Yolanda

8.2K 283 35
                                    

Taun-taon, maraming bagyo ang dumadaan sa Pilipinas at kamakailan lang dumaan ang isa sa pinamalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan. Tumatak man sa isip ng bawat isa na ang mga Pilipino ay matatag pagdating sa mga ganitong kalamidad hindi pa rin natin maipagkakaila ang pinsalang naidulot nito kahit saglit lamang itong nanatili sa bansa. 

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi.

Sa isang iglap, maraming buhay ang kinitil ng bagyong Haiyan (Yolanda), maraming naulila, nawalan ng mahal sa buhay, libu-libong pamilya ang nawasak ang tahanan at nasira ang lahat ng kanilang  ikinabubuhay.

Bagamat wala na sa bansa ang bagyong Haiyan, hindi pa rin natatapos ang kalbaryo at pasakit na dulot nito. Kung gaano nito kadaling winasak ang lahat, ang pagbangon at pagsisimula mula sa sakunang ito ay sadyang napakahirap.

Bilang isang pandaigdigang komunidad, ang Wattpad po ay nananawagan at humihingi ng tulong sa inyong maipagkakaloob upang ating maipadama sa kanila na kasama nila tayo sa pagharap ng pagsubok na ito.

Tumulong at magbigay ng mga donasyon sa Philippine Red Cross - http://www.redcross.org.ph - o magbigay ng mga relief goods sa local centres ng inyong komunidad.

"When deeds speak, words are nothing." -- Pierre-Joseph Proudhon

YolandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon