Chapter 13 - Going to a party?

129 4 0
                                    

THIRTEEN - Going to a party?

Sky’s POV

 Dismissal.

Pagkalabas na pagkalabas ko nang room ay agad kong hinanap si Earl dahil gusto ko siyang makausap. Hindi kasi ako mapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin sa mga nagdaang araw. Di naman sa pagiging epal masyado noh? Pero sinanay niya kasi ako sa klase nang treatment na kinaiinisan ko, pero sa kabilang banda ay nagpapangiti din naman sa akin. Kaya ang makitang parang nagbago na ang nakasanayan ko, hindi talaga matahimik ang kalooban ko.

 “ Ike, nakita mo ba si Earl?” tanong ko sa kaklase kong lalake. Hindi ko kasi siya makita kaya nagtanong tanong na ako.

“Hindi Pres eh.”  Sagot niya.

“Ah ganun ba? Sige, salamat.” Tinalikuran ko siya at nagpatuloy nanaman sa paglalakad. Aiiisssh… saan naman kaya nagsuot ang Unggoy na yun!. bulong ko sa sarili ko.

“Pres!” tawag sa akin ni Yan. “ Sama ka sa amin mag-lunch?”

“Ah--hindi na siguro, may gagawin pa ako eh. Kayo nalang, salamat.” I replied.

“Ah ganun ba? Sige kakain muna kami, Bye.” tatalikod na sana sila nang may maalala ako.

“Yan!” tawag ko “ nakita mo ba si Earl?” tanong ko sa kanya. Bigla naman sumama ang timpla nang mukha ni Yan. Hindi ko alam kung bakit.

“ Bakit mo naman hinahanap ang Unggoy na yun Pres?” mataray niyang pahayag.

“May itatanong lang sana. Nakita mo ba?”

“Hmmmm.. hindi eh. Pero narinig ko silang nag-uusap kanina ni Sonny parang pupunta ata sila nang soccer field, hmmmm.. pero hindi lang talaga ako sure Pres kung tama yung pagkakarinig ko.” sagot sa akin ni Yan.

“ Soccer field ba kamo?” tanong ko ulit at tumango naman siya bilang tugon. “Ah sige, salamat Yan ha? Maiwan ko na kayo. Bye.” Tinalikuran ko na sila at nagtungo sa soccer field.

Nang marating ko ang Soccer field ay agad kong nilibot ang paningin ko para hanapin si Earl. Nakita ko siyang nilalaro ang soccer ball sa isang bahagi nang field. Agad ko siyang nilapitan.

“Earl!” tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon at tumigil sa ginagawa niya. “Uhmm.. pwede ba tayong mag-usap?”  nakita kong gumalaw ang muscles niya sa mukha pero seryoso pa ring nakatingin sa akin. Aaaahh… my nag-iba talaga… pramis… ramdam na ramdam ko.

“ Baket? Anong pag-uusapan natin?”  tanong niya sabay iwas nang tingin sa akin.  Mabuti na lang at hindi mainit nang mga oras na yun sa field dahil natatabunan nang mga clouds  ang araw, kaya hindi na ako nagyayang lumipat nang location kung saan kami pwedeng mag-uusap.

“ Hindi na ako magpapa ligoy-ligoy pa, may problema ka ba sa akin?” tanong ko.Hindi muna siya nagsalita, bagkus tinitigan lang ako.  “ O’ ano? Sagutin mo ako!” dugtong ko.

“ Bakit naman mo naman nasabi yan? At bakit naman ako magagalit sa’yo?” sagot niyang hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin.

Nagkibit balikat ako bago nagsalita. “Aba malay ko, kaya nga nagtatanong di ba? At kung hindi masama ang loob mo sa akin, bakit parang iniiwasan mo ako nitong mga nagdaang araw? Yung totoo Earl, galit ka ba sa akin?” nakita kong gumalaw ang mga litid nang ugat sa kanyang sentido. 

“Tsssss… hindi ako galit sa’yo, galit ako sa sarili ko…” nakatingin siya sa bola nang sabihin niya yun. Nakita ko din na humigpit ang pagkakahawak niya sa bola. Ako naman ang hindi nakapagsalita. Bakit naman siya galit sa sarili niya? Anong problema ni Earl? Dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

The President's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon