Ch.1

1.9K 14 0
                                    

Napagdesisyonan ko na kinabukasan bumili ng gamit ko , pinautang ako ni Tita ng sapat na pera , saka ko na daw bayaran kapag nakaluwag na ako.

4th year highschool ako , sinanay ko mabuhay ng hindi umaasa sa magulang ko pero pinapadalan parin nila ako ng pera kahit hindi ko sinasabi , nasa probinsya sila kaya malayo ako.

Napunta ako dito dahil kay Tita siya nag-alok na dito ako mag-aral at ilang kanto lang din naman layo ng bahay nila kaya sa oras ng pangangailan may tatakbuhan parin ako, dito na kasi sila nakatira taga dito din nakatira si Tatay ,nagkakilala lang sila ni Mama ng minsan namasukan siya ng kasambahay dito sa syudad at si Tatay non hardinero kaya nag kakilala sila.

Nandito ako sa palengke para mamili ng kailangan ko , hindi naman ako yung tipong sa mall pa bibili ang sakin lang basta nagagamit ayos lang.

Habang namimili ako ng damit.

"Ayy!!." Tila mabasag ang lalamunan ko sa sigaw kong yun dahil may biglang humablot sa pitaka ko na hawak na dun nakalagay lahat ng pera ko.

Hinabol ko siya tila mabilis siya at hindi maabutan.

Nagulat ako ng may biglang humarang sa kanya at sinuntok siya sa mukha kaya napatumba yung magnanakaw.

Siya na yata ang day in shining armor ko.

Tumalungko siya at kunuha wallet ko sa kamay ng lalaki.

Tumakbo ng mabilis ang magnanakaw.

Lumapit sa akin yung laklaki.

"Miss sayo ba'to?." Tanong niya sa akin.

Tila bumagal ang paggalaw sa paligid ko at parang tinukop tenga ko at boses lang niya ang naririnig ko.

"Miss!!." Bumalik ako sa realidad ng magising ako sa halos sigaw na sabi niya.

"Ahh O-oo s-salamat ahh!!." Utal kong sabi.

Kaya ako nagkakaganito kasi hindi mo mapapagkaila na guwapo rin tong lalaking 'to.

"Gusto libre kita?." Alok ko.

"Salamat na lang."

Saka tumalikod siya at naglakad palayo.

__

Pagka-uwi ko sa bahay ni Tita Rosa kung ako pansamantala natulog kagabi.

Ngayon niya ako hahatid sa Apartment na pag-mamay-ari nila.

Dumeretso ako at sinimulan ayusin lahat ng binili ko at inimpake sa bag na binigay ni Tita sa akin.

Hindi na ako maliligo saka nalang pagdating don malinis pa naman suot ko.


"Kate nakabihis kana ba , halika na?." Sigaw ni Tita sa labas.

"Opo Andiyan na po."


Bumaba ako dala ang bag ko , lumabas kami ng bahay at sumakay ng tricycle.

Hindi kalayuan ay nakarating kami sa Apartment na pag-mamay-ari nila.

Pumasok kami sa building at umakyat kami sa hagadan pamunta sa pangalawang palapag kung saan yung unit na sinasabi ni Tita.

Tinungo namin ang banda dulo ng hallway , kumatok si Tita sa pinto.

"Carlo!!." Sabi ni Tita habang kumakatok sa pintuan.

Agad naman may nagbukas ng pinto isang guwapong lalaki na pamilyar sa akin , at hindi ako puwedeng magkamali.

"IKAW!!"

Moving To Sex Addict UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon