eto ang makikita mo:

Magandang umaga po sa lahat. Sa mga oras na
ito (alas-5 ng umaga), WALANG ANUNSYO NG
KASELASYON po ng klase para sa pangkahalatan
sa ating lalawigan, subalit ang mga punong bayan
po ay meron karapatan, kakayanan at
responsibilidad din na magkansela ng mga klase
kung sa mga tingin nila sa kanilang mga
nasasakupan ay kinakailangan. Kung kaya't maaari
din po kayong makakuha ng impormasyon nito sa
inyo-inyong opisyales ng bayan o siyudad. Muli po,
ang ating nararanasang mga pag-ulan ay dulot ng
habagat na kung saan ay iba't iba ang
kalalagayan, klase at lakas nito sa mga bayan-
bayan, Ang pagkansela po ng klase ay marami
dapat isaalang-alang at ikonsidarasyon. Maging
ang mga opisyales ng mga paaralan ay meron
ding kakayanan na magdesisyon ukol dito, Para sa
mga magulang, sa inyo pa lamang ay maaari na
din mapagdesisyunan para sa inyong mga
anak.Muli po, sa pangkalahatan ng lalawigan ay
wala pong deklarasyon o anunsyo ng kanselasyon.
Manatili po ang lahat na mag-ingat, mapagmatyag
at makinig o manood ng mga balita para sa mga
bago at tamang balita. Maraming salamat po at
Pagpalain po tayo ng ating Panginoon.

Abay kahit sino namang naka tira sa mga lugar na binabaha na at malakas ang ulan ay kukupalin dahil sa message ng governor na yan. Okay kung kilala nyo man sya wag nyo akong i-bash opinyon ko to hindi iyo. So ayun na nga. Ako naman tong si uto nag bihis! Naka P.E na ko't lahat lahat. Nakapag post pa nga ako sa FB ko ng #MayPasok. Tas makikita ko nalang, nag message adviser namin. Wala daw pasok! Oha! Talo pa ng adviser namin si Gov! Nanggalaiti tuloy ako kay Gov.

"Taena nyang yan. Hindi ko sya iboboto sa eleksyon. Kupal sya" yas. Next election boboto na ako. At kahit may magawa man syang maganda hindi ko sya iboboto. Hahaha sorry gov pero ang late mo kase mag announce. Yung alas dos na saka ka mag aannounce yung tipong pa uwi na kami.

Buti nalang dumating ang isang member ng suicide squad! Si Vice Mayor! Yas. Friend ko sya sa FB. Sabi nya kanselado na daw lahat ng klase! Changgala kung kelang bihis ka na tas andyan yung service mo. Pero okay lang... Isa syang alamat!

Ng dahil kay vice mayor na postponed yung PT (performance task) natin bes! Makapag kakabisado pa tayo ng 8 stanzas na english song na hindi ko alam ang bigkas ng 'Didst' at ilang mga command sa Java.

Since walang pasok hayahay nanaman ang buhay. Upo sa sofa, higa, basa ng wattpad, messenger, facebook, selfie, nuod ng TV, soundtrip. At ito ang pinaka nakaka tuwang ginagawa ng mga babae pag walang pasok! Nag babasa ng story sa wattpad na may mga sex sex na ganyarn. Oh! Bes wag mong itanggi! Nakapag basa kana?! Mamatay ng dipa naka basa! Hahaha. Aminin mo man o hindi nakapag basa o na tempt kang mag basa ng ganyang mga story.

Yung pupunta ka sa sulok tas oopen mo yung wifi/data mo tas mag se-search ka sa wattpad ng mga ganto:
Una mga famous stories palang
Hanggang sa...
Boy x boy
Sex slave
Sex
Virgin
Etc.

Hay nako bes wag mong itanggi dahil gawin ko yan! Hahahaha yas. Mabuti na yung umaamin. Mahirap ang may kinikimkim ka sa loob.

Tapos pag naka search ka na ng type mong story na may BS eh tatahimik na yan. Mayamaya ngiti ngiti. Tapos... Wet! Hahahaha oy! Tsk! Alam mo bes may kaklase akong ganyarn! Sabi nya sakin habang nag babasa daw sya eh na iihi sya! Hahahaha. Realtalk yun. Pramis. Hahaha yung... Ang ganda nyang babae tapos ganun pala. Hahahaha punyeta! Mamatay matay ako sa tawa.

Hindi ka titigil sa pag babasa nan hanggang sa matapos ang story. Pag katapos deretso agad sa CR. Ihi. Tapos higa ulit! Mag sesearch pa ng iba.

Minsan may mga bagay na nakaka tawang tignan, pero sila yung dapat mong pinapahalagaan. Tulad ng pag hingi ng kanselasyon ng klase. Tama naman si Gov ∩__∩ na madaming isinasaalang alang ang pag kakansela ng klase. Madami kaseng magiging bunga yun. Malay mo pag nag kasela pala hindi naman umulan. Sayang yung araw. Imbis na hindi madadagdagan ang araw ng pasok sa buong taon eh madadagdagan dahil sa make up class. Isa pa, ay ang mga pangkaraniwang bagay na ginagawa tuwing libre ka. Nakaka hiya mang aminin pero yun ang totoo. Balang araw mapapangiti ka nalang ay masasabi... "Ganto pala ako noon sana may oras pa ako para gawin ulit yan" dahil wala ka ng time para sa sarili mo. Darating yung oras na pamilyado ka na, ako din. Magiging aligaga ka na sa mga bagay bagay. Minsan wala ka ng oras sa sarili mo. Kaya naman sulitin mo na ang pagka bata. Bakit ba ang mga tao ay nagmamadaling tumanda? At pag tumanda na ay hinihiling na maging bata ulit? Inuubos ang oras at lakas sa pag tratrabaho para kumita ng pera. At pag tumanda, inuubos ang pera para maging malakas. Ang ganda ng buhay, madaming bagay na kailangan mo munang malaman.

Ps: I love you Gov. Pero sana naman maintindihan mo din kaming mga estupidyante.

PEPPA'S LIFEWhere stories live. Discover now