Horizons

16 5 0
                                    

Isa lamang ang gusto ko sa isang relasyon, hindi ko naman kailangan ng perpektong relasyon na tulad ng iba, simple lang ang gusto ko yung tanggap ako, mamahalin ako ng tapat, irerespeto ako at kaya akong protektahan. 

Ako na ata ang pinaka masayang babae sa mundo, dahil nakakilala ako ng lalaking magpapabago ng buhay ko, hindi ko inakala na magiging ganito ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ako na ata ang pinaka masayang babae sa mundo, dahil nakakilala ako ng lalaking magpapabago ng buhay ko, hindi ko inakala na magiging ganito ako. Mahal namin ang isa't isa sobra. Lahat na ata ng gusto ko nasa kanya, nanliligaw palang siya sakin noon pero kitang kita mo na sobrang effort niya. Hindi naman sa maarte ako pero iba siya, ilang beses ko na siyang binasted noon pero ayaw niya pading tumigil kakasuyo, iniisip ko nalang na siguro makulit lang talaga ang isang ito. Hanggang sa dumating yung time na inis na inis na ako sa kanya dahil sa sobrang pag papa-pannsin niya at kakulitan niya, naiinis ako dahil ayaw niyang tumigil, sa sobrang inis ko nasampal ko siya hindi ko alam kung bakit nagawa ko ang ganoong bagay, at sa araw na yun hindi ko alam na yun na pala ang huling beses nang pangungulit niya, ewan pero naiinis ako sa kanya, nadi-disappoint ako sa kanya dahil hindi na siya nag paramdam pa, ganun lang pala yun kadaling sumuko? dahil lang sa sampal? Ugh.

Sumunod ang mga araw at naging masaya naman ako pero bakit ganun? parang may kulang eh, nakakaasar lang dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sumunod pang mga araw nakita ko din siya ang akala ko mangungulit na naman siya pero nilampasan niya lang ako, bakit ang sakit? diba dapat masaya na akong ganun siya? diba yun naman ang gusto ko? pero bakit? bakit ako nasasaktan. Sa araw araw na pagkikita namin cold na ang dating niya, sobrang nasasaktan ako. Limang buwan ang lumipas hanggang sa na realize kong GUSTO KO DIN SIYA.

Pinilit kong magpapansin sa kanya pero wala nang epekto ang mga ito, parang bumaligtad ang mundo, nagpalit kami ng sitwasyon, sobrang hirap pala nang ganito, ang sakit sakit sobra! Ganito pala ang nararamdaman niya noong iniiwasan ko siya, pinagtatabuyan ko siya, sobrang sakit nang puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Hanggang sa may sinabi sakin ang bestfriend ko, birthday niya, tama siya nga, inaya nila akong sumama sa kanila, noong una ayaw ko pero napilit din nila ako, inisip ko nalang na baka makakausap ko siya ngayong gabi, gusto ko nang humingi ng tawad sa kanya at suklian ang pagmamahal niya. Dumating kami sa bahay nila at hindi ko akalain na magkatitigan kami, ito muli ang una naming titigan sa nakalipas na limang buwan, siguro hindi niya ine-expect ma pupunta ako, napangiti na lamang ako sa kanya.

Naglaro kami ng truth or dare, masaya naman kaming lahat hindi ko nga lang maiwasan ang mapatitig sa mukha niya, dati naiinis ako sa mukha niya pero ngayon mas lalo akong nahuhulog sa kanya, minsan napapatingin din siya sa akin kaya agad akong tumitingin sa ibang direksiyon, hanggang sa saakin na tumama ang bote ng softdrinks, kinakabahan ako sa mga itatanong nila kaya nag dare nalang ako kase alam kong puro kalokohan lang ang lahat, pero hindi ko ine-expect na yun pala ang ipapagawa nila sakin "Sino man ang gusto mo dito ay halikan mo." Ang lakas ng tibok ng puso ko, naiinis ako sa mga kaibigan ko pero nagpapasalamat na din ako, ito na ata ang pinaka saktong oras kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa na hinalikan siya sa labi. Dahil sa pangyayaring yun doon na nagsimula ang walang hanggan naming pagmamahalan.

HorizonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon