I, He Barely Know

0 0 0
                                    


Palakas nang palakas ang hiyawan ng mga tao habang kumakanta ang isang binatang ngayo'y nasa tuktok na ng kanyang kasikatan.

Siguro'y tanga na lamang ang mangangarap na mapansin ng isang taong iba ang mundong ginagalawan. Mundong hindi ko maabot.

At sa oras na nagtama ang aming paningin ay dinala ng hangin ang mga rasong ito.

Nawala. Naging malaya ang aking sarili. Malaya ngunit hindi kailanman makakilos. Malaya ngunit nakakulong sa sarili kong kulungan.

Humupa ang hiyawan at bumalik na siya sa likod ng entablado.

At sa hindi ko mahagilap na kadahilanan ay sumunod ako. Ngunit, agad akong hinarang ng mga nangangalaga sa seguridad ng konsyerto. Wala akong kalaban-laban.

Kung bakit ko ito ginagawa ay siguro'y hindi niyo kailanman maiintindihan. Nababaliw? Siguro. At kahit ako'y hindi magawang pangalanan kung ano ang aking nararamdaman. Malalim.

"Ay, Kuya..." Nabigla ako nang bigla siyang lumabas. Agad na sumibol ang kaba sa aking sistema. "Jamee?" Nakakunot-noo niyang tanong at mariin akong tinitigan.

"K-Kilala mo ako? P-Paano?" Halos hindi mailarawan ang nararamdaman ko.

Unti-unting nagbago ang kanyang ekspresyon. Napuno ng poot at galit. Ngunit agad itong naglaho. Nawalan ng ekspresypn ang  tsokolatw  niyang mga mata.

"Umalis ka na." Malamig niyang tugon.

"Ngunit--"

Ngunit hindi niya ako tinapunan ng kahit karampu't na atensyon. At iniwan niya ako ng isang anong na hindi ko masagot. Sino ako?

Hindi nga ba niya ako kilala? O ako ang hindi nakakakilala sa aking sarili?

I, He Barely KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon