"Basang Unan"

36 3 0
                                    

Nung iniwan mo ako ng walang pasabi at pangako ng pagbabalik, umiyak ako ng buong gabi, umiyak ako ng sobrang tindi. Kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa pakiramdam na, patulugin ka ng sarili mong pag iyak no? Naisip ko na hindi pinakuluang dahon ng bayabas o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit. Luha, ang pinakamabisang panglanggas sa sugat ng puso. Kaya inaaraw-araw ko ito. Sinimulan at tinapos ko ang araw na ginagamot ang mga sugat na iniwan mo. Binabalikan ko lahat ng alaala at hinahanap kung saan silang lahat bumaon sa puso ko. Nakakatawa.
Akala ko noon, kung dumating man ang panahon na 'to, puro mga away at hindi natin pagkakasunduan na mga sugat ang iintindihin ko. Na sila ang mahirap na gamutin, na sila na kahit ilang balde na ng luha ang pigain mula sa mata ko ay magdurugo parin.
Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo, sa kung paano ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mong nilalapnos. At kung paano ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita. Nadurog ako nung gabing umalis ka. Pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nadurugo ako nung gabing sabi mong ayaw mo na. Pero mas nagdurugo ako sa gabing tinanong mo ako kung "Pwede pa ba?" Nadurog ako nung gabing tinalikuran mo ako. Pero mas nagdurugo ako na nung pagtalikod ko, nandoon ka pa. Nadurog ako nung sinabi mong hindi mo na ako mahal. At nagdurugo ako at nadudurog at nagdurugo parin ako sa alaala na Ikaw pa ang mas naunang magsabi ng mahal kita. "Mahal.. ..kita."
Kung titignan ko ng maigi yung mga salitang sinulat ng lahat ng mga sugat na naiwan mo, yang dalawang yan ang mababasa ko.
"Mahal kita."
At sa inaaraw-araw na pagbibilad ng unan ko, nagmamanhid na sila. "Mahal kita"
At sa dami ng Luha na pinaglanggas ko dito naglalangib na sila. "Mahal kita."
At sa tagal niyang kumikirot dito sa dibdib ko medyo nakakasanay na "Mahal kita."
At sa tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan sigurado magsasara na sila. Magsasara at magiging pilat na paulit ulit kong mababasa at ang parati lang sabihin ay "Mahal....kita"
Mahal, kung magkita tayo muli at tanungin mo ako ulit kung "Pwede pa ba?" Ang hihilingin ko lang sayo ay mga bagong unan, dahil lahat ng akin ay akala mo naulanan na dahil lahat sila ay akin nang naiyakan ng mga kwento natin at nang iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na. Ayaw ko nang matulog sa unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita. Mahal nga pala kita. Mahal parin kita...
at sa wakas akala ko hindi na kasing sakit ng dati. Pero mahal, ang sakit parin pala.

THE END.

-Hello guys sana magustuhan nyo and don't forget to follow me 😊

And also don't forget to vote hihi

Sml ppl ❤

Tulang HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon