Two
Nakahain sa labas ng veranda yung alak na ibinigay ng kapatid ni Pipo pati ang iba pang pagkain—may sisig, Bicol express, at mga specialty ni Julian, mahilig magluto 'yon, eh. Malapit nang maubos yung Jack Daniel's at tumatawag na naman si Pipo sa kapatid niya, humihingi na naman ng suhol. May kapatid na babae si Pipo na freshman dito sa University at ang alak na iniinom namin ay suhol nito para hindi sabihin ni Pipo sa mga magulang nila na may sinalihan itong sorority. Nung una, kabado pa si Pipo pero nang makilala niya ang ibang mga miyembro ay naging kampante siya. Ang kaso lang kapag ganitong alak na alak si Pipo ay humihingi ito ng alak sa kapatid at kapag hindi siya pinagbibigyan ay nagbabantang magsusumbong sa parents nila.
Kasali rin sa sorority na 'yon si Rachel. Maraming activities ang mga 'yon, madalas din silang lumalabas at nag-iikot sa campus para sa mga kung ano-anong panawagan. Minsan, nandoon sila sa gitna ng field. Naalala ko na naman si Andrea, wala siyang sinasalihan na mga ganoon, ang hilig kasi n'on ay mga beauty pageants, eh. Si Rachel naman aktibista, okay lang kahit nakabilad siya sa araw basta maiparating niya ang gusto niyang sabihin. Si Andrea, 'di mo 'yon mapatatagal sa labas, laging nakapayong at posturing-postura, pero palagay ko pareho naman silang mabait kaso lang para silang North Pole at South Pole.
Mabait si Andrea, sobrang maalaga 'yon nung kami pa. Lagi rin siyang nandiyan para sa 'kin lalo na sa mga panahon na kailangan ko siya. Naging sobrang open ko sa kanya. Alam niya
lahat ng bagay tungkol sa akin. Wala akong itinago sa kanya at ganoon din naman siya sa akin kaya nga hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang nangyari sa 'min at ipinagpalit niya ako sa iba. Siguro nga ay nagkulang ako sa kanya.
"Pustahan tayo isang libo si Andrea na naman iniisip niyan," narinig kong sabi ng kaibigan kong si Chino.
"'Di na, eh di nanalo ka lang." Si Julian.
"Ito na lang pagpustahan natin, kung makamo-move on ba itong kaibigan natin o hindi." Si Pipo.
"'De, 'wag na 'yan. Kung magiging sila na lang ni Rachel!" Si Esso.
"Mga gago, tigilan niyo nga ako," saway ko sa kanila pero hindi naman naawat ang mga loko.
Tumayo si Chino at lumapit sa 'kin at inakbayan niya ako.
"Sige, ako pusta akong one-two, magiging sila. Tiwala naman ako sa moves nitong kaibigan natin. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape lalo pa't mukhang matagal-tagal nang hindi nakatitikim ng tinapay itong kape natin." Ang lakas ng naging pagtawa ni Chino at ng kakambal nitong si Esso.
"Sige, ako rin magiging sila. Sa unang pagkakataon, kakampi ako kay Chino," tatawa-tawang sabi ng kapatid nito. Palagi rin kasing nagtatalo ang dalawang 'yan. Unang-una ay dahil sa allowance. Mas nauuna kasing maubos ang allowance ni Esso dahil ginagamit nito sa pakikipag-date sa kung sino-sinong babae na ikinagagalit naman ni Chino dahil hinihingan din ito ni Esso ng allowance.
"Siya, siya magkampi pa kayong kambal, kampi kami ni Julian na 'di magiging kayo ni Rachel. Si Rachel 'yon, p're. A-tapang a-tao, totoong hard to get," sabi naman ni Pipo.
"Gawin niyong one-five pusta niyo, tig-one-five tayong apat," sabi ni Julian.
"Sige. Walang share dito itong KJ nating kaibigan." Si Esso patungkol sa akin.
"Hindi ako interesado riyan sa mga kalokohan ninyo," sagot ko na lamang sa kanila.
Maya-maya pa nang maubos ang nakahain sa lamesa ay nagsimula na kaming ligpitin iyon at isa-isa na rin kaming nagsipasukan sa loob ng apartment.
BINABASA MO ANG
How To Mend A Broken Heart
RomanceEven after getting dumped by his beauty queen girlfriend, Jacob de Lara refuses to move on. But when his friends come up with a plan involving the spunky and unwavering Rachel Lim, maybe moving on isn't so hard to do after all. *** Believing that An...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte