Path 3

53 7 2
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

DO NOT DISTRIBUTE, PUBLISH, COPY, TRANSMIT, MODIFY, DISPLAY OR CREATE DERIVATIVE WORKS FROM OR EXPLOIT THE CONTENTS OF THIS STORY IN ANY WAY.

Chapter 3:

"Anakng! Late ka nanaman?!" rinig kong sambit ng kapitbahay namin habang natakbo ako paalis

Pano ba naman tinapos ko yung portfolio na pinapagawa samin ng kalbong teacher na yon kung pahirapan kami sa requirements wagas! Hindi naman nagtuturo. Kainis.

Pagkalabas ko ng subdivision ang tindi ng init! Kung papalarin ka nga naman oh may dumaan na bus patungo Trece kaya agad kong pinara yon at dahil rush hour tayuan at siksikan nanaman ang bus! Nakaheels pa naman ako ang sakit nanaman neto sa paa mamaya. Hindi pa nakakalayo ng takbo ang bus ng huminto ito. "Kasya pa! Yung mga nasa dulo paurong naman jan" malakas na sabi ng konduktor kahit nagmumukhang ala sardinas na kami sa sobrang sikip 

"Pakiurong don sa dulo! kasya pa, kasya pa, pasok kayo!" pagtatawag nito ng pasahero

Nakakairita na magkadikit na kami ng pwet dito ng isang pasahero na halatang naiilang na rin umiwas agad ito ng tingin nang titigan ko ito ng masama

"ANONG KASYA PA?! PUCHA MEGA SARDINES BA TONG BUS NIYO?!" iritang bulyaw ko dahilan para mapunta sakin lahat ng atensyon may ilan pang natawa kahit hindi naman ako nagjojoke 

 lalo lang ako naimbyerna dahil ang init na nga sa loob mukhang sira pa ang aircon ng bus tapos hindi ako pinansin ng punyetang konduktor! takteng yan pero umusad din naman agad ang bus napatingin ako sa relo ko 7:48 AM na late na ko sa first subject 

Di kalaunan ay nakaupo na rin ako kahit FCIE na at malapit na ko bumaba pero ang sakit na talaga ng paa ko kaya ng tignan ko ito muntik na kong mapamura ng may makitang paltos sa kanang paa ko. Hindi ko na yon ininda habang tinatakbo ko mula babaan patungong overpass hanggang sa gate ng university pambihirang mga guard to'! May papila-pila pang nalalaman tutusukin lang naman yong bag! 

Nang makapasok ako sa loob patakbo kong inakyat yung room namin sa 4th floor, kung dati nageenjoy ako sa view kapag nasa mataas na papag ang classroom pero hindi pala palaging masaya yung ganon may disadvantage rin pala lalo na kapag late ka na sa klase mo diba waley ang make up! Bago ako makapasok ng room hingal na hingal akong napasandal sa pader at napatingin sa salamin sa harap ko pota mukha akong hinabol ng zombie sa sobrang haggard.

Pinunasan ko ang pawis ko, nag lagay ng kaunting lipgloss, saglit na pagsuklay sa buhok sabay pasok sa room

Dire-diretyo akong umupo habang kinukuha yung libro ko not knowing na lahat ng atensyon nasa akin, sa pag angat ko ng ulo agad nangunot ang noo ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko 

"Who are you miss?" hindi sakin pamilyar yung guro na yon dahilan para malibot ko ang kaing paningin 

Holy mother shit...

MALING CLASSROOM!

"Isn't this the room of J419?" alanganin na pagtatanong ko ngumiti ito at umiling

"It's on the other side." shit.

Agad akong napatayo sabay  hablot ng mga gamit ko 

"I'm so sorry." mabilis kong sabi at tarantang umalis sa room na yon nakarinig pa ko ng tawanan at kaunting sipol ng kalalakihan 

NAKAKAHIYA! 

tinignan ko yung room number dahilan para mamura ko ang sarili ko, J417 ang napasukan ko 

The Heart's Anchor (COMPLETED)Where stories live. Discover now