Pahiram po ulit ng character nyo Miss Denny! Waaaa sana di kayo magalit sa sinulat ko. Kakatapos ko lang basahin ang ending ng VOICELESS at na-inspire akong ilabas ang feelings ko this way para kay Kevin... at syempre para sa taong nagmamahal sa kanya simula palang. xDD
____________________________________________________________
You said you have loved her for four years, but Kevin... I have loved you for six.
Sumali ako sa Runaway dahil sayo... Natuto akong humawak ng instrumentong ito, dahil sayo...
Nalaman ko ang tunay na sarili ko dahil sayo.
Akala ko nung una na wala lang. Akala ko paghanga lang talaga sa boses mo at sa pagtugtog mo ang dahilan kaya ako na-attract sayo. Pero mali pala ako... Hindi ko namalayang unti-unti na rin palang nahuhulog ang puso ko.
Hindi ko matanggap. Masakit isipin na ganito pala ako. Pilit kong pinipigilan ang sarili. Humanap na ako ng babaeng pwedeng mahalin at para ipaalala sa sarili ko na lalaki parin ako... Pero hindi eh.
Hindi ko pwedeng turuan ang puso kong magmahal ng iba.
Ikaw lang Kevin... Ikaw lang.
Kaya para sa mga nagkakagusto sa akin. All I can say is, Sorry girls...
Pero kay Kevin lang ako.
Nung nalaman kong nahulog na ang loob mo sa isang babaeng alam kong maliit lang ang tyansa na mapapa-sayo. Nasaktan ako. Pero ano pa ba magagawa ko? Kahit maglupasay pa ako sa harap mo, hindi mo naman maiintindihan eh.
Kaya ang ginawa ko.... Kahit magmukha man akong katawa tawa sa mga bumabasa.
Pinagtripan kita, inasar kita sa kanya, sinuportahan na rin kahit hindi masyado halata.
Pero Kevin alam mo ba, sa lahat lahat ng ginawa kong yun...
Sa loob-loob ko. ' Bakit sya pa? '
Bakit sya pa na die-hard fan ng bandang karibal natin ang minahal mo? Bakit hindi nalang ako, na magmula una palang nandito na sa tabi mo?
Ngayon heto ka, nasa labas ng simbahan, nasasaktan dahil ang babaeng mahal mo ay nasa loob at ikinakasal na sa iba. Hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin ka,
"Hindi ka papasok sa loob?"
Sumagot ka ng hindi na. Naiintindihan kita Kevin. Ayos na yan, kasi mas gusto ko kapag nakangiti ka. Pero yun ang problema, hindi ka nakangiti e.
Gaya nito, alam kong unti unting nadudurog ang puso mo sa bawat minutong lumilipas...Siguro sa mga oras na ito, the girl you love has declared her vows.
"Sipain kita diyan eh!" Biro ko sayo.
Pinagsabihan mo'ko sa bayolente kong biro, sabi mo na masama na sabihan ka ng ganun dahil nasa harap tayo ng simbahan pero ang mga sinabi mong, "Makasalanan ka na masyado Denver." ang tumatak sa isipan ko...
Natawa ako. Siguro nga Kevin...Tama ka.
Pero sa lahat ng kasalanan ko, ito na siguro ang handa kong pagbayaran basta ba kapag nalaman mo ang tunay na nararamdaman ko...sasagutin mo ako ng matamis mong 'oo.' Ngunit malabo mangyari yun.
"Sus, nagsalita ang naninigarilyo—?" Napahinto ako.
Nung makita kitang naninigarilyo, hindi ko mapigilan ang sariling hindi magalit sa babaeng nasa loob ng simbahan. Kailan ka pa nagsimula manigarilyo Kevin?
BINABASA MO ANG
Kevin Sy & My VOICELESS Feelings
FanfictionKahit mali ito sa mata ng iba... Mahal ko parin sya.