5 | Can I?

6 0 0
                                    

Jake's POV

Totoo ung sinabi ko. Liligawan ko talaga siya. Kahit habang buhay ko siyang ligawan ay gagawain ko. I want to win her again. Mahal na mahal ko talaga siya.

"Seryoso ka talaga, Jake? Di ka nagbibiro?" Bigla siyang nagsalita, napangiti ako.

"Oo baby girl, seryoso ako, can i?"

"Sure baby boy, you can court me"

Niyakap ko siya, nang napakahigpit. Matagal kong inintay to. Napakatagal. Namiss ko to. Namiss ko ang pagsasama namin ng ganto. I feel so important when iam with her. Worth it lahat ng sakit.

*kring kring*
"Hey Jake! Someone is calling!"
Sinagot ko iyon, Tito Steve.
"Hello Tito?"
"Hi Iho! Uhmm wag na sa bahay! Sa beach nalang tayo magpunta! Sa Covelandia Island ah. Alam mo nanaman un"
"Opo tito! Sige po"
*call ended*

"Sino yon Jake? Hehehe"
"UUhmm si Mama, oo! Si Mama."
"Ah ganun ba? Tara na!"

4-5 hrs ang byahe papunta doon. Its Tito Steve's rest house.

Alam ko di na nakapunta si Nica don simula nung maaksidente siya. Talagang ang daming pagbabago ang nangyari sa buhay niya.

Nakatulog na si Nica. Nag red ang stoplight. Thankyou tadhana at nakisama ka. Pinagmasdan ko siya, ung titig na titig. Di parin talaga nagbabago ang mukha niya. Still, she is very pretty. Parang walang mga galos na dumaplis sa kanyang mukha noon.

Parang walang mga dugong na nagbigay dungis sa kanyang mukha. Tila walang nangyari sa kanya noon.

Noong naaksidente si Nica, di ko siya matignan. Punong puno siya ng dugo, ang buhok niya na may mga tulo ng sarili niyang dugo na nakaharang sa kanyang mukha.

Masakit para saakin ang nasa ganon sitwasyon siya. Ipinagdasal ko siya noon. Kung saan saan na kong simbahan nakarating. Isang buwan akong araw-araw nagnonobela sa Baclaran, minsan sa Quiapo.

Bading man tignan pero oo, ginawa ko yon. Halos araw-araw ay nandoon ako, umaraw man o bumagyo, tuloy parin.

Kilalang kilala na ko ng mga tindera dun, kasi kada daan ko eh nabili ako ng rosaryo. Nasa kwarto yon lahat. Nakatago sa isang box. Iniipon ko yun.

Lahat ng effort, dasal, pagmamahal binuhos ko noong buwan na iyon. Lahat ng dasal, lahat ng wish ay ginawa ko. Nagserve din ako sa Baclaran nun. Nagcharity feeding program ako don. Supportado ako ni Tita Cath at Tito Steve doon. Wala eh, mahal ko eh.

Bumalik na ako sa ulirat. Naggreen na ang stoplight. Patuloy na akong nagdrive. Mahimbing na natutulog ang prinsesa ng buhay ko. Tila pagod na pagod.

Napangiti nalang ako sa mga nangyayari ngayon. Di ko lubos isipin na nasaakin na siya ulit. Na wala ng hahadlang saamin.

Malapit na kami. Ilang oras nalang ay panigurado ay makakarating na kami. It's already 12 noon. Di pa kami nakain.

"Baby girl! Nica, gising! kain tayo"
Pupungay-pungay pa ang mga mata nito. Isang sign na masarap ang tulog nito.
"Uuhhm, anong oras na ba? Malapit na ba tayo? Hehe excited na ko magswimming eh!"
Natawa naman ako. Akala niya ay swimming lang magaganap. Kundi isang memorable reunion.
"Hahaha! Saglit nalang! Tara mag drivethru tayo. Chowking? Mcdo? KFC? Jollibee?"
Napangiti si Nica.

"Jollibee syempre!"
Mahilig si Nica sa Jollibee dati pa. Sinisigurado ko lang na ung nga ang gusto niya.

Lumiko ako sa drivethru sa Jollibee, lumaki ang ngiti ni Nica dahil nga favorite niya nga dito.

"Jake! Ano ako ah umhm chi--"

"Alam ko na Nica, akong bahala, kung mali ako, ililibre kita sa starbucks mamaya, kung tama ako, sasagutin mo na ko ngayon hahaha"

"Uhmmm, DEAL!"

" Sure ka? Sigurado ka Nica ah!"

"Oo nga!"

"Okay."

Turn ko na.
"Good afternoon! Welcome to Jollibee! What is your order po?"

"Dalawa pong Chicken Joy, Spicy flavor, Thigh Part, tapos dalawa pong peach mango pie, uhmm chaka dalawang large fries. Large lahat ung drinks."

Nanlaki ang mata ni Nica. Fries, ChickenJoy thighpart, spicy flavor? Peach Mango Pie? Yan ang lagi niyang inoorder. Sana tama nga ako. Haha!

"Uhmm Jake! Kakaiba ka ah! Alam mo lahat! Grabe ka! Di tayo deal! Liligawan mo muna ko ulet hahaha! Bleh :p, wait, lahat ng gusto ko alam mo. Bakit? Kilala na ba kita noon?"

"Kabog ka talaga Nica! Ah basta, malalaman mo mamaya :)"

"Orders complete po Sir! Thankyou for coming! Ingat po"

Inabot ko sa kanya ang mga inorder namin. Tuwang tuwa siya. Mamaya na raw namin kainin ung ChickenJoy, magpeach mango muna raw kami at magfries. Natatawa talaga ako dito. Obvious naman syempre! Nagdridrive ako!

Kinakabahan narin ako, kasi habang papalapit na papalapit na kami sa Covelandia, naalala ko kung may magbabago sa relasyon namin ni Nica.

Maybe this is the time.


He IsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon