DEAR CUPID

8 0 0
                                    

GENEVIE'S POV

"Uy, diba si Eric yun?" tanong ni Zylah.

"Yyiieee!!!! Nakita niya nanaman si crush..." sabi ni Charyz.

"Guys! Parang-awa niyo na, please. Huwag niyo namang ipagsigawan sa sambayanang Pilipino na crush ko si Eric!" sabi ko.

"Sus. Pabebe ka pa." sabi ni Zylah.

"Uy guys, nakita niyo yun?" tanong ni Charyz.

"Nag-smile si Eric kay Genevie!" sigaw nilang dalawa.

"Sshh." I looked back at Eric na dinaanan kami kanina. Pero parang normal lang naman yung face niya.

"Hindi naman nakangiti ah?"

"Oo kaya. Kanina. Pero para lang siyang yun bang kinikilig na patago. Yung medyo may blush." sabi ni Zylah.

"Blush? Psh. Di na uso ang ganun."

"Mukhang may gusto rin sayo si Eric." sabi ni Charyz.

"Gosh! Anong may gusto? Iiwasan nanaman ako nun for sure!" sabi ko.

Close friends kami noon ni Eric. Pero, nang nalaman niyang may gusto ako sakanya, he started ignoring me na parang di niya na ako kilala or parang wala lang kaming "friendship" na pinagdaanan.

Hays, ganun talaga yun. Marami nang babae ang iniiwasan niya dahil may gusto sakanya. And unfortunately, isa ako dun.

Ang rude noh? Pasalamat nga siya, may nagkakagusto pa sakanya. Eh ako? Waley. Ni ipis di magkagusto sa mukha ko.

Minsan talaga nakakainis naman tong Eric na to. Ano nga bang dahilan at mahal na mahal ko pa rin siya kahit di niya na ako pinapansin?

Sabagay, gwapo, matalino, basketball player, guitar player, may sense of humor, famous, hot at friendly naman si crush noh!

Wala ka nang ibang hahanapin pa! Para sakin, perpekto na siya. Siya na ang hinahanap ko! Siya lang ang iniibig ko!

Pero, problem is, perpekto ba ako sa paningin niya? Ako ba ang hinahanap niya? Ako ba ay iniibig niya?

...Syempre,,,

Hindi!!!

Kaya, kailangan ko nang masanay na higit 5 months na niya akong tinuturing na invisible, kasi wala na talaga akong PAG-ASA. Sa bagyo lang meron nun.

Pero, dahil ako si Bagyong Genevie, may pag-asa rin ako! Tiwala lang! Magkakatuluyan din kami ni Eric.

Hindi man ako ang perpekto sa mga mata niya, hindi nga. Pero ako ang tamang babae  para sakanya.

Hindi man ako ang hinahanap niya, darating ang panahon na mari-realize niya na andito na ang matagal niya nang hinahanap. Naghihintay lang para sakanya.

Hindi niya man ako iniibig ngayon, aba hindi pa!
Kasi pinapangako kong balang araw, mamahalin niya ako to infinity!

Kaya, I'll Be Right Here, Eric, Waiting for you! May tiwala ako sayo at may pananalig ako sa Diyos na you are worth waiting for.

*Next day*

Pagpasok ko sa school, pambungad sakin ng groupmate ko na si Yssa.

"Gen! Absent si Martin! Change of plans, ikaw ang ka-partner ni Eric sa reporting!"

Dug Dug Dug Dug

Gustong-gusto mang pumayag at umoo, di pwede. Baka isipin ni Eric na super addict na ako sakanya na kahit sa pag-report na lang, hinahabol ko pa siya.

DEAR CUPIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon