Dear Diary,
Mapeh time na naming ngayon at wala yung aso naming teacher. Ano pa nga bang aasahan? Edi parang gubat na naman ang classroom, kahit alam kong marami naman talagang gubat yung mga kaklase kong babae dito. Pano ko nalaman? Well nalaman ko lang, hihihi
At dahil nga parang gubat na naman ang classroom na maraming mga wild animals eh naiirita ako, dahil sa ingay nila nadi-distract ako sa pagtingin kay Judemyloves. Ikaw ba naman makarinig ng mga dolphin, leon tsaka biek sa classroom niyo di ka madidistract? Tss, pero nevermind nalang! Magfo-focus muna ako kay jude myloves.
Habang nagpapantasya ako kay judemyloves biglang tumahimik ang buong klase kaya naman tinanong ko kay Jessica sabi ko “Te! Anyare?” Mataray kong tanong sakanya with matching taas pa ng kilay pero na-realize kong hindi ko nga pala naitataas yung isang kilay ko ng hindi tumataas yung isa kaya nagmuka akong engot dito, pero mas nagmuka akong engot kasi hindi ako pinansin ni Jessica. Aba ang gaga nakayuko lang! Padabog akong umupo sa upuan ko at pagtingin ko sa board. Shit!
“Alexis! Bat nakalagay yung pangalan ng dyosa diyan sa board?!” Galit kong sigaw sakanya “Te! Dyosa?! Ano daw?!” Narinig kong bulong nung mga kaklase naming pero hindi ko nalang pinansen
“Dyosa? Kahit nga Dyosa pa ng mga Pangit hindi ka tatanggapen eh! Nakita mong tumahimik na lahat naglalandi ka pa rin diyan!” Ay, ohmypem— “Itigil mo yang mabaho mong bunganga! Boses mo palang nakakairita na!” Hindi ko na naituloy ang pagkagulat ko dahil sa sigaw ni Bimby. Nakita ko namang kakampi niya na naman lahat pero di ako magpapatalo diary! Over my so-mabahong-pempem tatarayan ko ng bongga tong mga to!
“Palibasa mga pork barrel” Malakas na sabi ko at nginisian sila “Ang alam ko kay Napoles yun eh utak ate ha?!” Utak daw diary? Ano yun? Reproductive System lang ang alam ko diary eh. Pero teka! Napoles daw! Alam ko yung line dun! “Sorry ha pero Hindi Ko Po kase alam eh” Nang-aasar na sabi ko habang tinitignan si Nami mula ulo hanggang paa, nagtaka naman ako ng nagtawanan ng malakas yung mga kaklase namen.
“Bagay talaga kayo ni Jude! Parehong ilong na nga parehong shunga pa!” Sabi ni Bimby at nagtawanan ang lahat. Magtha-thank you na sana ako kaya tumayo ako ng biglang magsalita si Cave
“Manahimik ka nga anabelle!” Teka anabelle? Sino yun diary? Ang alam ko wala namang anabelle sa klase namin eh. Nagtawanan naman sila at nginisian ako nila Alexis
Ohwell, ang saya saya ko diary! Sinabi nilang bagay daw kame ni Judemyloves! Finally narealize din nilang bagay ang isang Dyosa sa mala-adonis na si Adan!
Nagmamahal kay Jude,
Tifanny ♥
BINABASA MO ANG
Diary ni Tiffany
HumorGusto mo ba ng katatawanan? Kamalasan at kahihiyan? Aba! Basahin na't sundan ang paglalakbay ni Tifanny. Patungo sa mga kamalasa't kahihiyan na kanyang mararanasan