Like I'm Gonna Lose You

2 0 0
                                    

"So I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you.
I'm gonna hold you,
Like I'm saying goodbye..."

"Uy! Sumabay ka naman, Love. Dapat duet tayo, theme song natin yan eh." sabi ko kay Zach.

"Hindi nga ako marunong kumanta, Love." sagot niya naman sabay akbay sakin.

"Kinanta mo nga yan nung nililigawan mo pa lang ako."

flashback...

February 14. Friday. Ang school namin ay nagse-celebrate ng Valentine's Day.

Alam ko na magiging lonely nanaman ang araw ko ngayon tulad ng iba pang mga nakalipas na araw ng mga puso.

Maghahanda na akong maging bored, dahil yun naman ang madalas kong nararamdaman tuwing Valentine's Day. Nagbabasa ng libro at nakikinig lang ako sa mga kanta sa cellphone ko.

Pagpasok ko sa classroom namin, ang dilim! Parang brownout. Bubuksan ko na sana ang switch ng ilaw nang biglang may bumukas na spotlight na nakatutok sa isang lalaki.

"Lam na this." sabi ko.

Nagsimula nang kumanta si Zach ng Love You Like I'm Gonna Lose You by Meghan Trainor habang tinutugtog ang gitara niya.

Medyo natatawa nga ako kasi sintunado siya tapos di niya abot yung mga matataas na nota. Pero, at least, galing naman sa puso.

Pagkatapos ng kanta, binaba niya yung gitara at lumapit sakin.

May kinuha siya sa likod ng tenga ko. Isang rose. Napa-wow na lang ako. Magic!

"Happy Valentine's Day, Pearl." binigay niya sakin yung rose. Ang bango.

"Happy Valentine's Day rin, Zach. Ay, ibibigay ko pala tong Valentine Card ko para sayo. Sorry kung medyo madumi. Nasobrahan kasi sa glue." sabi ko sakanya habang binibigay ang red na Valentine Card.

"Thank You." ngumiti siya. Aaminin ko, kinilig din ako.

"Sinasagot na kita." sabi ko.

"Talaga?" nabigla si Zach.

"Bakit? Ayaw mo?"

"Gustong-gusto ko! I love you, Pearl." niyakap niya ako.

Sa sobrang tuwa ko, sumakit yung dibdib ko. "Aray!"

"Pearl, okay ka lang?" concern na tanong ni Zach sakin.

"Ayos na. Ikaw naman kasi, grabe ang mga pautot mo. Yan tuloy, muntik na akong atakihin sa puso. Be careful with my heart naman."

"Don't worry. Ako bahala sa puso mo. I won't take you for granted. Aalagaan kita, Love." sabi ni Zach.

Buong araw kaming magkasama ni Zach. Madalas kaming umuupo sa steps ng stairs sa school namin.

Mas romantic daw dun kasi may design na flowers at hearts sa gilid ng hagdan.

end of flashback..

(Back to Present)

"Hay. Kakantahin ko rin yan ulit. Tiwala lang. Sa tamang panahon." sabi niya sabay kiss sa ulo ko.

Aatakihin ulit ako nito sa puso sa kilig. Joke! Eh paano, ang sweet naman kasi nitong si Zach.

Oh, nakalimutan kong magpakilala, sorry. Ako si Pearl Yesha Grande.

Si Zach ay boyfriend ko. Siya ang first and hopefully my last boyfriend.

•♡♡•♡♡•♡♡•♡♡•♡♡•

"Pearl! Pearl!" Naririnig kong nagsisigawan ang mga tao sa paligid ko habang nakahiga ako sa stretcher at sinusugod sa hospital.

"Love!" huli kong narinig ay ang boses ni Zach bago ako mawalan ng malay.

...

Ang usok naman dito. May fog ba? O sadyang langit na to?

Wait. Kanina nasa hospital ako tapos bigla ba lang nasa school ako?

Nag-transport ba ako? Hala! Patay na ba ako?

Naglakad lang ako nang naglakad. Nakarating ako sa hagdan sa school na inupuan namin dati ni Zach noong Valentine's Day.

Yung may flowers at hearts sa gilid. Pero, unlike nung nasa school, gold ang buong hagdan.

Isa pa, parang wala na itong katapusan at parang endless stairs. Teka. May katapusan naman pala. Ngunit, parang langit na yung nasa taas.

Ang ganda ng hagdan, pero nakakatakot. Baka sinusundo na ako ni kamatayan. Hala!

Nate-tempt akong umakyat kaya umapak ako sa unang step ng hagdan.

"I found myself dreaming,
it's over and gone..
Like a scene from
a movie
that every
Broken heart knows..."

Boses yan ni Zach! Nasaan siya? Lumingon ako sa likod kasi dun galing yung kanta. Sinundan ko lang yung boses ni Love. Nakaka-iyak eh. Nami-miss ko na siya agad.

"Woke up in tears,
You by my side..."

Zach, tinupad mo yung pangarap mo na kakantahin mo ulit yung theme song natin. Umiiyak na ako habang sinusundan yung boses niya.

"So I'm gonna love you
Like I'm gonna lose you.
I'm gonna hold you
like I'm saying goodbye.
Whatever is standing,
I won't take you
for granted.
Cuz' we'll never know it
when we run out of time.
So I'm gonna love you
like I'm gonna lose you.
I'm gonna love you
like I'm gonna lose you..."

Namulat ako at nasa hospital na ulit ako. Nakita ko sa tabi ko si Zach habang may hawak na gitara at kumakanta.

"Love? You're Alive."


DEAR CUPIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon