GFOYL 1

5 0 0
                                    

Its been 3 years since we broke up. And yet, I still love him.

Hindi naman masama na aminin sa sarili ko na mahal ko parin si Jay, pero alam kong wala ng dapat asahan pa dahil may girlfriend na siya.

Ang plastik ko naman kung di ko sasabihin na hindi ako nasasaktan. Pero sana, someday makalimutan ko rin siya.

Well, okay tamana at wala din naman patutunguhan lahat to e. Kaya ang iintindihin ko nalang muna ay ang paglalakad ko, nandito kasi ako ngayon sa daan at papuntang gotohan. Favorite ko kasi yung goto dito sa Hope Lane. 3 blocks away sa bahay namin.

Exterior: Daan / Day time

*beep!!!
Anak ng kinemper naman oh! May sasakyan pala!

Lumingon ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Jay pala ang makakabangga sakin. Napatigil lang ako at natulala habang siya ay ngumti sakin. Ang gwapo parin niya. Siya parin ang Jay na minahal ko. At pagkatapos nun ay naiwan akong nakatunganga habang sya ay umalis na.

Jay: Wag mo na kasi isipin yun, mahal ka din nun. Haha sige Shy! Ingat jan!

Ano ba yan! Nakuha pa nya akong asarin. At anong mahal? Wala akong mahal ha! Ikaw parin Jay! Ako nalang, ako nalang uli. Hahaha syempre joke di ko sinabi yun! Di naman ako ganun at ayoko na magmakaawa sa kanya na bumalik sakin.

At eto na nga, sinerve na sakin ang mainit na goto! Hihi with siomai pa to para solve na solve talaga ako. Hihi

After ko kumain, umuwi nadin ako and eto bigla nanaman sumagi sa isip ko si Jay. Hay! Kaya ayaw ko ng walang ginagawa e. Naalala ko lang siya. Nasasaktan lang ako.

Paano nga pala kami nag simula?

*FLASHBACK
Broken hearted ako sa first boyfriend ko at eto iyak ng iyak. Aba! Malaman ko ba naman na sila nung pinagkakatiwalaan kong kaibigan kaya pala nanlamig si gago. At eto ako ngayon, durog na durog.

Jay: Shy! Tamana na yan oh. Eto panyo! Ano ba naman yan kase eh sabi ko sayo ako nalang dapat sinagot mo e. Haha✌

Ako: Baluga ka talaga! Alam ng brokenheared yung tao kekemehin pa! Isako kaya kita jan. 😭

Jay: Hayaan mo na siya. Di sya dapat para sayo. Kundi ako, hahaha joke lang Shy! Pero eto na totoo na talaga. Iwan mo na yun. Kung lagi ka lang din nya pinapaiyak, di mo sya deserve. You deserve someone who will love you honestly. Only you at wala ng iba pa. Pailang beses na Shy yan! Sana naman this time matauhan ka na.

Ako: Tamana! Lalo ako naiiyak e!😭💔

*belle rings
Jay: Sige na Shy balik nako sa room ha! Kaw din!

Ako: Okay. Thank you nga pala!

Nagsmile siya at nag wave na sakin. Hay, sana katulad nalang ni Jay si Chris (boyfriend ko na ngayon ay ex ko na). Makabalik nalang ng classroom dahil time narin ng biglang.

"Mahal kita, sobrang mahal kita. Wala na akong pwedeng sabihin pang iba. Kundi, SORRY talaga, di ko sinasadya.Talagang sobrang mahal kita. Wag kang mawawala, sorry na"

Napatigil ako sa paglalakad ng madinig ko na kinakanta ito ni Chris kasama ang mga leche nyang kaibigan! Ba at may pag iyak pa si baluga.

"Shy! Sorry na. Sana mapatawad mo ako, ikaw lang naman ang mahal ko eh" Sabi niya.

"Kung paulit ulit mo lang din gagawin, wag mo ng ihingi ng sorry. Pag ang baso nabasag na, mahirap ng ibalik at buuin uli. Parang tiwala ka sayo,kaya sorry Chris. Lets end this. Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko kaya sorry. Im breaking up with you." Sabi ko.

"Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Tama ka, huli na ang lahat. Sorry sa mga nagawa ko sayong paulit ulit nalang. Salamat Shy, salamat sa 1 taon at 8 months. Sorry, sana mapatawad mo ako soon. I love you, for the last time". Sabi ni Chris

At unti unti syang lumayo sakin, habang lumuluha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Greatest Fan Of Your LifeWhere stories live. Discover now